CHAPTER 11: THE SECRET OF EA

1.5K 56 1
                                    

Argon's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Argon's POV

"Whaaaaa! Iloveyouuuu Argon! Totoo ba yang sinasabi mo!?"

Tuluyan na yata akong nabingi dahil sa boses ni Beryl, ang akala ko ay ang magkapatid na walking speaker lang ang kayang mag payanig ng eardrums ko.

"Oo nga, ayaw mo ba si-"

"Syempre gusting gusto~ hehe , salamat at ako ang pinili mo Argon napakabait mong kaibigan" putol nya sa dapat ay sasabihin ko. Mukhang gusto nya talaga ang posisyon.

"Ok, makipag ugnayan ka nalang sa mga miyembro ng Vocal Club, total ay nasabi ko na sa kanila ang tungkol sayo" paliwanag ko sa kanya. at agad ng umalis naglalakad ako sa corridor ng Elysium High

Bigla kong naalala ang panaginip ko kagabi.

"anak ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo ha?, aalis lang sila mommy at daddy may aasikasuhin lang kami" sabi ng babaeng nasa 30's ang edad hindi gaano malinaw ang mukha ng babae ngunit sapat na upang Makita ang lungkot sa boses nito.

"Yes mommy! Ako muna ang mag aalaga sa kapatid ko at promise ko sa inyo ni daddy na magtatapos ako ng pagaaral at magiging isang magaling na doctor baling araw. Ako mismo ang gagamot kay Hydria!" may sigla sa mga tinig na sinasambit ng bata na mga nasa 12 to 13 na taon.

Tanging ngiti lang ang tugon ng mag asawa sa sinabi ng anak.

"Paalam Neo, mahal na mahal namin kayo ni Hydria" ang huling sambit ng babae na bakas ang lungkot sa mukha at tuluyan ng lumisan.

Nagising na lamang ako na may luha saking mga pisngi, Hanggang ngayon ay bumabagabag parin sakin ang mga panaginip ko. Kailangan kong makausap ang leader ng Black Dragon Organization. Alam kong sya lang ang makakasagot nito, pero paano ko sya matatagpuan kung hindi ko manlang alam ang kuta ng Black Dragon.

Dumiretso ako sa rooftop matagal tagal na din kasi noong huli akong pumunta ditto upang magbasa. Panay kasi ang utos ng magaling kong master sakin. Ngayon lang ako nagkaroon ng libreng oras para sa sarili ko.

Hayss, nakakalungkot isipin na ang akala mong payapa at simpleng paaralan ay nababalot pala ng hiwaga at kababalaghan.

"Argon" tawag ng isang tinig sa pangalan ko.

"Oh, ikaw pala Neon. Ilang araw ka ding hindi pumasok ah?" tanong ko ngayon kay Neon na may hawak ding libro katulad ko. Syempre ano pa bang ginagawa ng isang nerd sa rooftop.

"A--Ano, nadala ako sa libro kong nabasa kaya di ako pumasok" sabi nya habang nakatingin sa ulap

"Mukhang maganda talaga ang libro nay un ah, anong title ng story? "tanong ko sa kanya

"The secret of EA" sagot nya, mukhang horror yata o mystery yung genre

"Ah, pagtapos mo pabasa ako ah"

Elysium Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon