EDITORYAL - Social Media: Nakakatulong Nga Ba?

2.6K 21 0
                                    

Ang mga kabataan ngayon ay masyadong binibigyang atensiyon ang mga social media sites tulad ng Facebook, Twitter, Google at Instagram. Ang mga sites na ito ay hinahayaan ng mga kabataan na makita kung ano ang kanilang nais na makita. Isang pindot lang, nasa harapan na nila ang gusto nilang hanapin sa internet. Hinahayaan ng social media sites ang mga kabataan na makipag-usap sa kanilang mga kaibigan, guro o kamag-anak sa malalayong lugar.

Sa mga uri ng social media, ang sinasabing pinakakilala ay ang "Facebook" na kung saan ang gumagamit ay maaring magpadala ng mensahe, mag upload ng mga larawan, videos, makipagchat o makipag-usap at iba't-iba pang gamit nito.

Marami pang iba't-ibang uri ng social media ang ginagamit ng mga mag-aaral, guro, mga magulang ganoon din ng iba't- ibang uri ng tao sa daigdig. Ang iba pang mga ginagamit ay ang Twitter at Instagram na may iisang layunin – ang makipag-ugnayan, makipag-komunikasyon at makipagtalastasan sa mga tao sa iba't-ibang parte ng mundo.

Habang dumarami ang gumagamit ng social media ay mapapansin na may mabuti at masamang idinudulot ang paggamit nito. Ayon sa obserbasyon at pananaliksik, karamihan sa mga gumagamit ng social media ay nasa gulang na 14-29 at mismong mga bata na rin ay gumagamit nito. Ilan sa mga mabubuting epekto ay ang madaling pagkalat ng mga kaalaman o mga impormasyon, mabilis na pakikipag ugnayan sa mga taong kasama sa trabaho o hindi man.

Nabibigyan din ng magandang pagkakataon ang mga mag-aaral upang lalo pang malinang ang kanilang pagkamalikhain o pagkamakasining at patuloy na pagkakaroon ng mga ideya. Ang mga kakayahan o talento ng bawat isa ay matutuklasan, halimbawa kung ang isang tao ay magaling umawit, maaari siyang matuklasan nang mas madali sa pamamagitan ng videos. Maaari ding gamitin ang Google, isang website upang makapanaliksik ng tungkol sa iba't-ibang aralin. At ang mga saloobin ng bawat isa ay madaling maipahayag.

Sa loob at labas ng silid-aralan ay maaaring makipag-uganayan ang mga guro sa mga magaaral para sa pakikipag-talastasan. Magagamit ito ng mga kabataan para sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa kung anong nangyayari sa kanilang kapaligiran at sa paggawa ng kanilang takdang-aralin, gawain at mga proyekto sa kanilang mga klase sa kaniya-kaniyang paaralan.

Nawawala din ang pagkakataon na mas matuto pa halimbawa sa mga detalye ng tamang pagbigkas at gramatika ng mga salita at pangungusap.

Higit sa lahat ay nagiging sanhi ang social media ng paggamit ng mahabang oras maaaring sa laro at pakikipag-usap ng isang mag-aaral na magsisilbing dahilan upang maapektuhan at mapabayaan ang pag-aaral.

Magagamit ito sa kasamaan para manloko ng kapwa. Maraming naibabalita sa telebisyon ang mga ganitong eksena na sa pamamagitan ng media ay maraming nabibiktima sa mga panloloko.

Dapat tayong maging maingat sa paggamit ng mga media. Sa lahat, gabayan natin ang bawat isa lalo na sa ating mga magulang dapat nilang gabayan ang kanilang mga anak sa gayon ay hindi nila magamit sa kasamaan ang media.

A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!

Editorial - Editoryal Where stories live. Discover now