Surprise

325 39 10
                                    


"Barbie! Barbie!" sigaw ni Glaiza on the other line.

Mabilis ang tibok ng kanyang dibdib ng marinig ang sigaw ng baklang kaibigan ni Rhian at ang takot nitong expression sa kanilang video call. Tanging ang nangingitim na kalangitan ang nakikita nito dahil agad na binitiwan ni Barbie ang celphone upang saklolohan ang kaibigan.

"Dude, what's wrong?" patakbong lumapit si Bart sa kaibigang namumutla. "What's going on?"

"I have to go back home," sagot naman ni Glaiza, placing her gadget on the center table without ending the video call.

"We just got here yesterday and the tournament is tomorrow. You can't back out, G. Tell me what's wrong. Did something happened?" he grabbed Glaiza's hand to stop her form leaving. Kilala niya ang kanyang kaibigan, na kapag sinabi nito na aalis siya, aalis siya. Pero hindi maaring umalis si Glaiza dahil may qualifiers sila bukas sa annual dirt bike tournament sa Texas.

"Rhian's in trouble. Barbie sounded nervous that I heard him shouted Rhian's name in fear. I have to check on her,"

"Dude, you are more than half a day flight back to the Philippines, that's how far we are...."

"I'm not ignorant, Bart,"

"Sorry... What I mean is, by the time you get back home, what ever is happening today is already the past by tomorrow. Better talk to Barbie again. If they need any assistance, then I'll go back with you. Right now, calm down. Panicking won't help," 

Sa sinabing iyon ng kaibigan, nahimasmasan si Glaiza. Tama ang kanyang kaibigan. Kahit pa makaalis siya ngayon, kinabukasan pa siya makakarating ng Pilipinas. Mas maiging hintayin nito si Barbie at alamin kung ano ang nangyari. 

"Mahal....."  a sound of a trumpet was heard that made Glaiza tumble to reach her phone on the center table. 

"Mahal, anong nangyari? Bakit napatakbo si Barbie sa'yo? Are you hurt? May nangyari ba? Babalik ako ng Pilipinas ora mismo," 

"Walang nangyari, Mahal. Aksidente lang. Nawalan lang ako ng balanse sa yate. Wag kang mag-alala,"  

"Panong hindi ako mag-aalala, yung boses ni Barbie kanina takot na takot. Siguradong okay ka lang? Teka, ano yang nasa balikat mo? Is that a bruise? Bakit ka may pasa?" napatingin si Rhian sa bahaging napansin ni Glaiza. Hindi niya napansin ang pasa na iyon, maging ang sakit dahil agad niyang dinampot ang celphone ng kaibigan dahil binaggit ni Barbie na kausap niya ang kasintahan sa videocall. 

"Na...nabangga lang ako. Medyo umalon kasi kaya nawalan ang ng balanse. Wa...wala ito. Wag kang mag-alala,"

"Sigurado ka ba?" muli nitong tanong. 

"Oo mahal. Okay lang ako,"

"Okay, maniniwala ako. Pero kahit anong mangyari, tawagan ninyo ako agad. Sabihin mo rin kay Barbie. Uuwi ako agad,"

"Opo Mahal. Pagbutihin mo ang ginagawa mo dyan ha para manalo ang team ninyo," bilin ng dalaga na sinamahan niya ng isang magandang ngiti. Ang klase ng ngiti na nagpapakalma sa puso ng kanyang kasintahan.

"Kahit sa isang simpleng ngiti mo lang, Ms. Ramos, kayang kaya mo akong paamuhin. Suko ako sa'yo. Mahal na mahal kita, Rhian,"

Paano ba siya tutugon sa kanyang narinig? Ni minsan ay hindi pa naranasan ni Rhian ang klase ng kaligayahan na naibibigay ni Glaiza sa kanyan. Damang-dama niya ang walang sukat nitong pagmamahal. Hindi niya alam kung ano ba ang kanyang sasabihin o anong salita ang katumbas ng kaligayahang nararamdaman.

"Rhain?" pagtawag ni Glaiza sa ilang pagbilang na hindi tumugon ang kasintahan. "May problema ba?"

"Wala Mahal. Walang problema,"

Heart of the OceanWhere stories live. Discover now