Chapter 8

10.9K 516 253
                                    

----------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----------


FRANCE POV

"Ayan na ako!!!" kunwari ay pananakot ko sa mga bata habang lumalangoy kami sa tubig.

Sakay ng kanya-kanya nilang salbabida ay halos hindi naman sila matigil sa pagtawa. Patuloy rin nilang ikinakampay ang kanilang mga kamay sa tubig palayo sa akin.

Nagkayayaan kami ng mga bata na maligo rito sa kanilang swimming pool. Sa totoo lang ay matagal ko nang gustong tumalon dito para lumangoy. Nahihiya lamang ako sa kanila lalo na kay Oliver kung bigla na lang ako ritong lulusong. Isa pa, hindi ko alam noon na kailangan pa palang mag-shower bago rito maligo. Mabuti na lang pala at nakapagpigil ako.

"Andiyan na si Papa, Ate!! Bilisan mo!!" tuwang-tuwa na sigaw ni Marl sa kanyang Ate dahil maaabutan ko na ito.

Kanina ko pa kinokontrol ang sarili ko na ipamalas ang kakayahan kong lumangoy. Ayon kasi sa kanila, bihira raw maligo si Weldy rito sa pool dahil madali nga raw itong mapagod. Tanging panonood lang daw ang nagagawa nito habang nagsasaya ang mga bata at ang asawa nito.

"Huli ka, Ate Kryz!!" sigaw ko nang maabutan ko ito.

Halos hindi makahinga si Kryz dahil matapos ko siyang maabot ay nagkunwari akong isang aswang na kinagat ang leeg nito.

"Si Marl naman, Papa!! Afwang na tayong dalawa kasi nakagat mo na ako!! Siya naman ang kagatin natin!!" natatawang utos sa akin ni Kryz.

Ganoon na nga ang nangyari, hila ko ang salbabidang sinasakyan ni Kryz ay hinabol namin si Marl. Noong maabutan namin ito ay sabay din naming kinagat ni Kryz ang leeg nito. Ayaw pa sana naming tigilan si Marl sa pagkagat sa kanyang leeg kung hindi lamang ito inubo. Nakaramdam kami ng takot na baka hikain ito.

"Kuya Weldy, magmeryenda muna po kayo ng mga bata!" pagyaya sa amin ni Ate Aning na kalalabas lang mula sa aming bahay. May dala siyang spaghetti at nakasunod naman sa kanya si Ate Loca na ang dala naman ay juice.

Tinulungan kong makaahon ang mga bata mula sa pool at ako na rin ang nagpunas ng tuwalya sa katawan nila. Matapos iyon ay inasikaso ko na rin sila sa pagkain nila.

Habang abala ako sa aking mga anak ay nakatayo lang naman malapit sa aming pwesto ang dalawang kasambahay.

"Kuya Weldy, ang puti talaga ng katawan mo, 'no? Nakakainggit sa kinis. Hindi kagaya nitong mukha ni Aning na parang ginagalis." papuri ni Ate Loca sa akin.

Tiningnan ko ang aking katawan. Wala kasi akong suot na pang-itaas sa mga oras na ito kaya kitang-kita ang puti ng balat ko.

"Uhm! Bakit ako ang ginawa mong sample?! Makinis ba ang mukha mo?! Hindi rin naman, 'di ba?! Para ka ngang pinaglihi sa pimples noong pinagbubuntis ka pa!" asik naman ni Ate Aning kay Ate Loca matapos bigyan ng mahinang pagbatok ang kaibigan niya.

His Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon