CHAPTER 33: HER PAST

1.1K 38 3
                                    

Argon's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Argon's POV

"Salamat sa impormasyon Francy, Alam mo ba kung nasaan ang School Principal?" tanong ko sa kanya.

"O—Oo, pero teka anong binabalak mo Argon? Wag mong sabihin na pipigilan mo ang pagpapalis sa pwesto kay Krypton"

"Hindi ko maatim na mapaalis si Krypton sa pwesto ng dahil sakin kaya gagawin ko ang lahat para pigi—" napahinto ako sa pagsasalita ng makaramdam ako ng sakit sa bandang puso ko. Agad ko iyong hinawakan sobrang bilis ng tibok nito, anong nangyayari?

"Argon! Ok ka lang ba, magpahinga ka muna ilang araw ka ng nag babantay kay Krypton, magtira ka naman ng para sayo" sabi ni Francy.

"Salamat sa pagaalala Francy pero mas mahalaga na makausap ko ang School Principal"

"Baka mapahamak ka Argon, Hindi basta basta ang gagawin mong yan"

"Wala na akong paki kung ano mang mangyari, haharapin ko siya"

Patawad Krypton, Hinid ko alam kung anong maaaring mangyari sa paglaban ko, pangako babalik at babalik ako para sayo kahit na anong mangyari.

***

Kasalukuyan akong nasa harapan ng School Principal Office. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at saka pinihit pabukas ang pinto.

Napatakip ako ng mata dahil sa liwanag na sumalubong saakin. Pero unti uti naman itong nawala.

"Mabuti naman at nandito ka na, kanina pa kita hinihintay Argon" dinig kong sabi ng nakaupo sa upuan, hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sakin.

Biglang umurong ang dila ko dahil sa pagpihit ng upuan ay bumungad sakin ang pamilyar na mukha.

"M—Mang Bernard?" hindi makapaniwalang sabi ko. Tama siya nga si Mang Bernard ang asawa ni Aling Ising na nakilala namin ni Krypton sa kakahuyan ng Montevilla Resort.

"Ako nga iha, mabuti naman at ligtas ka" nakangiting bati sakin ni Mang Bernard.

"P—Pero papaanong nandon po kayo sa Kagubatan ng Montevilla Resort, saka nasan po si Aling Ising?" naguguluhang sabi ko.

"Hahaha! Paminsan minsan ay nagbabakasyon din ako Iha, mabuti naman ang kalagayan ng asawa ko doon" nakangiting sambit ni Mang Bernard.

"Mabuti naman po kung ganon, maraming salamat po sa pagpapatuloy niyo samin ni Kryp—" napahinto ako sa pagsasalita ng maalala ko ang mga nangyari sa Gubat.

Kung ganon ay kilala ni Krypton si Mang Bernard dahil siya ang Principal pero bakit siya umaktong hindi niya kilala si Mang Bernard?

" Hahaha, Alam kong naguguluhan ka kung bakit parang hindi ako namukaan ni Krypton, yun ay dahil bago pa man kayo makapunta sa Montevilla resort ay nauna na akong pumunta doon, nakausap ko na din si Krypton tungkol don, para matago ang pagkakilanlan ko" paliwanag ni Mang Ber—este Mr. Principal.

Elysium Academy (Completed)Where stories live. Discover now