Chapter 18

7.9K 445 622
                                    

Again, thank you, DJ_Deccao, sa pagbibigay mo ng napakagandang mga covers! Ang dami ko nang utang sa 'yo! ❤

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Again, thank you, DJ_Deccao, sa pagbibigay mo ng napakagandang mga covers! Ang dami ko nang utang sa 'yo! ❤

----------


FRANCE POV

Hindi maputol ang aking ngiti habang pinagmamasdan ang mga baunan na nakapatong sa aking kandungan.

Naisipan kong ipagluto ang aking asawa noong makatanggap ako ng tawag mula sa kanya kanina na hindi siya makakauwi ngayong gabi dahil may hindi raw inaasahang nangyari sa kanilang pasiyente. Noong una ay lubha pa akong nag-alala ngunit siniguro niyang isang normal lamang iyon na sitwasyon sa kanyang buhay bilang isang doktor.

Paulit-ulit na sinabi sa akin ni Oliver na ayos lang siya, ngunit hindi ko pa rin naiwasan ang mag-alala lalo na noong marinig ko ang hinaing niyang nagutom daw siya sa tagal niyang pag-aasikaso sa pasiyente nilang iyon. Matagal akong nag-isip hanggang sa may pumasok sa aking ideya na puntahan siya para dalhan ng makakain niya. Hindi ko rin iyon sa kanya ipinaalam dahil naisip kong mas maganda kung sosorpresahin ko siya.

Sakay ng isang taxi na pinatawag nina Ate Aning at Ate Loca ay naglakas-loob akong magtungo sa ospital kung saan namamasukan bilang doktor si Oliver. Bago pa ako makaalis ay siniguro rin nilang alam ng drayber nitong taxi kung saan ang ospital na aking sasadyain.

Medyo kinakabahan ako dahil bukod sa gabi na ngayon ay ito rin ang kauna-unahang beses na pupunta ako sa ospital na iyon. Pero sa tuwing maiisip ko ang napakalaking pagbabago ngayon sa buhay namin ni Oliver, napapalitan ang takot ko ng saya at lakas ng loob.

Sa nakalipas na mga araw at buwan magmula nang magbakasyon kaming magpamilya sa Palawan ay naging mas malapit pa kami sa isa't isa. Mas lalo ko rin silang nakilala lalo na ang aking asawa.

Walang araw na hindi nila ako napapangiti lalo na tuwing sinasabi nila kung gaano ako kahalaga sa kanila at kung gaano nila ako kamahal. Naging mas mahaba na rin ang oras na ibinibigay sa amin ni Oliver para magkasama-sama.

Naisip ko rin ang isa pang pagbabago sa aming samahan ni Oliver. Simula nang maangkin niya ako noon sa Palawan ay naging mas madalas na ang ginagawa naming iyon. Nagiging normal na rin sa aking isip ang pagniniig naming iyon. Madalas niyang pinapaalala sa akin na isang paraan lamang iyon para magampanan namin ang pangangailangan ng bawat isa. Doon din daw namin naipaparamdam kung gaano namin kamahal ang isa't isa. At dahil din sa madalas nga namin iyong gawin ay unti-unti na rin akong natututo. Kung minsan nga ay ako na rin ang nagtatrabaho para mapaligaya ang asawa ko.

"Sir, okay lang po ba kayo?" biglang pagbasag sa aking pananahimik ng drayber nitong taxi na sinasakyan ko.

Tiningnan ko siya nang may pagtataka sa pamamagitan ng maliit na salaming nasa tapat. Hindi na rin niya hinintay pang makapagtanong ako dahil agad din niyang sinundan ang sinabi niya.

His Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon