Saved

609 61 1
                                    

SMDB Trails. Dito idinerecho ni Glaiza ang kanyang bisita. After na lang ng welcoming party na kanyang iniorganisa para sa kanyang bisita niya ihahatid ito sa kanyang condo. Excited kasi siyang ipakita ang isa sa mga dirt bike trails na nasa Pilipinas pati na rin ang bago niyang customized dirt bike, pero hindi pa ito kumpleto dahil wala pa ang ibang mga parts na inorder pa niya sa ibang bansa.

The sound of the dirt bikes are music to her ears. Sa tuwing naririnig niya ito, nabubuhay ang kanyang dibdib. Ito ang nagpapatakbo sa kanyang dugo.

As soon as they arrived, she introduced Bart to his co-bikers and mechanics. Bilib si Bart sa ganda ng mga dirt bikes ng mga ito. High powered, mabibilis at magagaan. Customized lahat.

----------

Kamuntikan nang ma-late sina Rhian sa photoshoot location. Medyo maalikabok ang lugar na halos maiinhale mo na.

Migo met them sa parking. Binigyan niya ang magkaibigan ng mask para makahinga ng maayos. Hindi man sila late, pero ang mga kasama niya sa shampoo commercial ay nakaayos nang lahat. Naunawaan nan ng director ng tvc na kagagaling lang ni Rhian ng Palawan at traffic pa papuntang San Mateo kaya hindi uminit ang ulo nito. Binilisan na lamang nila ang pagaayos sa dalaga.

Photoshoot started at high noon. Pwede nang magprito ng itlog sa lupa sa sobrang init, kaya't todo paypay ang mga modelo pati si Barbie todo paypay kay Rhian dahil hindi ito pwedeng sobrang mainitan. The three of them found out na nahihirapan huminga si Rhian kapag sobrang init parang isdang dinadaing sa gitna ng araw. Kailangang wisikan ng tubig ang kanyang binti dahil lumalabas ang kanyang kaliskis. Akala tuloy ng ibang modelo ay maarte ito. Pero kahit sobrang init ay hindi inatrasan ni Rhian ang trabaho. Sabi ng direktor, kailangan nila ang init dahil nga shampoo commercial ang ginagawa nila.

Pumwesto na ang mga modelo. Sinimulang buksan ang dalawang malaking electric fan upang mag angatan ang mga alikabok.

"Action!" sigaw ng director.

----------

"Is this the bike you were telling me about?" Bart asked, seeing a red dirt bike without an engine. "What engine you plan to have?"

"I ordered Saito Engines FG-60R3 60cc 3-Cylinder Gas Radial from Japan," Glaiza answered.

"Oh cool, but theres a much better engine. Its also a Saito brand but much better. You are building a 4 stroke bike, aren't you?" she nodded. "Then, you better get the FG-90R3 90cc 3-Cylinder Gasoline Radial Engine. It is complete with electronic ignition, mufflers and engine standoffs, provides easy starts and reliable performance due to the 2S Li-Po-compatible electronic ignition, and..."

"Alright, alright Bart. I got you. I know you know better when it comes to these babies," patawa-tawa ito at tinapik tapik ang kaibigan.

----------

The director gave the models an hour break. Sa sobrang init ng panahon, may ilang staff at mismong mga modelo ang hinimatay. Gagamit na lamang daw sila immitation lights kung sakaling mabawasan ang liwanag na kailangan nila. 

Airconditioned ang sariling tent ni Rhian. Meron sana siyang ka-share pero dahil wala siyang ka-close na modelo, walang gustong maki-share sa kanya. Si Barbie lang ang kasama niya sa kanyang tent. Tinulugan naman siya nito kaya't she decided na maglakad-lakad since may mahabang minuto pa bago mag-shoot ulit. Medyo mainit pa rin pero hindi katulad nung mga oras na nagsu-shooting sila. 

Napalayo siya ng kaunti sa location shoot dahil sa kakaibang tunog na kanyang narinig. Masakit man sa tenga, pero curious siya kung ano iyon. Simula nang manirahan siya sa lupa, naging ganun siya. Curious palagi sa mga bagay na first time niyang nakita at pag naging interesado siya, gusto niyang alamin at matutunan.

Heart of the OceanWhere stories live. Discover now