CHAPTER 14 : FORBIDDEN LOVE

1.3K 53 1
                                    

Argon's POV

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


Argon's POV

Hanggang ngayon ay rinig padin sa apat na sulok ng Court ang sigawan at ingay ng mga tao. Tanging ako at mga miyembro lang ng Student Council ang nakapansin ng paglaho ni Copper. Hanggang ngayon ay nasaisip ko pa din ang huling ngiting iniwan n'ya sa Elysium Academy. Masaya akong naging isa sa kaibigan sya.

"Argon? Are you ok?" napansin siguro ni Beryl ang pag tahimik ko.

"Hmm. Yeah, im ok" pilit na ngiti ang tinugon ko

"Ok, nakakalungkot talo si Xenon mylabs~" malambing nyang sabi

Hindi ko na sya sinagot pa at nagpa alam na. Ayoko ng magtagal sa lugar na yon, naalala ko lang ang dalawang kaibigang naglaho sa iisang lugar, Si Lithia at Copper, parehas ko silang kaibigan pero tila natagpuan na nila ang kanilang kaligayahan. Ang tanging tanong na nasa isip ko ay sino, sino ang susunod na maglalaho? Isa din ba sya sa mga kaibigan ko? Dapat ba kong malungkot para sa kanila o maging Masaya dahil sa wakas nagawa na nila ang misyon nila dito.

Paano pala kung magawa ko na ang misyon ko dito na hindi ko namamalayan, kailangan ko nang malaman ang tunay na pagkatao ko. Maging ang dahilan ng pagka matay ko. Pero paano?

"Argonnn! Wait!" tawag sakin ng boses

"Vanadie?" nabigla ako dahil si vanadie ang tumawag sakin, at parang nag aalala sya. Alam nya na kaya ang pag laho ni Copper.

"P—Pwede ba kitang makausap please" pagmamakaawa nya. Tango lang ang ginanti ko.

Papunta kami ngayon sa pinaka tahimik na lugar sa Elysium Academy, Ang rooftop. Tahimik lang si Vanadie pero bakas sa mata nya ang lungkot at kaba. Umupo kami sa isa sa mga bench. Nagsimulang mag salita si Vanadie

" Argon, Totoo ba... totoo bang naglaho na si C—Copper?" tila kabang panimulang tanong nya sakin.hindi ako maka sagot, dahil hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"Bakit ayaw mo sumagot! Totoo ba! Sabihin mo Argon, please" pagmamakaawa nya sakin. Nagsimula nang tumulo ang mga luhang kanina pa nag babadyang kumawala sa kanyang mga mata.

"Oo, tama ka, naglaho na si Copper" sagot ko habang nakatingin sa asul na ulap.

"B--Bakit, bakit nya ko iniwan! I hate you Copper for making me cry right now!, makasarili ka! "nakatungong sigaw nya, patuloy padin ang pag agos ng luha sa mga mata nya. Naalala ko, noong una ko silang makita sa SSG council room , Sobrang lapit nila sa isat isa, kitang kita sa mga mata nila noon ang saya tuwing magkasama sila. Alam ko din na itinatago nila ang lihim na pag ibig sa isat isa.

Kaya naman na iintindihan ko ang nararamdaman ni Vanadie ngayon, ang lungkot at pangungulila sa pag kawala ng taong minamahal mo.hindi ko alam na may tumulo na palang isang butil na luha mula sa mga mata ko agad ko tong pinunasan, kailangan kong magpakatatag, alam kong nandito ako para I-comport si Vanadie kaya dadamayan ko s'ya sa paraang alam ko.

Tinapik ko ang likod nya para mahimas masasan na sya. Hanggang sa konting hikbi nalang ang naririnig ko. Nagaangat sya ng tingin at pilit na ngumiti.

"S--Salamat Argon" pagpapasalamat nya sakin.

"Welcome Vanadie, lagi lang akong nandito" nakangiti ko ring tugon sa kanya.

Tumingin si Vanadie sa langit huminga muna sya ng malalim at nagsimulang magsalita.

"Mahal ko si Copper, sobrang mahal ko sya, kaya lang wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya. Wala akong nagawa kundi maging isang matalik na kaibigan n'ya lang para makasama sya, wala akong pakielam kung ayaw nya sakin ang mahalaga lang ay ang makasama ko sya. Si Copper din ang dahilan kung bakit ako naging SSG officer, sobrang hinahangaan ko sya." mahabang sabi nya habang nakatungin sa papalubog na araw

"Kita ko sa mga mata ninyo na gusto nyo ang isat isa" tugon ko sa kanya.

"Sa tingin mo?pero kahit na magtapat ako sa kanya wala ding magagawa, bawal ang pagibig sa Elysium Academy, isang kasalanan ang mag mahal sa lugar na to" may poot sa boses na sabi nya

Bawal ang pag ibig sa Elysium Academy, pero bakit, anong dahilan

"P--Pero bakit? " taking tanong ko

"Kamatayan ang kabayaran kung iibig ka, dahil ang Elysium academy ay konektado sa puso natin. Nakasalalay sa emosyon natin ang lugar na ito. Katulad nalang ng hindi tayo basta basta namamatay, dahil patay na tayo. Ang tanging paraan lang ay ang pagsaksak sa gitna ng puso natin. Kung matamaan ka sa gitna ng puso, habang buhay na kamatayan ang kapalit" paliwanag nya. Eternal death?

Natatandaan ko pa ang mga sinabi sakin ni Krypton tungkol sa paraan ng pagkamatay sa Elysium Academy, pero wala syang nabanggit na Ipinagbabawal pala ang pagibig.

"Argon, alam kong alam mo na kaya ko sinasabi ko sayo ang mga bagay na to, nasaiyo kung ipagpapatuloy mo ang misyon mo dito o mananatili sa lugar na to" muli ay sabi nya.

"Ibig sabihin ay alam mo din ang nakaraang buhay mo, maaari ko bang malaman bakit ka napunta dito" pag kuwan ay tanong ko sa kanya.

" Isa akong artista. Umiikot sa showbiz ang buong buhay ko. Mabenta ako sa mga magazine at movie kaya lang nakaramdam ako ng inip at pagka bored. Nang mapagpasyahan kong mag bakasyon sa isang isla katabi non ay isang pribadong hospital, doon ko unang nakita si Copper, isa sya sa mga pasyente doon" nakangiting sambit nya.

"Ibig sabihin ay kilala mo na si Copper dati pa" tanong ko sakanya

"Oo, Noong una ay naawa ako sa kanya dahil lumpo sya, kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya. Gusto ko syang lapitan pero baka makilala nya ako. Kaya nag disguise ako bilang nurse para makalapit sa kanya at para hindi nya ko makilala. Hinangaan ko sya sa tapang at lakas ng loob nya. Pilit nyang sinisikap na makatayo muli. I really want to help him. Until one day nakita ko syang nagtangkang tumayo. Tutulungan ko sana syang makatayo kaya lang ay nagdalawang isip ako, gusto ko lang syang pagmasdan. Hanggang sa.... Hanggang sa.." Maluha luha nyang sabi.

Naalala ko na naospital si Copper matapos ang aksidente na nangyari sa Basketball tournament. Hindi ko alam na nagkatagpo pala ang landas nila ni Vanadie.nagpatuloy lang si Vanadie sa pag kukwento habang puno ng luha ang mga mata.

"Hanngang sa... nadulas sya at nabagok ang ulo, I blamed myself for not helping him, nabigla ako sa nangyari, Im so stupid! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa pagkamatay ni Copper, and because of that, pumunta ako sa dagat, I was so depressed. Kaya dinaan ko sa pag langoy, but when I decided na umahon, bigla akong pinulikat, walang nakakkita sakin at tumulong dahilan para tuluyan akong malunod at mamatay" malungkot nyang kwento." Ngayon ay pinupunasan nya na ang kanyang luha.

"You know what Vanadie, dapat ay mapatawad mo na ang sarili mo, maging masaya ka na, tulad ni Copper, kung mapapatawad mo ang sarili mo ay magkakaroon ka ng panibagog buhay, at doon hanapin mo si Copper, ipagpatuloy nyo ang naudlot nyong pag iibigan. It's time to forgive yourself Vanadie" magpapaliwanag ko sa kanya.

Hinawakan ko ang dalawa nyang kamay habang sinasabi yon.

Naiintindihan ko na. Ang papapatawad sa sarili ang misyon ni Vanadie dito. Panahon na para patawarin nya ang sarili nya. At magsimula muli

"Salamat Argon" nakangiting sabi nya, bago tuluyan ng naglaho. Bakas parin ang butil ng luha sa mga kamay ko na galing kay Vanadie.

Ngayon ay makakapagsimula na sila ni Copper, sana ay magkatagpo ang kanilang landas. Maaari na nilang ituloy ang kanilang pagiibigan na walang pader na nakaharang sa isat isa. Dahil sa mundo yon hindi bawal ang pagibig.

Elysium Academy (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن