Gun Fire

132 17 3
                                    

"Señor Regaspi," bulalas ni Miroy habang hinihila si Rhian palalim ng dagat. Kasama nito ang lima sa kanyang mga tauhan na nakatutok ang mga armas nito at malamang ay parating na rin ang iba pa niyang mga tauhan.

"Sa tingin ko ay hindi ordinaryong tao, Miroy. I think, katulad ka rin niyang laman ng dagat. Tama ba ako?" ngunit wala itong nakuhang sagot mula sa binata. "Kunin ang sirena. Itali ninyo ang mga kamay ng siokoy na yan," 

"Boss, wala tayong dala na pantali," bulong nmn ng isa nitong tao.

"Gago ka ba? Ako pa ba ang mamomroblema dyan?! Gamitin mo yang pulpol mong utak!"

Napakamot na lamang ang lalaking inutusan. Tinapik nito ang dalawa sa kanyang mga kasama upang kunin ang sirena. Mula sa kanyang beywang, kinalas nito ang buckle ng kanyang sinturon at inalis mula sa hoops ng kanyang pantalon. Ito ang kanyang naisip na gagamiting tali sa mga kamay ni Miroy. 

"Lumangoy ka na palayo habang nilalabanan ko sila, Rina," bulong nitong utos.

Naisip naman ni Rhian na ito ang kanyang pagkakataon upang mahanap naman sila Glaiza. Ngunit paano? Wala sa kanya ang kanyang mahiwagang kaliskis upang maging paa ang kanyang buntot.

Habang papalapit ang tatlong lalaki, unti-unti namang kumikilos paatras sina Miroy.

"Wag mo nang balakin pang tumakas pa, Miroy. Pagnanlaban kayo, magiging pagkain kayo ng mga kapwa ninyo lamang dagat," babala naman ng lalaking may hawak ng sinturon. Sinenyasan nito ang alawang lalaki na mauna upang hawakan si Miroy.

"Ngayon na Rina! Lumangoy ka na palayo!" agad niyang binitawan ang kamay ng dalagang sirena upang makalayo ito nang makalapit ang dalawang lalaki.

Iniharang ni Miroy ang kanyang sarili nang makalapit ang mga ito. Inundayan ng malalakas na suntok. 

"Anong tinatayo-tayo ninyong dalawa dyan?! Paputukan ninyo!" sigaw naman ni señor Regaspi sa dalawang lalaki na may hawak na mga armalite na agad naman tumalima ang mga ito.

Rhian forced her tail to push herself hard towards the deeper water upang mas madali siyang makalangoy palayo. Her arms clamber the sands below making her move slower. 

----------

Sa di kalayuan, dinig na dinig ang tunog ng mga baril na sunod-sunod na pumuputok. Isa-isang nag-ilawan ang mga barong-barong na malapit sa dalampasigan ng Baseco beach. Naglitawan ang mga ulo sa mga pintuan at bintana. Mga mata na hinahanap sa kadiliman ng gabi kung saan nagmula ang tunog na iyon.

"Those are gun shots!" Max heard the distant sound of the gun fires. People are starting to get out of their houses upang sundan ang tunog ng mga nagpuputukang baril. Sinabayan nila ang agos ng mga tao nang mapansin nila ang isang grupo ng mga kalalakihan na halatang hindi taga-roon dahil sa mga suot nitong mukhang goons.

"We need to hurry. Baka kung ano pa ang mangyari Kay Rhian," Glaiza said na siyang nanguna sa paglakad ng mabilis. Kailangang maunahan nila ang mga taong iyon na makita sina Rhian. She knows that once mahuli ang kanyang kasintahan, mahihirapan na silang mailigtas pa ito sa pangalawang pagkakataon. 

Rhian kept on swimming faster lalo na ngaung mas madali nang kumilos ang kanyang buntot. Pero nag-aalala siya kay Miroy. Kahit pa ito ang dahilan kaya't nasa ganito siyang sitwasyon, ito ay kanyang kauri.

Huminto siya sa paglangoy at nilingon ang nangyayari sa spot na kanyang pinag-alisan. Miroy is still fighting the bad guys at pinauulanan pa rin siya ng putok ng mga ito. 

Heart of the OceanWhere stories live. Discover now