Kakaibang Pasko

742 54 1
                                    


"Mag-isa lang ba si Glaiza sa unit niyang yun?" tanong ni Barbie.

Tila parang walang narinig si Rhian sa tanong nito sa kanya.

(flashback)

Sa pagdikit ng kanilang mga ilong, daig pa ang tsunami ang naramdaman ni Rhian. Gusto niyang bumigay. Nanlalambot siya sa epekto ng nangyayari sa kanya. Ano bang ang nangyayari sa kanya? Bakit ganito ang nararamdaman niya sa kay Glaiza? Bakit ang lakas ng kaba niya?

Habang paliit ng paliit ang kanilang distansya, pasikip ng pasikip ang kanyang dibdib lalo na ng dumampi ang kamay ni Glaiza sa kanyang pisingi. Para siyang napapaso pero klase ng paso na gusto niya. Hindi nakakapaso, bagkus nakakadarang.
Ring...ring...

Napukaw ang diwa nilang dalawa nang tumunog ang telepono ng modelo. Agad siyang napaatras upang sagutin ito.

"He..hello, Barbie? Saan ka na?" tanong nito.

"Papasok ba ako ng elevator papuntang unit ni Glaiza,"

"Okay. Hintayin kita," she end the call.

"Paakyat na si Barbie. Bumalik na tayo bahay mo," pag-aaya nito at nauna na papuntang pintuan.

(end of flashback)

Halik ba ang tawag dun? Nakita na niya ang kanyang mga Daraganong magulang na maghalikan, maging sa mga napapanood niya sa tv. Pagnakakakita siya ng ganun, nagiging curious siya. May kung anong nagti-twitch sa kanyang sikmura. Pero hindi naman siya nahalikan ni Glaiza, bakit pakiramdam niya ay parang ganun din. Na parang nahalikan siya? At iba ang pakiramdam niya. Mas grabe pa kesa sa nararamdaman niya sa napapanood niya. May kaunting panghihinayang sa kanyang puso. Gaano kaya kalambot ang labi ni Glaiza? Sa kanyang napapanood, parang ang lambot lambot ng mga labi ng mga naghahalikan. Napapangiti sila after nilang halikan ang isa't isa at nasusundan pa ng mas mahabang halik na humahantong sa... Ano nga ba ang tawag dun na nagtatanggal sila ng kanilang damit? Yung magkapatong na at tila dinuduyan sila sa ibabaw ng kama?

Inosente si Rhian pagdating sa ganun. Sa tagal niyang naging tao, kulang pa rin ang kanyang nalalaman.

"Huy, ang lalim ng iniisip mo ah. Care to share?" nagulat pa si Rhian hindi sa panggugulat ni Barbie, kundi sa pag-english nito. "May nangyari ba sa inyo ni Glaiza?" matukso nitong tanong na may kasamang pilyong ngiti.

"Ha?! Wa...wala noh. Ano naman ang mangyayari sa'min? Nagkwentuhan lang kami,"

"Ooooh.. Pero alam mo napansin ko yung paghawak niya sa kamay mo ha, parang ayaw kang bitawan. At ang mga tingin.. Witchikels my prend! May something!"

"Tumigil ka nga dyan, Barbie. Anong nangyari sa Koreano mo?"

"Hay nakuuu!! Hopia, mani, popcorn!"

"Ano?"

"Nganga, mamshie! Isang malaking nganga!" ibinuka niya ang kanyang bibig at itinapat ang kamaynna parang may isinusubo.

"Walang nangyari noh?"

"Wala. Kung babae lang daw ako, baka pwede pa. Hindi daw siya pumapatol sa kalahating tao, kalahating malansa,"

Natawa si Rhian sa tinurin ng kaibigan.

----------

Makalipas ang isang linggo, hindi makalimutan ni Rhian ang tagpo sa roofdeck ng condo ni Glaiza. Magpahanggang sa mga araw na iyon, nanghihinayang pa rin siya. She's so curious kung ano ang pakiramdam ng mahalikan nito. Sa kanyang mga pictorials, nariyan yung makasama niya ang mga nagga-gwapuhang mga modelo tulad ni Gil Cuerva at iba pa na halos magdikit din ang kanilang mga labi pero walang epekto sa kanya. May ilan ding nagpahiwatig ng pagkagusto sa kanya pero ni isa ay wala siyang pinatulan. Pero kay Glaiza... Sa isang babae na tuld niya, iba ang kanyang nararamdaman.

Heart of the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon