EDITORYAL - Teknolohiya, Nakakabuti nga ba?

4.1K 22 0
                                    

          Sa ating henerasyon ngayon ay masasabing ang computer base sa makabagong teknolohiya ay ang pinaka ginagamit ng mga tao. Pangunahin itong kagamitan na ginagamit ng mga nasa industriya, paaralan, kompanya, at mga establisimentong pang negosyo lalo na't malaki ang magiging kontribusyon nito. Ang paggamit ng teknolohiya sa training ng edukasyon ay napakalaking kontribusyon para sa mga mag-aaral maging sa mga guro sa larangan ng kaalaman at proseso. Katulad nalang sa mga iba't ibang paaralan ngayon, gumagamit na rin sila ng mga kagamitan pang-teknolohiya katulad ng kompyuter, projector, printer, laptop at iba pa. Malaki na nga ang inunlad ng teknolohiya sa ating bansa. Mas nagiging moderno na ang lahat at mas lumalawak na rin ang ating kaalaman tungkol sa mundo. Kahit saan man tayo tumingin, halos lahat ng tao ay may mga kanya-kanyang mga gadgets at nakikisabay na rin sa uso. Totoo nga na nabago ng teknolohiya ang ating mundo pati na rin ang malaking pagbago ng mga kabataan ngayon.

           Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba't ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan.

          Mayroon din namang magagandang epekto ang teknolohiya sa atin. Umuunlad ang ating bansa dahil sa dami ng ginagawang panglibangan, mas mabilis natin nalalaman ang mga kaganapan at ang pagresponde rin dito, marami tayong gawain na agad natatapos at napapabilis din dahil sa teknolohiya, at dahil sa mga gadgets na naiimbento ay mas dumarami na ang paaran at bumibilis na rin ang pagkikipagugnayan sa isa't isa. 

           Kung mayroong magandang epekto ang teknolohiya ay mayroon din itong dalang negatibo sa atin. Katulad na lang ng pagkasira ng ating kalikasan. Dahil sa teknolohiya ay maraming krimen ang nagaganap, maaari tayo ma-stress o magkaroon ng sakit katulad ng cancer, mas lalong nagiging tamad ang mga tao dahil mayroong mga naimbento na gamit na mas pinapadali ang kani-kanilang gawain katulad nalang ng automatic washing machine, elevator, escalator, at marami pang iba.

          Hindi lamang ang ating kagamitan ang nagbago kundi pati na rin ang ating paligid. Mayroon na tayong mga cctv cameras kung saan makikita ang mga pangyayari sa mga kalsada at upang mabantayan at maprotektahan ang mga kalagayan ng lahat. Mayroon na rin tayong mga advertisement na nakalagay sa monitor at pwedeng mapanoood sa mga publiko. At mayroon na rin tayong mga bagong gadgets na naiimbento katulad ng Iphone 7, Samsung G7, LG G5, Samsung galaxy S6 at marami pang iba. Ang pinakamalaking pagbabago ay ang mga tao lalo na ang mga kabataan. Ang mga tao ay nagbabago ang pag uugali lalo na't kung lagi silang nakaharap sa kompyuter o sa kanilang mga gadget.

          Ang mga kabataan ay ibang iba na sa panahon ng ating mga magulang (1990's). Noong unang panahon ay halos lahat ng mga bata ay magkakasama sa labas at naglalaro ng mga pangbatang laro katulad ng chinese garter, luksong baka, tumbang preso, agawan base, taya-tayaan, patintero, ten-twenty, at marami pang iba. Ngunit ngayon ay puro na gadgets ang hawak ng halos lahat ng kabataan, hindi na nila naranasan ang pagiging pilipinong bata.

A/N: Don't forget to tap the star ⭐️ Button to Vote. Vote and Comments are highly appreciated 😀.
Enjoy!!!

Editorial - Editoryal Where stories live. Discover now