CHAPTER 7: BLACK DRAGON ORGANIZATION

1.9K 70 1
                                    

Argon's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Argon's POV

Unti unti kong naalala ang mga paguusap namin ni Lithia.

Paalis na sana ako dahil nahatid ko na ang dokumento para sa concert mamaya nang may ibinulong sakin si Lithia.

"Argon, maaring hindi pa tayo lubos na magkakilala pero pinagkakatiwalaan kita, gusto ko na pag may mangyari man mamaya ay ikaw na ang bahala sa Vocal Club" seryoso ang pagkakasabi nya sakin kaya alam kong hindi sya nagbibiro.

"Pero bakit Lithia, anong mangyayari mamaya? Saka bakit mo sakin sinasabi to?"nagtataka kong tanong.

"May kailangan kasi akong gawin na misyon na dapat ay dati ko pa ginawa, ngayon alam kong ito na ang tamang panahon para gawin yon kaya sana ikaw ang bahalang pumili ng bagong papalit sakin, may tiwala ako sayo kaya alam kong makakapili ka ng karapat dapat." Seryoso ngunit may lungkot sa kanyang mata habang sinasabi nya iyon.

"Makakaasa ka Lithia." Paniniguro ko sa kanya.

"Maraming salamat Argon, balalang araw ay malalaman mo din ang katotohanan, wag kang maguluhan dahil masasagot din ang mga tanong na nasa isip mo" makahulugang sabi nya kasabay nang pag allis nya.

Naiwan akong lito dahil sa huli nyang sinabi.

Nagpalinga linga ako sa paligid, Nagpapanic pa rin ang iba. Nanlaki ang matako nang may humila sakin, hindi ko to makita dahil madilim. Naramdaman ko nalang ang isang panyo sa bibig ko at unti unting bumigat ang mga talukab ng mga mata ko.

"Argon, alam mo ba ang misyon ko? Ayon ay ang kumanta sa harap ng tao na buong puso, ang gumawa at masulat ng kanta na tiyak ay tatatak sa puso ng bawat tao, nagawa ko na yon ngayon" nakangiting sabi ni Lithia

"Lithia? Bakit naglaho ka kanina san ka ba pumunta?" nagtatakang tanong ko

" Kung saan ako itinadhana, Argon. Sige na kailangan ko ng umalis paalam" Unti unting naglaho si Lithia

Nagising akong humihingal at kasabay nito ang pag tulo ng malapot na pawis saking noo. Panaginip? Pero parang totoo. Maraming tanong sa isip ko ngayon, ang tungkol sa misyon, ang pagkawala ni Lithia at ang mga panaginip ko.Pero kung totoong naglaho si Lithia ibig sabihin ay totoo ang pagdukot sakin kanina.Nasaan ako.

Natigilan ako nang mapagtantong naka gapos pala ako, May tape din saking bibig. Nagpumilit akong makawala. Hindi ito maari. Kailangan kong makaalis dito

"Oh , nagising na pala ang mahal na hinirang" nakangising sabi ng mga lalaking maton ang pangangatawan nalumapit sakin at inalis ang tape sa bibig ko. Bakit nila ako dinukot?

"Sino ba kayo? Anong kailangan nyo sakin at bakit nyo ko dinukot" sigaw ko.

"Relax lang, Kami ang Black Dragon Organization. Ang boss naming ang may kailangan sayo" nakangising sabi ng isang maton

"Pakawalan nyo ko dito! " pag pupumilit ko

"Nag d'yan na si boss " bulong nung isang lalaki sa kausap kong maton

Naglakad papalapit sakin ang nakaitin na lalaki. Gusto ko sanang Makita ang mukha nito kaya lang ay naka maskara silang itim kaya mata lang ang kita ko.

Nakakakilabot ang mga mata nito. Sino ba sya at anong kailangan nya?

"Kamusta ka Argon?" nakangising bati sakin ng sinasabi nilang boss

"Sino ka! Bakit ayaw mong tanggalin ang mascara mo? Magpakilala ka!

"Kakaiba Karin no? Bakit ko naman tatangalin ang maska ko. Ano ako tanga?" sabi niya at parang baliw s'yang tumawa.

"Simple lang naman ang gusto naming ni boss, Ang mga pangitain mo" seryosong sabat nung isang nakamaskara

"Pwede ba hindi ko alam ang mga sinasabi nyo pakawalan nyo ko dito!" pagpupumiglas ko.

