EDITORYAL - Karahasan sa pag-gamit ng BAWAL NA GAMOT

836 10 0
                                    

Talamak ang illegal na droga sa bansa. Kung laganap ang korapsyon, mas lalong laganap ang droga. Kahit sa liblib na mga barangay sa bansa ay nakakaabot na nang mga shabu, marijuana at iba pang uri ng droga na ginagawang halimaw ang mga kabataan na nanggagahasa at pumapatay pa.

Maraming krimen ang nangyayari ngayon na ang tinuturong dahilan ay ang paggamit ng ilegal na droga. May mga nangyayaring krimen dahil sa onsehan sa droga.

Matindi ang problema sa ilegal na droga sa bansang ito at hindi dapat balewalain ng awtoridad. Kailangang magsagawa nang malawakang operasyon para ganap na maputol ang aktibidad ng drug syndicate. Mga dayuhan ang sinasabing pinuno at financier ng drug syndicate.

Ano kaya ang tamang gawin upang masugpo at mawala na ang mga gumagamit ng droga? Mabisang paraan na ba ang pagpatay sa mga ito sa pagpapatupad ng Death Penalty Law?

Mabigat ang problema sa ilegal na droga at lalong bumibigat dahil ang mismong mga taong dadakma sa mga sindikato ay nagbabangayan. Itigil sana ang bangayan at magkaisa para durugin ang mga salot sa lipunan.

A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!

Editorial - Editoryal Where stories live. Discover now