The Truth

553 48 6
                                    

An after party was held after the success of the tribute fashion show. Halos nagkandahaba ang leeg ni Rhian sa kakahanap sa kasintahan at sa pamilya nito. She asked Barbie abangan sila sa labas ng venue. Barbie texted Glaiza the address upang sumunod ito dahil may van na magdadala sa mga modelo sa pagdadausan ng after-party.

"We meet again," isang boses ang umagaw ng kanyang atensyon sa paghahanap sa katipan.

"Hello. Ikaw yung nagbigay sa akin ng bulaklak sa stage, di ba?"

"Yeah. Ako nga. I'm Maximillian Collins. Max for short. Ikaw si Rhian, right?"

"Oo, pano mo nalaman?"

"Well, aside from seeing you model at ang mga tvc mo, I saved you once,"

"Saved?" isang authoritative voice ang nagsalita. Si Glaiza.

"Mahal," agad inabot ni Rhian ang kamay ng kasintahan at humalik sa pisngi nito.

"Mahal?" 

"Yes she's my girlfriend, Maximillian Collins,"

"Just Max, G. Max,"

"Maximillian,"

"Magkakilala kayo?"

"She's from a rival team sa dirt bike race. She's from Astar team,"

Rhian was confused dahil iilang salita lamang ang naiintindihan niya.

"Anong ibig mong sabihin na you saved her once?" muling tanong ni Glaiza sa kanyang kaharap.

"She was trapped by three drunk men at SMDB. As far as I could remember, I think I saw your patch sa kanilang jumpsuits,"

Glaiza's memory rewind from the day na may napagalitan siyang tatlong miyembro ng kanyan team na sinuspinde niya. 

"I guess you are not a good partner kung hindi mo kayang protektahan ang girlfriend mo sa sarili mong tauhan,"

"Totoo ba?" she turn to Rhian who was just listening quietly. Tumango ito. "Hindi ko alam na may nangyaring ganyan. I... I'm very sorry, Mahal. I didn't know,"

"Matagal nang nangyari yun. Kalimutan na natin," then Rhian turn to max. "Salamat sa pagligtas mo sa akin,"

"Its nothing. And to show that there's no bad blood sa pagitan namin ni Glaiza, how about I invite you over to my vacation house after the race tomorrow. I'm sure na darating ka bukas sa race namin ni Glaiza,"

"Pupunta ako para suportahan siya. Pero..." hindi niya maituloy ang sasabihin dahil hinihintay niya si Glaiza na tumugon sa imbitasyon ng una.

"Come on G. Pag hindi ka pumayag, it only means inferior ka sa akin. Takot kang maagaw ko sa'yo yang girlfriend mo,"

"Don't kid around," Glaiza scoffed.

"Ganito na lang, if I win tomorrow, you'll accept my invitation..."

"And if I win, stay away from Rhian. Lalayuan mo siya whether you like it or not,"

"Teka, ano bang pinag-uusapan ninyo? Pinagpupustahan ba ninyo ako?" Rhian mediate dahil nararamdaman nito ang inis ni Glaiza mula sa tono ng boses nito.

"Deal," sagot ni Max, offering her hand for a shake that Glaiza took to seal the deal at lumayo ang katunggali.

"Anong pinaguusapan ba ninyo. Hindi ko maintindihan?"

"Glaiza, what was Max doing here?" tanong ng ama na papalapit sa kanilang kinatatayuan.

"Apparently, she's invited to this event. Hindi mo ba siya nakita sa stage, dad? Niyakap at hinalikan niya si Rhian. Kung hindi lang ako pinigilan ni mama, baka sinugod ko na siya sa stage,"

Heart of the OceanWhere stories live. Discover now