Chapter 7

10.4K 535 255
                                    

----------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----------

FRANCE POV

Hindi talaga ako komportable sa Kuya Michael ko na ito. Maayos naman siyang makitungo sa mga bata, pero tuwing magtatagpo ang aming mga mata ay hindi ko iyon natatagalan dahil nagbabago rin ang ekspresyon niya. Nagiging seryoso siya at nagiging matalim ang tingin niya.

"Ang dami n'yong pinamili, Kuya Weldy! Eksakto naman pala na dumating si Kuya Michael kaya marami tayong maihahanda!" pagbasag ni Ate Aning sa katahimikan.

Kasama ang dalawang kasambahay rito sa kusina ay pinagtutulungan namin ngayong ayusin ang aming mga pinamili kanina. Matapos kasi ang maikling pagpapakilala sa akin ni Oliver kay Kuya Michael ay niyaya na rin kami nitong pumasok ng bahay. Nagpresenta na lang din akong tumulong kina Ate Aning sa pag-aayos dahil hindi rin ako naging komportable. Ibang-iba kasi talaga ang tingin sa akin ni Kuya Michael. Masyado iyong matalim na hindi ko kayang tagalan kahit gaano pa ako katapang.

"Ang gwapo niya talaga, 'no?" biglang pagsulpot ni Ate Loca sa aking tabi.

Nilingon ko siya habang nakakunot ang aking noo. Napansin kong parang nananaginip siya ngayon nang gising. Mapupungay ang kanyang mga mata at matamis ang ngiti niya.

"Sino?" tanong kong nagtataka kay Ate Loca.

"Ayan, si Kuya Michael." pagkumpirma nito at inginuso nga ito.

Mula rito sa kusina ay natatanaw namin sa sala ang masayang kwentuhan at pakikipaglaro ni Kuya Michael sa dalawang bata. Mukhang magkakasundo naman sila at mukhang malapit sila sa isa't isa. Nakikita kong alagang-alaga niya rin ang mga bata dahil nakakandong pa ito sa kanyang mga hita.

"Hoy, Loca! Mamaya na ang landi! Magtrabaho ka muna!" biglang paninita ni Ate Aning kay Ate Loca matapos niya itong itulak.

"Aray naman! Nagseselos ka lang, Aning, eh! Palibhasa! Hindi ka crush ng crush mo!" asik naman ni Ate Loca pabalik sa kanya.

Tinaasan naman siya ng isang kilay ni Ate Aning.

"At ikaw? Crush ka rin ba ng crush mo?! Hindi rin naman, 'di ba?! At kahit anong gawin mo, hindi ka niya mapapansin, 'no!" hindi rin pagpapatalo ni Ate Aning.

Hindi ko maiwasang matawa sa kanila. Madalas silang magtalo pero hindi pa naman sila umaabot sa matinding pisikalan.

"Tama na nga 'yan! Tapusin na natin 'to para makapagluto na rin ako!" natatawa kong pag-awat sa kanila.

Nakinig naman sila sa akin at nagpatuloy kami sa pag-aayos dito sa kusina, pero habang patuloy rin kaming nagtatrabaho ay kinulit din naman nila ako.

"Kuya Weldy! Matagal-tagal na rin naming crush ni Aning 'yang Kuya mo! Baka naman matulungan mo kaming hingian siya ng video greetings diyan?! Ipo-post ko lang sa Facebook!" mungkahi ni Ate Loca na abala pa rin sa pagliligpit.

His Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon