Waves

562 43 4
                                    

Pagkabuhos ng tubig, dinala agad ni Migo at Barbie sa kanilang tent dahil other staffs and models are already surrounding them. Hindi maaring makita ng mga ito ang mga kaliskis na naglilitawan sa binti ni Rhian. Unti-unti namang nawawala ang mga gasgas, sugat at kaliskis nito pagkaraan ng ilang minutong pagbubuhos ni Barbie ng tubig, nabawasan din ang sakit na nararamdaman niya.

"Rhian? Rhian?" pagtawag ng tvc director at ang sunod-sunod nitong pagkatok.

"Migo, labasin mo na si direk. Aayusin ko muna si Rhian," sumunod naman ang manager. Lumabas siya nang hindi hinayaang silipin si Rhian.

"Ano ba kasing nangyari sa'yo? San ka nagpunta?"

"Nainip kasi ako dito tapos tulog ka pa, kaya lumabas muna ako,"

"So kaslanan ko pa ang pagkainip mo?"

"Hindi naman. Wala kasi akong magawa kaya lumabas muna ako. Tapos may narinig akong kakaiba. Hinanap ko kung saan nanggagaling. Sinikap ko naman na tignan itong tent para hindi ako maligaw, kaso bigla na lang akong hinabol ng tatlong lalaki,"

"Gwapo?"

"Barbie!" hinampas niya sa braso ang bading habang nililinis nito ang kanyang binti.

"Aray ha! O tapos, anong nangyari? Naabutan ka ba nila?"

"Oo, nadapa kasi ako. Hindi agad ako makatayo kasi ang sakit ng mga sugat ko. Tapos nung malapit na sila, biglang lumabas yung naghatid sa akin dito na nakasakay dun sa kaparehong sasakyan nung tatlo. Anong tawa ulit dun?"

"Motorbike,"

"Oo, motorbike. Pero bakit iba ang tunog? Masakit sa tenga,"

"Ibang klaseng motorbike yun, pangkarera ata yun,"

"Maingay yung motor na yun, pero..." muling sumagi sa isip niya ang rider na sumagip sa kanya. "Masarap sa pakiramdam kapag nakasakay ka na. Yung para bang malaya ka. Tapos yung hangin sumasalubong sa amin. Kaya lang maalikabok,"

"Eh magmotor ka ba naman sa tag-init, malamang lahat ng polusyon makakasalubong at malalanghap mo. Buti hindi niya napansin ang kaliskis mo,"

"Oo nga eh. Binuhat pa niya ako pasakay ng motorbike niya,"

"Talaga? Kinaya ka nung babaeng rider?"

"Akala ko nung una lalaki siya. Medyo malaki kasi ang boses niya,"

"Ako rin eh,"

"Rhian, tinatanong ni direk kung makakaya mo pang magshoot," tanong ni Migo nang sumilip ito sa pinto.

Wala na ang mga sugat nito kaya't tumango ito at lumakad palabas ng tent. Sumunod naman sa kanya ang alalay na bakla.

----------

"Whats with the angry look, buddy?" Bart asked pagkabalik ni Glaiza sa kanilang open tent. Bart was inspecting her skeleton dirt bike.

"Sorry for leaving you, buddy. Three of our racers were having too much of a good time that they forgot I forbid, and I mean strictly forbid taking and drinking liquors while in the trail,"

"Lighten up, G. Boys will be boys, as they say,"

"I already briefed them about it the very first day. Practicing or not, any liquors are not allowed. there are always time to have 'em right after leaving the dirt bike trail,"

"Are they drunk?

"I'm sure they are. Their eyes said so. All red,"

"Did they do something illegal? Offended someone?"

Heart of the OceanWhere stories live. Discover now