EDITORYAL - Mahalaga ang EVAT sa Ekonomiya

509 4 0
                                    

          "Dapat nating bigyan ng pagkakataon ang pagsulong."

          Ito ang matatag na prinsipyong pinanghahawakan ng kasalukuyang administrasyon. At ito rin marahil ang dahilan kung bakit buo ang loob ni Pangulong Arroyo na makasumpong ng mga alternatibong mapagkukunan ng salapi para sa lumalaking gastusin ng pamahalaan, para sa mga proyektong pangkaunlaran.

          Binabalak din ng pamahalaan ang mabilis na "naturalization" ng mga foreign aliens sa bansa, na may hawak ng mga malalaking korapsyon, upang makatuwang ng gobyerno sa madaling pagsulong.

          Ang VAT ay hindi na bago. Noon pa mang 1988 ay ipinatupad na ito na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino, at noon Enero 12, 2004,  nakilala bilang RA 9337, ang EVAT o Expanded Value Added Tax ay nilagdaan.

          Ang EVAT ay hindi laban sa nakararaming maralitang Pilipino. Ang tanging sakop nito ay ang mga luxury services o tertiary commodities na karamihan ang mga mamamayan lamang ang nakakatamo tulad ng lodge-inn sa hotel, restaurant, taxicab, rent-a-car, imported na baka, advertisement, real estate, cable TV, propety rights, pesticides at iba pa.

          Ang EVAT ay ipinatupad upang mapahusay ang "taxation" at masugpo ang "tax evasion" na naglalabas ng P3B taun-taon sa kaban ng bayan. Ang mga aksiyong isinasagawa ng mga organisasyon tulad ng "KILL EVAT" ay isang manipestasyon lamang na kulang sa kaalaman ang marami sa kahulugan ng batas. Ang paglulunsad ng malawak na "information campaign" ay makatutulong sa madaling pagtanggap ng tao sa EVAT.

          Kung nais nating mapadali ang industriyalisasyon at kaunlaran, matutuhan sana nating magsakripisyo para sa ating mga kababayan.

A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!

Editorial - Editoryal Where stories live. Discover now