CHAPTER 22: THE GLASS

1.2K 48 4
                                    

Argon's POV

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


Argon's POV

Habang pabalik ako sa next class ko ay bigla kong naalala ang mga pinagusapan namin ni Xenon, Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng kutob ko na may kinalaman sya sa Black Dragon Organization. Pansin ko din na madami syang alam tungkol sa grupo. Habang papunta kami sa SSG Council ay bigla nalang siyang nag open up ng topic about sa Black Dragons. I can still remember those words that he said.

"Ang lalim yata ng iniisip mo Ms Gorgeous" sabi ng mapang asar na boses sa likod ko. Hindi naman ako nag kamali ng akala dahil bumungad sakin ang nakakalokong ngiti ni Xenon.

"Pwede ba Xenon, wag mo kong simulan" I rolled my eyes. Saka tumalikod at nagsimula na ulit mag lakad. Oh well, Si Xenon ang dakilang mapangasar sa tahimik kong pag mumuni muni. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa din yung mga salitang sinabi ni Krypton. Anyway bakit ko nga ba iniisip yon. Tsssk.

"Ouchh~ nasaktan naman ako sa pang babaliwala mo sakin Ms Gorgeous" sabi nya habang pilit na sinasabayan ako sa mabilis kong lakad. At umarteng hawak ang puso nya na nasaktan. Hays, Ang OA talaga ng isang to.

"Isa pang Ms Gorgeous at malilintikan ka na sakin!"

Nagulat naman ako ng huminto siya sa paglalakad. At parang nagtataka kaya sa ayaw ko man at sa gusto ay binalikan ko siya. May saltik yata sa utak ang lalaking to eh.

"Oh? Bakit ka huminto?" tanong ko sa kanya.

Bigla naman siyang lumapit sakin at hinawak ang mukha ko ng dalawa niyang mga kamay sabay sabing "Mas maganda ka pala kung walang salamin" alam kong sa mga oras na yon ay para akong kamatis na hinog dahil sa sobrang pula. Agad naman akong naka recover at inalis ang kamay nya sa pisngi ko.

"N—Nawala kasi yung salamin ko sa Masquerade party" sabi ko sabay lihis ng tingin sa kanya. Naalala ko nanaman ang gabing yon. Hindi naman talaga ako nakasalamin ng gabing yon pero lagi kong dala yung lalagyanan ng salamin ko in case lang. pero Accidentally kong nawala yon sa gubat noong tumakbo ako.

"Ah, akala ko ay nadukot ka na din ng Black Dragon Organization" Sabi n'ya sabay lakad, para akong binuhusan ng malamig na tubig ng sinabi nya iyon.

"P—Paano mo nalaman ang tungkol sa Black Dragon Organization?" kung pwede ko lang siyang sakalin para sabihin nya lahat ng alam nya ay gagawin ko. Malakas ang kutob ko na may nalalaman siya.

"Hmm, bali-balita ang pandudukot at pagpatay ng grupo na yon hindi ba? Alam ko na alam mo na din ang tungkol sa Organization nila." Sabi nya habang hindi na katingin sakin.

"S—Seryoso ka ba na yun lang ang alam mo?"

"Oo naman, tara na at baka umuusok na ang tenga ng Presidente natin" tawa nyang sabi saka hinila ako papasok sa kwarto ng SSG Council.

Napabuntong hininga naman ako habang nakatulala sa bintana ng classroom naming, kasalukuyan na nag le-lecture si Mr. Santos about sa Id, Ego at Super Ego theory ni Sigmund Freud, Bakit pa ba kailangang magaral sa lugar na to, para san pa ba?

Elysium Academy (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن