CHAPTER 31: BEHIND THE MASK

1.1K 44 3
                                    

Argon's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Argon's POV

Nagising ako sa isang madilim at malamig na gusali, napabuntong hininga ako ng malalim dahil totoo nga ang nangyari kagabi, Hindi ko lubos maisip na magagawa ni Chlorie na pagtaksilan ang mga kapwa niya Student Councils. Siya na dapat ay isa sa mga nagsisilbing protekta sa Elysium Academy.

Nakakalungkot dahil maging ang matalik kong kaibigan na si Beryl ay nagawa niyang paikutin at paniwalain na may relasyon kami ni Xenon at pinagtaksilan naming siya.

Alam kong hindi totoo yon dahil buong puso ko ay nakalaan lang kay Krypton. Hinid ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko, Sa totoo lang ay pilit kong nilalakasan ang loob ko dahil alam kong ililigtas ako ni Krypton,pupuntahan niy ako dito at ilalayo sa lugar na to. Nangako siya na ipaglalaban niya ako kahit na anong mangyari. Kaya dapat ay magpakatatag lang ako.

Napapikit muli ako at nag kunwaring tulog dahil sa narinig kong mga yabag ng paa. Malamang ay ang mga tauhan ng Pinuno ng Black Dragon Organization. Matagal na din noong huli kaming nag kita ni Kin.

"Hindi na ako makapaghintay sa nalalapit nating pag lusob sa Elysium Academy" sabi ng malaking boses.

"Maging ako din ay nasasabik na, tiyak na sa atin na ang tagumpay" sabat ng matinis na boses.

"Sa wakas ay makakaalis na tayo sa impyernong lugar na to!" sigaw ng isa sa kanila.

"Hahahaha!" sabay sabay nilang tawa na para bang nababaliw na.

Nakaramdam ako ng matinding takot, hindi dahil sa sitwasyon ko ngayon kung hindi dahil sa mga kaibigan kong madadamay dahil sa gagawin nilang digmaan.

Ano bang dapat kong gawin para matigil ang ka demonyohan nila.

Nakarinig pa ako ng ilang mga yabag ng paa patungo sa direksyon ko. kaya agad na akong nagmulat ng mata.

"Gising ka na pala Argon" nakangising sabi ni Chlorie sakin.

"Walangya ka talaga Chlorie! Paano mo naatim na gawin ito, isa kang traydor" sigaw ko sa kanya.

Umupo naman ito at tiningan ako sa mata. "Oo! Traydor ako! Happy now? Hahahah! I can do anything para kay Krypton, sa huli ay magiging akin din siya Argon"

"Hinding hindi mangyayari yan dahil ako ang mahal ni Krypton. Hindi ka niya mamahalin kahit kalian Chlorie!" sigaw ko sakanya na kinagalit niya kaya malakas na sampal ang ginanti niya sakin na dahilan para mapasubsob ako sa sahig.

"Ah talaga lang ha? Paano kaya kung burahin kita sa mundong ito? May magagawa ba siya? Wala Argon, At pag nagyari yon madali nalang sakin na kunin ang puso niya hahahah!"

"Hindi pagmamahal yang pinaglalaban mo kundi pagkabaliw! Obsessed ka na Chlorie, Tuluyan ka nang nabulag dahil sa pagibig mo"

Dahil sa inis niya ay kinuha niya ang mahaba kong buhok at saka ako hinila patayo."Ahhhh!" hiyaw kong daing sa sobrang sakit.

Elysium Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon