CHAPTER 34: FINAL BATTLE (PART 1)

1.1K 32 0
                                    

Argon's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Argon's POV

"Ate, gumising ka na, hindi ba marami pa tayong planong gawin. Magiging isa ka pang magaling na doctor diba kaya please gumising ka na, nandito lang ako sa tabi mo"

Umiiyak na sabi ng batang babae sa babaeng nakahiga sa kama, kulay puti lahat ng nakikita ko.

Nakatulala lang ako sa babaeng nakahiga sa kama, habang umiiyak ang batang babae sa tabi nya, panay ang tawag nito ng ate. Biglang tumulo ang luha ko. Totoo ba to, ang babae sa panainip ko ay ako? Habang si Hydria naman ang batang babae na umiiyak sa gilid ng kama ko.

Lumapit ako kay Hydria. Napansin ko ang pamilyar na kwintas na hawak niya. Napatingin ako sa kwintas na suot ko ngayon. Parehas na parehas ito.

Bakit ba hindi ko agad na isip na si Hydria na kapatid ko sa nakaraang buhay ko ay ang Hydria na nakilala ko sa Montevilla resort.Kung nandon siya sa Elysium ay malamang ay sumakabilanag buhay nadin siya. Hindi ko lubos maisip na patay na siya.Wala man lang ako sa tabi nya, sa mga oras na kailangan niya ko. Sana magawa na niya ang misyon niya sa Elysium para ma reincarnate na siya at mamuhay ng maligaya at walang sakit.

"Krypton! what happened?" sabi ni Mrs Lee.

Nabaling ang atensiyon ko sa labas ng kwarto kung nasaan ako. Kita ko kung pano sila mabahala dahil sa nangyari kay Krypton. Hindi katulad ko ay kumpleto ang pamilya niya.

Nakakalungkot lang na dead on the spot si Chlorie hindi na naagapan ang pagtagas ng dugo mula sa kanya kaya binawian agad siya ng buhay. Habang si Krypton naman ay nag aagaw buhay. Ilang oras nalang ay ibibigay ko na din ang puso ko kay krypton. Yun ang binilin ko kay Collin kaya gagawin niya yon.

****

"I don't want, hindi ko matatanggap ang puso niya" hirap na sabi ni Krypton. Ito ang unang beses na nagsalita siya mula noong insidente na yon. Buong panahon na nandito lang ako sa tabi niya habang ang katawan ko naman ay unti unti ng humihina.

"But Krypton, Pumayag na si Argon na idonate sayo ang puso niya" paliwanag ni Collin. Kasalukuyan lasing sinasabi nila kay Krypton ang gagawing transplant para maduktungang ang buhay niya dahil may sakit ito sa puso at nangangailangan na ng donor ang pamilya nito.

"I said, I don't want. Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa kunin ang puso ng taong mahal ko"

Lahat sila ay nagulat sa ginawang pa gamin ni Krypton, pati ako ay nagulat din, sayang lang at wala ako dito para sabihing mahal ko din siya. Hindi nya ako makikita dahil pawing alaala lang ang nakikita ko ngayon.

"If you said so,wala na kaming magagawa" sabi ng doctor.

Paglipas ng mga araw ay nacomatose ako, tuluyan ng nawalan ng pagaasa si Collin at Hydria. Ayokong makita silang malungkot at nasasaktan. Sila nalang ang natitira sakin dahil wala na ang mga magulang namin ni Hyrdria.

Elysium Academy (Completed)Where stories live. Discover now