EDITORYAL - Ipaigting ang Pagiging Malikhain

631 4 0
                                    

          "Gaya-gaya, puto maya," ang madalas nating naririnig sa tuwing nagaganap ang panggagaya. Tunay nga kayang ang mga kabataan sa panahon ngayon ay lubos ng naiimpluwensyahan ng nakararami kahit sa hindi magandang pamamaraan?

          Sabihin man nating normal ang panggagaya, isa pa rin itong hindi kanais-nais na pag-uugali na kailangang burahin sa pagpapatuloy ng henerasyon. Isang malaking impluwensya ang salitang "gaya-gaya" sa pagbagal ng isip ng mga tao na labis na nakasisira sa pag-unlad ng ating bansa at ng isang indibidwal.

          Tingnan na lang natin sa mga bagay, sa pananamit, sa pag-uugali at sa mga organisasyon, lahat puro hiram, lahat puro gaya. Bakit hindi pairalin ang pagiging malikhain at masining na magagawa natin. Sa gayon ay matakpan at tuluyan nang mabura ang di magandang impresyon sa pag-uugaling ito ng mga Pilipino. Isang malaking kasiraan ito para sa atin kapag nagpatuloy.

         Hindi man ito nabibigyan ng sapat na pansin ngayon sa kasalukuyan, napaka-tipikal man nito sa paningin ng lahat, ang bagay na ito ay kinakailangan na talaga nating baguhin at pausbungin. Ang pagiging iba at malikhain, ikintal sa ating isipan ang pagiging tunay na pinoy sa lahat ng aspeto ng buhay na sadyang magdudulot ng isang kahanga-hanga at kakaibang bansa.

A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!

Editorial - Editoryal जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें