CHAPTER 1: SLAVE

5.4K 130 23
                                    

CHAPTER 1: SLAVE?

Argon's POV

Nagising ako sa sinag na tumatagos sa bintana. I looked at my phone. Agad ay napabuntong hininga ako. It's already 7:30 Am. 8:00 am ang first class ko.

Mabilis akong naligo at kumain. Ang Academy na pinapasukan ko ay may mga Dormitoryo kaya naman mabilis lang akong nakapunta sa building namin. As usual walang nakapansin na late ako.

My Name is Argon Neomy Mendez. Grade 12 student, simple lang ang buhay ko mag aral at magbasa. Lagi din akong mag isa, wala akong kaibigan, Favorite place? Library and rooftop.

Sabi ng iba bagay na bagay daw ang pangalan ko sakin. One of the Elements on the periodic table, the chemical element of atomic number 18 Argon or inactive it's the third most common gas in the Earth's atmosphere.

"Miss Mendez! Are you with us?" muntik nakong malaglag sa kinauupuan ko ng tawagin ako ng terror teacher namin sa subject na science.

"Yes ma'am" tugon ko. Parang nabunutan ako ng tinik ng magpatuloy lang sya sa kanyang discussion.

Mabilis na lumipas ang oras at Break time na. Pumunta agad ako sa library upang manghiram ng libro at umakyat sa rooftop. Tiyak kase na walang tao doon ngayon kaya perfect yun sa pagbabasa ko.

Nang makaakyat na ko ay agad kong sinara ang pintuan. Para wala nang maka akyat don. Dumiretso ako sa favorite place ko ang garden. Yeah may garden sa rooftop. Saka mga bench na pwedeng pagtambayan. Tumingin ako sa paligid. Sobrang tahimik. No wonder na ito ang favorite place ng mga katulad kong gusto laging mapagisa. Lilinawin ko, hindi ako loner o emo sadyang gusto ko lang mapag isa.Napatingin ako sa bench. Para kasing may nakahiga doon, dahil curiosity kills me pinuntahan ko. What the!

Noong tangkang hahakbang na ako paalis ay may humila sa kamay ko. Bigla nalang akong nanlamig.

"Hey, you wanna die" napaigtad ako sa lamig ng boses nya. Die agad? Tsk grabe sya. Hindi na din ako dapat mag taka dahil siya lang naman ang President ng Supreme Student Council.

"N--No?" tugon ko.

In the very first time in my life I regret my answer,pero teka? sino ba naman ang matinong tao na sasagot ng yes sa ganong klase ng tanong? At dahil doon akmang aalis nako nang maalala ko na nakahawak pala sya sakin.

"At sinong may sabing pwede mong talikuran ang School Council President" mas lalong humigpit ang hawak n'ya sakin.

"S—sorry" yan lang ang nasabi ko, huminga ako ng malalim at palihim na nagdasal na sana ay hindi pa ito ang katapusan ng tahimik kong buhay mag-aaral. Pagkataposay dali-dali na kong tumakbo. Ang tangi ko lang narinig ay ang pagsigaw n'ya. Patawad.

"Damn, you will pay for this!" rinig ko ang galit sa mga katagang binitawan niya.

Di ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko kung bakit ko ginawa yun. Kung ano man yon at bakit sya napa-aray ay 'yun ay dahil kinagat ko sya para lang makawala ako sa pagkakahawak niya, alam kong isang malaking katangahan ang ginawa ko pero I don't have a choice late na din kasi ako sa next class ko at isa pa may allergy ako sa gwapo, nakakasilaw sila masyado.

Agad akong bumaba at pumunta sa room ko, nang bigla akong may maalala. I forgot my books.

Gustuhin ko mang bumalik ay di ko magawa. Ayoko pang mamatay. Ano na ang gagawin ko. Tiyak na lagot ako kay Mrs. Deguzman, ang librarian na sobrang sungit. Sa sobrang sungit niya halos ako nalang ang naliligaw sa library at ito na yata ang huli dahil sa malamang ay nakuha na ng Student Council President ang libro ko.

Natigil ang pag didiscuss ni Mr. Sison ng tumunog ang speaker na kontektado sa buong Elysium Academy.

"Attention! Ms Argon Neomy Mendez Please proceed on the Student Council Immediately, Ms Argon Neomy Mendez Please proceed on the Student Council Immediately"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig yon, "Now I'm dead" palihim kong bulong sa isip ko. Wag nalang kaya akong pumunta. Oo tama, di nalang ako pupunta wala namn yatang makakapansin.

"Ms Argon, you may go" turan ng Prof. namin.Wala na nga akong ibang choice. Agad na akong tumayo at umalis. Habang ang lahat ng mga mata ay nakatingin sakin, na para bang may nagawa akong mali. Hindi ako isang Kriminal bulong kosa sarili ko.

***

Nakatayo lang ako sa pinto, Nagdadalawang isip kung papasok o hindi.

Nanlaki ang mata ko nang bigla nalang bumukas ang pinto. Wala akong ideya kung ako ang nasa loob dahil wala namang nakakapasok don bukod nalamang sa mga Student Councils.

Nasilaw ako sa sobrang liwanag.Napapikit ako. "Do you want to stand there like a moron for a lifetime?" bigla akong kinilabutan sa sinabi nya, siya ay walang iba kung hindi ang Presidente. Now I know kung bakit kinakatakutan ang lalaking ito.

Ang lalaki na nasa harap ko, na ginagalang ng lahat ay hindi tao. Oo, I can consider him not a human, mas bagay na tawagin siyang Yelo dahil sa kawalan nito ng expression sa muka.

Nabalot ng katahimikan ang silid.

Ngayon ko lang napansin na sobrang ganda ng Student Council para itong nag mukang paraiso sa ganda at lawak pero bakit may nakapasok na demonyo sa lugar na ito, at bakit nya naisipang matulog sa rooftop kung ganito klase ng silid ang pwede niyang tulugan. Kakaiba talaga siya magisip, hindi nga siya tao.

"What do you want?" buong tapang kong tugon. Hmmp! How dare him to address me a moron!

"Unbelievable, ang lakas ng loob mong kagatin ako at ngayon tinatanong mo kung anong gusto ko!?" umalingawngaw ang boses n'ya sa apat na sulok ng silid.. Now I can say that he's really mad. Sino nga ba ang matutuwa sa taong kumagat sayo out of nowhere. Im really a dead meat now.

"Hindi mo ba ako kilala?. I'm Krypton Lee the Supreme Student Council President and I will punish you" Turan nito, Krypton pala ang pangalan ng Yelo na to. Oo, yelo dahil wala siyang expression.

Bagay na bagay sa kanya for the word Kryptos or hidden. One of the chemical element of atomic number 36, a member of noble gas series. A colorless odorless and tasteless gas, Trip din kaya nang parents nya ang Periodic table.

"S—Sorry Mr. President, nagulat kasi ako--"tugon ko.

"I don't accept stupid apologize, see what you did to me!" sigaw nya, teka nasaan naman yung sugat? Parang pahilom na y'un ah. Kanina ko lang siya kinagat bakit parang ang bilis maghilom.

Again di nanaman ako nakapag salita.Masyado akong natakot sa black aura na bumabalot sa kanya.

"As a punishment you will be my slave" sabi nito, Hindi ako makatingin sa kanya. May allergy kase ako sa mga gwapong nilalang. Teka ano nga ulit yung sinabi nya?.

"Whatt!? Slave!?" Sigaw ko.

Again My Name is Argon, and this will be the end of my peaceful life.

Elysium Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon