When Our Eyes Meet

746 61 13
                                    

Glaiza kept on dodging Bart's question. Paiba-iba man ang sentence, same thought naman. Bago magtungo ng condong titirhan ni Bart pansamantala, dinala siya ng kaibigan sa isang bar kasama ang ibang bikers, maging ang tatlong napagalitan niya.

----------

Pauwi na ng Alabang kung saan nakabili ng magandang bahay sina Rhian at Barbie. Hindi ito kalakihan at tamang-tama lang para sa kanilang dalawa. Wala silang kinuhang kasambahay at si Mang Mando na driver nila ay stay-out. Meaning on-call lang ito kapag may shoot ang modelo.

Humingi ng isang linggong pahinga si Rhian. Sa loob kasi ng isang buwan, wala siyang kahit 1 raw na free day and because for five years of being a professional model, she were able to establish a name in the modeling business may "K" na itong tumanggi sa mga kumukuha sa kanya. Marunong naman si Migo sa pageexplain sa mga kumukuha sa kanyang alaga, kaya kahit tanggihan, kukunin at kukunin pa rin nilang modelo si Rhian.

Gusto sanang magpunta ni Rhian sa dagat. Miss na niya ang kanyang dating mundo. Pero hindi pa panahon at bka hindi pa niya mapigilan ang lumusong sa tubig, baka may makakita pa sa kanya. Nagkasya na lamang siya na lumubog sa tubig sa kanyang bathtub at doon hayaang lumabas ang kanyang buntot. Everytime she lets her tail appear, she felt relieved. Miss na rin niya ang malaking karagatan kung saan malaya siyang nakalalangoy. Malayang umikot-ikot sa malalim na dagat kasama ang iba pang mga lamang-dagat at kapwa Daragano. Kasama ang matalik niyang kaibigan.Pero hangga't di pa niya nakikita ang may-ari ng palamuting ibinilin ng kapatid, kailangan niyang magtiis. Kailangang mahanap niya ito upang makabalik na siya sa dagat. Marami na siyang nakilala pero sa pakiramdam niya, wala ni isa doon ang may-ari nito.

----------

Bart was drunk. Hindi sanay sa alak ng pinoy dahil ang pinainom sa kanya ay falvored tuba na isinisilbi ng bar na kanilang pinuntahan. Ilang babae rin ang kanyang nakilala at nakuhaan ng mga numero na ikinatuwa naman nito. Enjoy na enjoy siya tulad ng naipangako sa kanya ng kanyang kaibigan.

Nirentahan ni Glaiza ang isang unit na pinaparentahan ng kanyang kapitbahay sa condo at doon niya pansamantalang pinatira ang bisita. Kasama ang dalawa sa kanyang riders, inihatid nila si Bart sa condo. Doon na rin niya muna pinatulog ang mga ito para may kasama si Bart. Nng masigurong maayos ang tatlong lalaki, pumunta na ito sa sarili niyang condo upang asikasuhin naman ang kanyang sarili.

Loneliness surrounds her pagpasok niya ng kanyang kwarto. Ultimong paghinga ang tibok ng kanyang puso ay maririnig sa nakakabinging katahimikan. Ito ang gusto niya. Isolation kapag mag-isa lang siya. Tutol ang kanyang mga magulang sa pagbalik niya sa Pilipinas pero sabi niya, gusto niyang maging busy. Gusto niyang maging aktibo ang dirt bike racing sa sarili nilang bansa. Kahit anong pagpipigil ng kanyang Mommy Christy, buo na ang kanyang pasya, plus, Daddy Boy backed her up. Constant naman ang kanilang communication sa loob ng 5 taon.

Bumalik sa kanyang alaala ang likod ng babaeng kanyang nakita. Sa porma, kurba ng katawan at haba ng buhok, para talagang si Sarah Kaye. Nabuhay na naman sa kanya ang pangungulila sa yumaong girlfriend. Muling tumulo ang kanyang luha na matagal-tagal na rin niyang napipigilan. For sure ayaw ng kanyang mahal na lagi siyang umiiyak dahil nung nabubuhay pa ito, ginagawa niya ang lahat para maging masaya ang kanilang pagsasama. Pero ngayong wala na siya, parang nawala na rin ang karapatan niyang maging masaya.

"Sino kaya ang model na yon? I need to meet her," sambit niya sa kanyang isip hanggang sa makatilog ito.

(dream)

Glaiza opened her eyes and found herself in a rowboat in the middle of the sea and the sun is at its peak. Paano ba siya napunta dito? And of all places, sa lugar na ayw niyang balikan pa.

Heart of the OceanWhere stories live. Discover now