EDITORYAL - Bawal na Gamot

1.7K 6 0
                                    

          Sa unang isang daang araw ni pangulong Rodrigo Duterte madami ng lumalabas na balita tungkol sa droga. Mayroong batas na pinapatupad sa bawat sulok ng barangay sa pilipinas - ito ay binansagan nilang "OPLAN TOKHANG'', marami ng sumuko upang magbago at magsimula muli, ngunit marami ring namatay dahil sa hindi pagsuko at pag-papatuloy ng ilegal na gawain. Ngunit totoo nga ba na kahit ikaw ay sumuko na, pinapatay pa rin?Iyan ang isa sa mga katanungan ng sambayanan at ng mga pamilyang namatayan na. Ayon sa mga pulis, kaya namamatay ang ibang sangkot sa droga ay dahil sa ito'y lumalaban.

Lingid sa kaalaman ng marami na kahit sa presinto ay talamak ang bentahan at gamitan ng droga at nasasangkot ang pangalan ng ating senator Laila Delima at kahit mapa-artista man ay gumagamit ng ilegal na gamot, kaya't ang iba ay sumali na sa "DRUG TEST" tulad ng mga artista upang mawala ang hinala sa kanila ng mga tao, maraming nag-negatibo at mayroon ding nag-posetibo, ngunit kasabay nito ang pag-huli sa isang sikat na aktor na si Mark Anthony, siya ay nahulihan ng isang karton ng "MARIJUANA" sa sariling sasakyan at ngayon siya ay nasa pangangalaga na ng mga pulis..

Hanggang ngayon patuloy parin ang pagpapatupad ng "OPLAN TOKHANG" at hanggang ngayon patuloy parin ang pagtaas ng bilang ng mga sumusuko at namamatay.

A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!

Editorial - Editoryal Where stories live. Discover now