EDITORYAL - Tagapagdala ng Kapayapaan

857 5 0
                                    

Ginugunita natin ngayong araw ang mga dakilang Pilipino na nagbigay ng kanilang panahon at sukdulang inalay ang buhay para sa pinapangarap na magandang kinabukasan ng Pilipinas. Marami silang mga bayani bagama't iilan lamang marahil ang pinakakilala sa kanila katulad nina Jose P. Rizal, Andress Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini at Del Pilar.

Bukod sa mga nabanggit ay marami pang mga Pilipino ang maituturing na bayani dahil sa kanilang mga ginawang kabutihan para sa ating bayan.

Subalit hindi lahat ay naaalala. Ang iba'y nakalimutan na. Marami sila na mga ordinaryong Pilipino na nagbuwis ng buhay alang-alang sa kinabukasan ng ating bayan. Kaya binigyan sila ng espesyal na araw, tuwing ika-28 ng Agosto upang gunitain ang mga ginawa nilang kabayanihan para sa inang bayan. Kaya hindi isang ordinaryong holiday lamang ngayong araw na ito. Malalim ang kahulugan nito sa kasaysayan ng ating bansa. Dahil sa mga ninuno natin noon na naging masigasig sa kanilang pakikipaglaban upang mabigyan tayo ng magandang bukas ay naging isang malayang bansa ang Pilipinas.

Kaya dapat nating pahalagahan ang kalayaang ito na ipinagbuwis pa ng buhay ng ating mga ninuno. Huwag natin sayangin ang kanilang mga ipinaglaban noon dahil sila ay tagapagdala ng ating kapayapaan. Dugo at pawis ang pinuhunan nila kaya nakarating tayo sa kasalukuyang estado ng ating buhay ngayon. Marami pa silang mga pa­ngarap para sa ating bansa na kinamatayan na nila. Marami sa kanila ay hindi na nasilayan ang bukang-liwayway ng kalayaang tinatamasa natin sa kasalukuyan.

Mas magiging makahulugan at makabuluhan ang paggunita natin sa kanilang mga ginawang kabayanihan kung tayong mga mamamayan ng Pilipinas sa kasalukuyan ay magpupunyagi upang ipagpatuloy ang mga magagandang pangarap nila para sa bansang ito.

A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!

Editorial - Editoryal Where stories live. Discover now