Chapter 11

11.1K 562 173
                                    

----------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----------

FRANCE POV

Nasisilaw ako sa liwanag na nagmumula kung saan. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata hanggang sa tuluyang maiproseso ng aking isip na nagising lang ako ng umaga.

Dahan-dahan akong umahon para makaupo sa kama. Saglit na natulala habang naghihintay na tuluyang magising ang aking diwa.


"Pwede bang matulog tayo ngayon nang magkatabi..?"

"Mmmm..."

"Sweet dreams, Weldy..."

"Sweet dreams, Daddy..."


Nagbalik sa aking kaisipan ang senaryo bago ako makahiga sa kamang ngayon ay aking inuupuan. Kung paano ko sinermonan si Oliver dahil sa inumaga ito ng uwi at kung paano ko siya nilinisan ng katawan. Lahat ay naging malinaw sa aking kaisipan hanggang sa mapag-isip-isip ko ang mga sumunod na kaganapan.

"Hala...." sambit kong mahina at naitakip ko ang aking mga palad sa aking mukha.

Ramdam kong nag-init ang aking mukha nang maalala ko kung paano kami nagpalitan ng halik ni Oliver kaninang madaling araw. Kung paano ako madaling bumigay at nagpadala sa agos ng mga pangyayari. At habang inaalala ko ang eksaktong kaganapang iyon ay ramdam kong parang hinahalukay ang aking sikmura at kinikiliti. Ramdam ko rin ang aking puso na tila nagwawala dahil sa pagtibok nang napakabilis.

"Tama na, huy..." pagsaway ko sa aking puso habang hawak ko na ngayon ang aking dibdib.

Hindi ako makapaniwala na nagawa kong gumanti sa kanyang halik. Simula nang manirahan ako sa bahay na ito, kinumbinsi ko na ang aking sarili na hindi dapat iyon mangyari.

Paro ano 'to? Ako mismo ang sumira sa sinabi ko. Lasing si Oliver at parang ako pa ang nagsamantala rito.

"Natuto ka nang lumandi, France..?" bulong kong tanong sa aking sarili. "Sabi mo, hindi pwedeng mangyari, 'di ba..? Eh, bakit bumigay ka..?" dugtong ko pang hinang-hina.

Ang dami kong katanungan sa aking sarili na hindi ko masagot. Pwede ko nang isiping nababaliw na ako dahil ang sarili kong tanong ay hinahanapan ko rin ng sagot.

Nasa kalaliman pa rin ako ng pag-iisip nang ilibot ko ang aking paningin sa paligid. Katahimikan ang sumasalubong sa akin dahil ako lang ang naririto sa silid.

Nang madako ang aking paningin sa kamang aking inuupuan ay gumuhit sa akin ang pagtataka. Ngayon ko lang napag-isip-isip na magkatabi kaming natulog ni Oliver kanina sa kama, pero bakit wala na siya?

May ilang minuto pa akong nag-isip hanggang sa may pumasok sa aking isang ideya. At nang tuluyan ko itong maiproseso ay nagbalik sa akin ang sigla. Kusang gumuhit ang aking ngiti at nagliwanag ang aking mga mata dahil sa pagkamangha.

His Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon