Chapter 13

9.6K 502 346
                                    

----------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----------




FRANCE POV

Dumating na ang araw na matagal kong hinintay. Ito ang araw na sabik na sabik akong mangyari dahil sa isang regalong nais kong ibigay.

"Happy birthday, Kryz!!!" sabay-sabay na pagbati ng mga bisitang ngayon ay nasa malaki naming hardin.

Naririto ako sa isang pwesto na bahagyang malayo sa maraming tao. Pinapanood ko ang mga bisita lalo na ang maraming bata na nagkakasiyahan sa mga oras na ito. Nagsisimula na ang programa ngunit hindi ko magawang makipagsabayan sa kaganapan. Halos hindi ko rin maigalaw ang aking katawan dahil sa halo-halo na ang aking nararamdaman.

Masaya ako dahil nakikita kong masaya rin ang mga anak ko. Naroon si Kryz sa maliit na entablado habang sinasalubong ng pasasalamat ang bawat pagbating natatanggap nito. Napakaganda niya dahil sa suot nitong magarang gown at maliit na korona sa ulo. Regalo rin ang mga iyon ni Kuya Michael sa kanya ngayong kaarawan niya.

Sa isang bahagi naman ng nagkalat na mesa at mga upuan ay naroon si Marl kasama sina Ar-Ar at Carla maging ang baby na si Drey. Ayon kay Oliver na kakilala pala ni Kuya Rigo, inihatid lamang nila ang mga bata ngunit hindi na sila sumama pa sa selebrasyon dahil may mahalaga rin daw silang trabaho. Ipinagkatiwala na lamang nila ang mga bata sa kasama nilang mga yaya para may magbantay sa mga ito. Ang balita ko pa, ang mga magulang naman nina Carla at Drey ang magsusundo mamaya sa kanila sa oras na matapos ang selebrasyong ito.

"Kuya Weldy, kami na riyan! Puntahan mo na si Kuya Oliver para makipag-bonding ka rin sa mga bisita ninyo!" biglang paggising sa akin ni Ate Aning mula sa aking pagkakatulala.

"A-ahm... A-ayos lang, Ate Aning. Tutulong na lang ako sa inyo para mas mapadali ang trabaho." pagtanggi ko rito at agad din akong umalis sa aking pwesto.

Dala ko ang isa sa mga regalong para kay Kryz na nagmula sa mga bisita nito. Hindi na kasi nagkasya ang iba pang regalo sa entablado kung nasaan ngayon ang panganay ko. Malalaki ang karamihan dito kaya kinailangan pa naming ilipat ng ibang pwesto.

Kumilos na ako at inilagay iyon sa isang mesa na katabi naman ng isang cake na napakalaki. Nang tuluyan ko iyong mailapag ay hindi ko naiwasang tingnan ang mga ito. Kasunod nito ay tiningnan ko naman ang mahabang mesa kung saan naman nakalatag ang maraming pagkain na hindi kami ang nagluto. Mayroon kasing tinatawag na catering service sina Ate Aning na inupahan daw ni Kuya Michael para wala na rin kaming iisiping lulutuin.

Hindi ganito ang inaasahan kong handaan para sa kaarawan ng aking anak. Ang inaakala ko kasi ay simple lang ito tulad ng aking nakasanayan sa bahay-ampunan. Masyado itong magarbo at hindi maikakailang mayayaman ang mga imbitado.

Sa akin kasing pinanggalingan, masaya na kami sa pansit o spaghetti na aming pagsasaluhan. Walang mga lobo at walang magarang dekorasyon tulad nito. Walang payaso na nasa entablado para magpamalas ng magic. Walang ganoon doon dahil ako ang nagsisilbing tagapagpasaya sa mga batang naroroon. Kakanta, sasayaw at magpapatawa ako kahit magmukha akong tanga. Ang mahalaga kasi sa akin ay ang mapasaya roon ang mga bata.

His Substitute HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon