CHAPTER 8: TO THE RESCUE

1.8K 67 1
                                    

Argon's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Argon's POV

Naputol ang paguusap namin ng leader ng Black Dragon Organization nang may kumatok sa pintuhan, iniluwal nito ang isa sa mga alagad ng kausap ko. Tila hingal na hingal ito.

"Pinuno, masamang balita may nakapasok sa kuta at binugbog ang mga kasaman natin " hinihingal na sabi nito

"Tsk, gaya ng inaasahan ko, dumating nga s'ya. Pero hindi pa ito ang oras ng pagkikita namin, bumalik na tayo, hanggang sa muli nating pagkikita Argon" seryosong sabi ng kaniilang pinuno. At tuluyan ng naglaho paalis. Mga duwag!

Nakayuko lang ako habang nakaupo sa malamig na sahig, natatakot ako. Sobrang dilim dito, napaangat ako ng tingin ng muli ay bumukas ang pinto. Gusto ko sana syang Makita ay di ko magawa dahil sa namumuong luha sa mata ko. Papalapit ito sa direksyon ko.

"Idiot, stop crying" sabi ng lalaking lumapit sakin. Tuluyan nang nagunahan sa pag agos ang aking mga luha, kilala ko ang boses nay un hindi ako pedeng magkamali, sya lang naman ang nakakapagpakilabot sakin ng ganito. Salamat Krypton

Patuloy lang ako sa pag iyak, agad nyang kinalas ang gapos sa aking mga kamay. Pagkaalis ng tali sa kamay ko ay agad ko syang niyakap. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun ang alam ko lang ay gusto ko syang yakapin dahil ramdam ko na ligtas ako sa piling nya.

Mas lalo akong nagulat ng gumanti din s'ya ng yakap mas lalo akong napahagulgul nanginginig ako. Ngayon ko lang naramdaman ang takot na kanina ko pa pinipigilan.

"Shh. Hush now Argon, I will protect you" unti unti akong nahimasmasan sa kanyang sinabi feeling ko ay ligtas na ako.

"Salamat Krypton, salamat kasi dumating ka" pagka kuwan ay sabi ko.

Agad naman akong kumalas sa pagyakap naming ng sabihin ko yon. Tumingin ako sa kanyang mga mata. Hindi iyon galit o irita. Pagaalala ang nakita ko doon.

"Let's go" yun lang sinabi nya at tumayo na.

"Ahh! Shit" pigil na sigaw nya. Napatingin ako sa tagiliran nya at may dugo iyon.

"Krypton, may sugat ka! Tara na at dadalin kita sa clinic" Pagmamadali ko, baka maubusan sya ng dugo

"No, ayoko sa clinic, sa dorm mo ko dalin, kaya kong gamutin ang sarili ko" pag tanggi nya sa alok ko. Bakit baa yaw na ayaw nya sa clinic. May allergy ba sya don

Wala na kong nagawa at nagtungo nalang kami sa dorm n'ya. Sana ay walang makakita samin baka kasi kung ano ang isipin nila. Nakaakbay sakin si Krypton habang naka alalay ako sa kanya.Pasado alas dose na kaya wala naming nakakita saamin.

Pagpasok namin ay inalalayan ko s'ya patungo sa kama, para makapagpahinga na sya. Habang kinuha ko naman ang first aid kit sa cabinet. Bigla ko tuloy naalala ang pagggamot nya sa sugat ko nung natapilok ako sa ugat. Sumagi sa isip ko si Xenon, hindi ko na sya nakita simula noon.Napatitig ako kay Krypton kaano ano nya kaya si Xenon.

"Tss. Tititigan mo lang ba ako, habang nauubusan na ko ng dugo" Irita nyang sabi. Assuming neto.

" Di kita tinititigan! Oh ayan na yung First Aid kit mo, aalis nako" binigay ko yung First aid kit sa kanya. bahala sya.

"Ganyan mo ba tratuhin ang master mo?" sa halip na kunin nya yon, ay hinatak nya ko paupo. Ang lakas nya parin kahit na may sugat sya. Kaya agad nya akong nahila.ibinigay nya sakin ang panggamot sa sugat nya.

"Bilisan mo bago pa ko maubusan ng dugo"dagdag nya pa. napaka bossy talaga ng monster este master ko.

"Ayoko nga diba sabi mo kaya mong gamutin ang sarili mo ?" pagtanggi ko.No way! Takot ako sa dugo.

"Tss, idiot don't tell me takot ka sa dugo? " nakangising sabi nya. What the! Pano nya nalaman ganon ba ko ka obvious?

"H—Hindi kaya! Akin na nga yan" Pag kuha ko sa first aid kit. Tsk napa subo ako ni to.

"Good" Sabi nya.walang paking biglang naghubad ng damit sa harapan ko! Oh no! my virgin eyes.

" A—Ano ba! Pede ba wag kang maghubad sa harapan ko !" sigaw ko sa kanya at dali daling nag takip ng kamay sa mga mata ko. Kaasar di ko tuloy Makita yung six pack abs nya! Shut up Argon wag mong manyakin ang dragon mong master!

"Tss, unbelievable, tinatanggihan mo ang abs ko, lahat ng babae ay pangarap to" nakangising sabi nya pa.

"Hays! Edi ipakita mo sa kanila wag sakin" sigaw ko sa kanya! walangya, ayokong maging isa sa mga babaeng nahuhumaling sa kanya na halos sambahin na sya pag nakita sya. Ang yabang nya!

"No way, this abs was exclusive, pili lang ang pinapakitaan ko nito" nakangiting pilyo na sabi nya. Alam ko naman na inaasar nya lang ako pero iba kasi talaga ang impact ng abs nya.

"Shut up, sisimulan ko nalang ang paglilinis ng sugat mo" pag iiba ko ng topic, di ko na kasi kaya baka maniwala ako na pede ko ngang hawakan ang abs nya.

Kumuha ako ng palangana at towel saka ko nilinis ang bahagi ng tagiliran nyang may sugat, My gosh ang lalim pala non, pero bakit parang wala lang sa kanya at nakuha nya pang mangasar. Kaasar ngayon ko lang nalaman na may ganon syang side.

"Ouch,dahan dahan lang, ganyan ka ba magpasalamat matapos kitang iligtas kanina" Balik nanaman sya sa pagiging dragon nya.

"Di ko naman hiniling na iligtas mo ko eh!"

"Ah ganon, sig---aray!" Ngayon sya naman ang di ko pinatapos sa sasabihin nya.

"salamat po master, sa pagligtas mo sa isang aliping tulad ko" pamimilosopo ko sakanya habang nililinis ang sugat nya. Buti kinaya ko to. Hays

" Tss. Whatever" aba kelan pa sya natutong mang irap. Sabi na bakla s'ya eh. Tsk tsk

Di na ko sumagot at nag focus sa pag lalagay ng benda sa sugat nya.

"Kailangan mo ding dalin sa hospital para matahi yang sugat mo, malaki at mahaba ang pagkakahiwa" may pagaalala sa tono ko.

"Ang akala ko ba alam mo na ang lahat?" pag kuwan ay sinabi nya. So alam nya pala na nalaman ko na

"Kalahati lang ang alam ko, Bakit hindi mo sakin sinabi ang totoo. May itinatago ka ba?" sunod sunod kong tanong.pero di nya ito sinagot.

"Tss. Hindi basta basta namamatay ang tao sa lugar na to, pwera nalang kung tatamaan mo to sa gitna ng puso nito" Pagpapaliwanag nya. Ano? So kahit saksakin ko s'ya ng ilang beses ay wala ring mangyayari at mabubuhay padin sya. Pero bakit nya sinasabi sakin to

"So, sinasabi mo na kahit na anong parte ang tamaan ay hindi ito mamamatay,?" paniniguro ko

"Oo, ang puso natin ang syang nakakonekta sa Elysium Academy,kaya wag ka ng makulit d'yan ayoko sa hospital" Sabi nya. Ayaw nya sa Hospital? Kalalaking tao tsk tsk

Kung totoo nga ang sinabi ng Black Dragon Organization, Napag tagpi tagpi ko na ang nangyari kay Lithia. Si Lithia ay isa sa makapangyarihan sa Elysium dahil president sya ng Vocal club. Naalala ko ang sinabi nila. Bakit ako ang sinasabi nilang hinirang? Yan ang dapat kong alamin dahil baka magamit ko ang mga pangitain ko sa aking panaginip at malaman ang nakaraan ko.

Elysium Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon