EDITORYAL - Filipino: Ating Ipagmalaki Ito

4K 13 1
                                    

          Napakasakit isipin kung tuluyan ng aalisin at babalewalain ang panitikang Filipino sa kolehiyo hindi lang paaralan ang maaapektuhan maging ang ating kinagisnan din. Kung tutuusin, mahirap at maraming pinagdaanan ang ating wika bago pa man ito hirangin bilang wikang pambansa kaya dapat na itong pinahahalagahan at nirerespeto. Kung mahal mo ang iyong wika ipakita mo ang pagmamalasakit sa bansa at lalong higit sa wika.

Sa panahon ngayon, umalingawngaw ang isyung aalisin ang panitikang Filipino sa kolehiyo at papalitan ito ng ibang lenggwahe. Nakapagtataka sapagkat elementarya at hanggang sekundarya ay mayroong panitikang Filipino na siyang pinagaaralan ng mga kabataan dahil sariling wika natin ang sinasaliksik upang lubos na maunawaan ito. Dahil modernisasyon, laganap na naman ang iba't ibang wikang ginagamit lalo na sa mga kabataan tulad ng Korean Language na umusbong sa ating bansa nalilimutan na ang wikang dapat na gamitin sa pakikipagtalastasan.­­ Filipino ang wikang pambansa ngunit, maraming tao ang gumagamit ng wikang banyaga saan mang sulok ng bansa.

Filipino, ito ang ating wika kaya marapat na pahalagahan dahil ito ang susi sa pagkakaunawaan. Huwag alisin ang panitikang Filipino, kung ito'y tuluyang wawaksan, mawawala ang importansya o kabuluhan ang ating pambansang wika.

          Isipin at itatak natin sa ating puso't isipan ang mga paghihirap at pagdurusa ng Pilipino noon para lamang makamit ang wikang pambansa. Filipino, ang ating wika gamitin at mahalin dahil ito ang magpapaalala sa ating pagka-Pilipino.

Lahat tayo ay mayroong magagawa upang ang wikang Filipino ay patuloy na gamitin at tangkilikin. Kung ang iba ay kaya nating pahalagahan at mahalin, sa sariling wika ay magagawa rin.

A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!

Editorial - Editoryal Where stories live. Discover now