CHAPTER 32: TRAP?

1K 34 0
                                    

Argon's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Argon's POV

Clap* Clap* Clap*

Magkakasunod na mahinang pagpalakpak ang narinig namin ni Krypton kaya kapwa kaming na pahiwalay sa isat isa. Bumungad samin ang tila ba nababaliw na si Neon.

"Kita mo nga naman, ang School Council President at ang kanyang Secretary ay may tinatagong relasyon. Ano kaya ang iisipin ng mga nasasakupan niya at ng itaas kung malalaman nila to, hindi ba Krypton Lee?" nakangising sabi ni Neon.

"N—Neon, please Itigil mo na kung ano man ang binabalak mo" pakiusap ko sa kanya. Kita ko ang pagbabago ng aura ni Kryton. Alam kong galit siya dahil sa ginawa sakin ni Neon, pero hindi ako makakApayag na mawalan siya ng kapangyarihan ng dahil lang sakin.

"Sya ba ang tinutukoy mong mahal mo Argon? Sya ba? Isa siyang duwag! Ginagamit niya lang ang kapangyarihan niya para manipula ng ibang tao" sabi pa ni Neon.

"A—Anong ibig mong sabihin Neon" naguguluhang sabi ko, sabay baling kay Krypton na kanina pa walang imik.

"Bakit Argon? Hindi ba nasabi sayo ni Kryto—" hindi na natuloy pang sabihin ni Neon ang sasabihin niya dahil inundayan na agad siya ng suntok ni Krypton, Naguguluhan ang sa sinasabi ni Neon, Anong hindi sakin sinabi ni Krypton? May tinatago ba siya sakin?

Patuloy ang pagbubuno ng dalawa, kita ko ang galit sa mga mata ni Krypton, habnag nakangisi pa si Neon. Hindi ko kayang makitang nagaaway sila sa harapan ko. parang hindi na sila ang taong nakilala ko.

"tama na please" iyak ko. Napabaling naman sakin si Kryton at huminto na sa pagsapak sa duguang si Neon. Lumapit naman ito sakin at niyakap ako.

"Hindi mo ba sinabi sa kanya ang katotoohanan Krypton?"nakangising sabi ni Neon a saka dumura ng dugo.

"Shut up!" sigaw ni Krypton sakanya. "Anong katotohanan ang sinasabi ni Neon?" baling ko kay Krypton pero nanatili lang itong tahimik.

"Bakit ayaw mong sagutin ang tanong ko? Anong katotohanan ang sinasabi niya!? Sagutin mo ko please" pakiusap ko sa kanya. Malakas ang kutob kong may alam nga si Krypton, naramdaman ko na ito dati pero nagtiwala ako sa kanya, dahil hindi niya magagawang magsinungaling sakin.

"Oh, bakit parang naduwag ka Krypton? Wow, hindi ko alam na may kinakatakutan din pala ang President ng Student Council" kutya pa ni Neon.

"Pakiusap Kryton sagutin mo ang tanong ko, anong katotohanan ang sinasabi ni Neon? May kinalaman ba ito sakin?"

"Alam ko ang lahat" panimula nito.

"Anong alam mo ang lahat?" naguguluhang sabi ko.

"Alam ko ang katotohanan sa pagkatao mo Argon" sabi nito na kinagulat ko.

"A—Ano?"

Ngunit akmang sasagot palang si Krypton nang makarinig kami ng sabay sabay na pagputok ng baril, Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakita ko na lamang na nakatuhod na si Krypton habnag hawak ang kanyang kanang braso na duguan at may tama ng bala. Agad naman akong pumunta sa kanya ngunit umiwas ito.

"D—Duguan ka Krypton, umalis na tayo dito para magamot ko agad yang sugat mo" sabi ko at pilit na lumapit sa kanya.

"L—Lumayo ka sakin Argon, Tumakas kana at kalimutan mo na ko. Mapanganib dito" sabi nito habang pilit na pinipigilan ang pag agos ng dugo mula sa braso niya.

"H—Hindi kita iiwan dito Krypton, kaya please tumayo kana diyan at sabay tayong aalis dit—"

"I said go away! Ano bang hindi mo naiintindihan sa sinabi ko, Nagsinungaling ako sayo Argon, Alam ko ag lahat sayo pero hinayaan lang kitang hindi malaman ang mga katotohanan sa likod ng pagkatao mo"

Unti unting pumatak ang mga butil ng luha ko, Oo dahil sa ginawa niya ay normal lang na magalit ako. Pero, hindi ko siya pedeng pabayaan ng ganon nalang sa sitwasyon na to.

"Ohh, nakaka touch naman ang scene na to, Magpaalam na kayo sa isat isa Argon, dahil hindi na magtatagal sa mundong ito ang pinaka mamahal mo" sabi ni Neon. Kasabay nito ang pag senyas niya sa mga tauhan niya.

"H—Hindi, Anong gagawin niyo kay Krypton?" sabi ko habang pilit na pumipiglas sa pagkakahawak ng isa sa mga tauhan ni Neon, Habang ang iba naman ay lumapit na kay Krypton.

Pilit naman na tumayo si Krypton upang sanggahin ang mga sapak at tadyak sa kanya. Pero dahil sa dami ng kalaban at may tama siya ng bala ay nahawakan ito ng dalawa pang tauhan ni Neon.

"Tama na!" sigaw ko, pero parang wala silang naririnig at patuloy parin ang pagsuntok kay Kryton.

"Hello? Ohh, sige, Salamat sa paalala, oo naman makakaasa ka...Xenon"

Parang nagpantig ang tenga ko sa narinig kong sinabi ni Neon sa kabilang linya, Xenon? Si Xenon ba ang kausap niya sa telepono? Anong kinalaman niya kay Xenon.

"Tama na yan, padating na sila" sabi ni Neon sa mga tauhan niya. "Pasalamat ka Krypton dahil hindi pa ito ang katapusan mo, wag kang mag alala. Malapit na, Kukunin ko ang lahat ng sayo, lahat lahat" sabi pa nito at saka na sila umalis.

***

Ilang araw na ang lumipas pero hindi parin gumigising si Krypton, noong gabing yon nadatnan kami ng mga tauhan ng Elysium at ng Resort. Kinaumagahan din ay bumalik na kami sa Elysium Academy. Limang araw na ang lumipas, pero walang araw nna hindi ako nasa tabi ni Krypton. Natatakot ako na hindi na siya tuluyan pang gumising dahil malubha ang natamo niyang sugat mula sa mga tauhan ni Neon.

Si Neon naman ay hanggang ngayon ay hindi pa din nakikita, maging si Chlorie at Beryl ay hindi ko na din nakita pa.

Pagbalik naming sa Elysium ay madami ding sugatan. Dahil sa pag lusob ng ibang tauhan ni Neon. Nagalan ang pag rescue sa mga sugatan kaya madami ang naglaho.

"Krypton, gumising kana please" sabi ko habang hawak ko ang kamay niya.

"Argon! Argon!" napalingon naman ako sa tumawag sakin. Francy?

"Bakit Francy?"

"Hindi mo ba nabalitaan, nagpasiya na ang School Principal na tanggalin bilang President ng Student Council si Krypton dahil nakarating dito ang lihim niyong relasyon" sabi nito na kinagulat ko.

"A—Ano!?, pero papaano?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi nagpakilala ang nagsabi pero alam kong may kinalaman ito sa mga Black Dragon Organization"

Hindi kaya ang pagdukot sakin ng mga Black Dragon Organization at ang paglabas ng katauhan ng pinuno nila na si Neon ay isang patibong lang para mapaalis sa pwesto si Krypton? Kung tama ang akala ko ay anong motibo nila? Sino ang ipapalit kay Krypton at magiging bagong Presidente ng Student Council?

Ano ba talagang pinaplano mo Neon.

Elysium Academy (Completed)Where stories live. Discover now