"Iwan nyo na muna kami ako na ang bahala sa kanya" sabi nang pinuno nila

At umalis naman ang mga lalaking naka maskara, kung tutuusin ay wala akong laban sa kanila. Kaya hindi ko alam kung paano maka alis.

"Argon, Argon, Argon, hanggang ngayon ba naman ay wala ka paring maalala?"sabi ng pinuno ng Black Dragon Organization

"Anong walang naalala?" pagtataka kong tanong hanngang ngayon ay naka gapos pa rin ang mga kamay ko

"Nakakatuwa at di pa sayo sinasabi ni Krypton, pero mukhang ako pa ang magpapaliwanag sayo"

"Kilala mo si Krypton?" tanong ko.

"Oo naman sa katunayan ay close kami" nakangisi nyang sabi para naman akong kinilabutan sa salitang close sila. Ang bakla haha! Enough Argon magseryoso ka kung ayaw mo pang mamatay

"Alam mo ba na patay ka na? " parang nagpantig ang tenga ko sa narinig.

"A--Anong patay? Bulag ka ba o sadyang tanga lang? " pamimilosopo ko sa kanya. nakakaasar sya. Pero meron sa isip kong nagsasabi na makinig dahil baka ito na ang susi para matuldukan na ang mga tanong sa isipan ko.

"Hayaan mong ipaliwanag ko, Ang Elysium Academy ay Hindi basta bastang Paaralan, Dito dinadala ang mga kaluluwa ng mga taong sumakabilang buhay na, ang mga taong iyon ay may hindi natapos o napagtagumpayan. Sa madaling salita ay patay na tayong lahat at ilusyon lang ang mga nakikita mo. Kailangan nating magawa ang misyon upang malaman kung bibigyan tayo ng isa pang pagkakataong mabuhay, sa pamamagitan ng reincarnation" dahil sa pagpapaliwanag n'ya ay naging malinaw ang nangyari kay Lithia. Napag tugma tugma ko na ang lahat ng sinabi nya.

Pero paano ako makaksiguro na totoo ang sinasabi niya?

"Imposible, Paanong patay na ko? Bakit wala akong ala-ala" tanong ko sa kanya

"Lahat ng mga napupunta dito ay nawawalan ng ala ala, ang tanging matataas at makapangyarihan ang may memorya" paliwanag n'ya

"Ibig sabihin alam ni Krypton ang lahat?,bulong ko sasarili ko ? pero paano natin maibabalik ang memorya natin?" muli ay tanong ko

"Ikaw, Argon ang susi, ang hinirang, upang malaman namin ang aming nakaraan at kung ano ang misyong dapat naming tapusin para makaalis na kami sa lugar na ito" may galit sa mata nya habang sinasabi ang mga huling salita

"Pero bakit ako? Wala din akong alam" sagot ko

"May kakayahan kang makita ang nakaraan ng iba, ngunit may limitasyon ito, kailangan mong pagaralan pa kung pano mo to magagamit at makokontrol"

"Pero bakit hindi nyo itanong sa mga nakakataas tiyak ay alam nila"saad ko

"Oo, alam nila, pero hindi nila ito sasabihin samin. Kami ang Black Dragon Organization kalaban namin ang mga matataas ang tungkulin dito" pagalit na sabi nya

"Kung ganoon ay rebelde kayo, at kinakalaban nyo sila" paniniguro ko

"Oo, hindi sila tama kung mamalakad at isa pa ayaw na naming makulong dito, makipag tulungan ka samin Argon at kasama ka ding makaka alis sa impyernong lugar na to" sabi nya

Napaisip ako. Kung totoo nga ang sinasabi nya papayag ba ko o hindi, kung papayag ako ibig sabihin ay kinakalaban ko si krypton at ang iba pa. Naguguluhan ako, kung alam pala ni Krypton ang lahat sa simula palang bakit hindi nya manlang sinabi sakin. Nagmuka akong tanga. Hindi ko matanggap na patay na ako. Gusto kong malaman ang nangyari sakin sa nakaraang buhay ko. Pero hindi ibig sabihin non ay sasanib na ko sa mga rebelde. Mag isa kong aalamin ito.

Ngayon ay alam ko na ang kalahati ng sikreto ng Elysium Academy, at hindi ako titigil hanggang di ko nalalaman ang lahat.

Elysium Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon