CHAPTER 28: TWO PIECE

1.2K 41 0
                                    

Argon's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Argon's POV

Gabi na noong marating namin ang Montevilla Resort. Habang pabalik ay tahimik lang kaming naglakad hanggang sa marating na namin ang resort. Hindi ko maiwasan na kabahan dahil alam kong hinahanap na kami ng iba, dahil na din halos buong araw kaming nawala.

"Argon!" tawag sakin ni Beryl habang nagmamadaling tumakbo sa direksyon namin ni Krypton, bakas ang pagaalala sa mukha niya. Agad niya akong niyakap. "Saan ba kayo nangaling? Bakit kayo nawala? Ok ka lang ba? May nangyari ba?" sabi nya na may halong pag alog pa sa balikat ko.

"Relax Beryl, wala namang nangyaring masama, ano kasi..---"

"We lost" sabat ni Krypton, napansin niya yata na wala akong maisip na dahilan. Hobby na niya na putulin ang pagsasalita ko,

"Buti naman at nakauwi na kayo, maraming mababangis na hayop sa kagubatan" sabi ni Nickel.

Pagkasabi ni Nickel noon ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Xenon na pawisan at tila naghahabol ng hininga, lahat kami ay nagulat. Agad na naglakad siya sa direksyon namin at mabilis na niyakap ako. Mas lalong nagulat ang lahat, lalo na si Arsenica na ngayon ay nakatitig lang samin at nagtataka.

"Akala ko may nangyari nang masama sayo" sabi niya sabay harap sakin.

"That's will never happen because she's with me Xenon, I'll protect her" singit naman ni Krypton sa likod namin. Pansin ko ang maalim niyang titig kay Xenon. Lalo naman akong nailing dahil naalala ko ang sinabi niya.

You're mine Argon, Stay away from Xenon dahil hindi ko na alam ang magagawa ko kung makikita ko pa kayong magkasama

"Ahh, Ok lang ako Xenon, S---Salamat" mabilis na sabi ko at bahagyang ngumiti.

"Mabuti naman kung ganon" he said the smiled at me.

"Mabuti pa ay magpahinga na tayong lahat para bukas ay may lakas tayo sa mga palaro" paalala naman ni Boron. Bahagya siyang tumingin kay Arsenica ngunit nag iwas din ng tingin kaagad. Hindi pa rin sila nag uusap hanggang ngayon.

Sumangayon naman ang lahat at bumalik na sa kanila kanilang kwarto.

"Good Morning Argon~, gising na~ "

Kahit na hindi ako magmulat ng mata ay kilalang kilala ko na kung sino ang may ari ng boses na gumigising sakin.

"Argon~, Yuhoo~" pangungulit pa rin ni Beryl sakin kasabay ng pagyugyog niya sa katawan ko.

"Eto na, gigising na" sabi ko habang nag pupunas ng mata. Kung tutuusin ay maaga pa, kaya hindi ko alam kung bakit an gaga manggising ni Beryl.

"Yessy~ excited na ko Argon, ngayon magsisimula ang mga activities" masigla niyang bati.

"Sorry pero hindi ako interesado" sabi ko at tuluyan ng tumayo at pumunta sa kitchen para mag toothbrush. Sumunod naman siya agd sakin at umupo sa kitchen table.

Elysium Academy (Completed)Where stories live. Discover now