Palamuti

1K 77 11
                                    

"Umiiyak ka nanaman,"

"Naalala ko kasi ang kapatid ko "

"Ayan ka nanaman. Matagal nang wala si Akwano. Akala ko nalagpasan mo na yan,"

"Hindi ganun kadali yun. Kaming dalawa na lang ang magkasama. Pero iniwanan din niya ako,"

Sa hindi kalayuang isla kung saan may mga panahong nawawala ito lalo na't mataas ang level ng tubig, dalawang nilalang ng dagat ang nakaupo sa isang malaking bato. Mahaba ang kanilang mga buhok, maamo at may magandang mukha, balingkinitang katawan at.... may buntot ng isda instead na pares ng mga binti at paa.

Sa mga tao, ang tawag sa kanila ay mga sirena. Pero para sa mga nilalang na ito, Daragano ang tawag nila sa kanilang mga sarili, na ang ibig sabihin ay anak ng karagatan.

Ang kapatid ni Akwano na si Rina ay ilang taon nang nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang kapatid. Dahil sa kakaibang ideolohiya nito tungkol sa mga tao, naging tampulan ito ng galit ng kanyang mga katulad na Daragano. Para sa kanya, hindi lahat ng mga taga-lupa ay masasama kahit pa ang mga kauri nito ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang mga magulang na namatay dahil sa mga mangingisdang gumagamit ng dinamita. Inililigtas ng kanyang ina ang ibang mga lamang-dagat nang may mga mangingisdang naghagis ng mga dinamita. Naipit ang buntot ng ina sa mga nabasag na coral kaya't hindi agad ito nakaalis. Sumaklolo ang ama nila Rina at Akwano ngunit nang maialis ang naipit na buntot ng asawa, napalibutan sila ng mga dinamita hanggang sa nasabugan sila nito at namatay. They were about to be hauled ng lambat pero nakita sila ng ibang Daragano na nangangalaga ng kanilang katahimikan kaya't pinunit nila ang lambat upang kuhain ang kanilang walang buhay na katawan upang ibalik sa kanilang tahanan.

Ikinalungkot ng mga Daragano ang nangyari, dahilan upang lalo silang mapoot sa mga tao, lalong lalo na sa mga mangingisda. Ngunit hindi si Akwano. Fascinated siya sa mga tao, sa kanilang pamumuhay, kagamitan at teknolohiya. Lihim niya itong pinag-aaralan at kahit mahigpit na ipinagbabawal ng kanilang lider at hukbo na pumunta malapit sa pampang ang kanilang mga kauri, nagpupunta pa rin si Akwano.

"Tahan na, Rina. Tahan na," pigil ni Saraya, kaibigang matalik at kaisa-isang Daragano na itinuturing na pamilya ni Rina.

Kipkip ni Rina ang isang bagay na hawak ng kanyang kapatid bago ito pumanaw. Isang makintab na palamuti na nakita nitong hawak ni Akwano nang ibalik ang kanyang walang buhay na katawan sa kanilang kweba sa malalim na parte ng dagat.

"Hindi mawawala ang pangungulila ko sa pamilya ko. Nag-iisa na lang ako,"

"Ano ka ba, nandito pa ako. Nandito kami ng pamilya ko. Hindi ba't inaampon ka na nga ni ina at ni ama. Kami na ang pamilya mo. Magkapatid na tayo,"

"Alam ko at maraming salamat sa inyo, sa pagkupkop ninyo sa akin,"

"Halika na. Bumalik na tayo sa atin. Hinahanap na tayo malamang nina ama at ina. Bawal pa naman tayong umahon. Baka may makakita pa sa atin dito,"

Centuries ago, may isang isla sa parte ng Mindanao na pinagiisipang local na bersyon ng Altlantis City. Tinawag ang islang ito bilang San Juan, located at the northeast tip of Mindanao. Isa rin itong vanishing island na lumulubog at lilitaw kapag mataas ang tubig dagat. Makailang ulit sa bawat centuries na nagdaan, sa pabago-bagong edisyon ng pagimprinta ng mapa ng Pilipinas na hindi naisasama ang isla, not until the 18th century na muling isinama ang San Juan island sa mapa dahil muli itong lumitaw.

Sa pinakamalalim na parte ng karagatan, parteng hindi makakayang abutin ng pinakabagong kagamitang pangsisid, naninirahan ang mga nilalang na mamamayan ng karagatan. Para sa mga tao, ang kanilang uri ay kathang isip. Mga istoryang kinagigiliwan ng mga bata na napapanood sa tv at nababasa sa mga fairytales. At kahit ilang beses pang may makakita sa kanila, there was no trace that can lead to prove their existence.

Heart of the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon