1

520 7 3
                                    


"Hoy tabi nga dyan! Pabo!"


Pwede namang excuse me na lang, kailangan pa kong sabihan ng tanga? Mga tao talaga ngayon minsan ipinagkanulo ni satanas.

Bakit ba kasi naisipan ng pamilya ko na ipasok ako dito sa eskwelahan na 'to? Eh yung mga estudyente dito may invisible na sungay, yung iba naman pamangkin talaga ng demonyo.

Kasalukuyan akong naglalakad ng dahan dahan, pinagiisipan kung papasok ako ngayong first day of class. Palinga linga ako sa daan, checking if someone might trip me or put something behind my back.

"What the! Nagmamadali ako e. Watch your-"

"Sorry. Sorry talaga." Paghingi ko ng tawad habang nakatingin sa may paanan ko. Ayoko namang mapagdiskitahan ngayon no.

"Uhm ano sorry. That was rude, nagmamadali na kasi ako. By the way, the name's Jimin Park. You can call me Jimin." pakilala saakin ng lalaking may cute at chubby cheeks.

Napatulala lang ako sakanya. Hindi niya ba ako kilala? Ako ang pinakasikat dito sa school na 'to.

Pinakasikat na i-bully.

I'm Jessie Villamayor, anak ni Mayor. Walang halong joke 'to! Alam kong magka rhyme pero anak talaga ako ng mayor sa kabilang bayan at walang estudyante ng Big Hit U ang nakakaalam kaya kung lapastanganin nila ako eh, nako! Sumbong ko kayo sa tatay ko e.

"Bye!" Paalam niya saakin at tumakbo na paalis. I just ignored the fact na may bumati at humingi ng sorry sa akin. Siguro transferee siya, kapag nalaman niya kung sino ako, siguradong sasama siya sa mga bullies na halang ang bituka!

Nagtuloy lang ako sa paglalakad at saktong pagdating ko ay nandun na ang mga kaklase ko. Matatalim ang tingin sa akin, lalo na ng mga babae. Kasing talim ng cat eye nila.

Limang minuto bago maupod ang pwet ko sa kinauupuan ay dumating na ang prof namin, may kasamang di katangkarang lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nasa may pinakadulo ako nakaupo at yung salamin ko eh hindi na updated ang grado.

"See this familiar face? From now on he will be your classmate. You may introduce yourself, mister."

"Hello! I'm Jimin Park. Everyone calls me Jimin."

"Korean ka?" tanong ng babaeng mukhang sinampal dahil sa kapal ng blush on.

Ngumiti si gago at kinindatan lang ang babae. "Oppa!" Sigaw ng malandi.

Luh. Kalantod.

"Mamaya na yan, take a seat, mr. Park." Nagtingin tingin siya ng mauupuan at naglakad papalapit sa akin, I mean sa tabi kong bakante.

Siya ulit. Si Jimin ulit.

"Ikaw yung kanina diba?"

"Ako nga." Sabi ko at nginitian siya. Full smile, kita braces. Aba! Mahal kaya magpa braces, bakit di ko ipagmamalaki 'to?

"Sorry talaga kanina. Nag shift kasi ako, from architecture by the way."

Nginitian ko na lang ulit siya bilang sagot. Hindi naman kasi kami close at ayaw ko rin. Lalo lang ako pagdidiskitahan ng mga bully dito.

Isa. Isang araw ang lumipas at walang ibang nanggulo sa akin. Marahil may kasama akong gwapo, I mean cute. Ah basta! Si Jimin kasi laging nakabuntot sa akin. Yung iba niya daw kasing friends eh iba ang course but I bet that if he found out who I am, he'll be one of those bullies. But I'm at least glad that somehow, napagtitiisan niya ako.




AFTER ONE WEEK.

"Jess! Wait for me!"

Binilisan ko pa lalo ang lakad ko. Oo, hindi ako matangkad pero maikli din naman ang biyas ni Jimin. "HAHAHAHA" evil laugh ng utak ko.

"Bakit ka ba dikit ng dikit sa akin? Wala ka namang mapapala sa kasusunod mo sa akin eh. Isa pa, iba na yung tingin nila sayo dahil sa pagsama mo sa akin. Didn't you notice?"

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin, inaabangan ang mga salitang bibitawan ko. "Jimin, bullied ako sa school na 'to. Kaya please lang, stay away from me."

"Hindi, Jess. Ayoko."

"You're out of your mind!"

"You want me to stop?" He asked me with a serious look on his face. Guilt suddenly rushed into me. Bakit ako maawa sakanya? We're not friends.

"Jess, we have a presentation next month for Youth Dance Troupe. I need a partner."

"So kaya ka lang lumalapit sa akin kasi you need a partner?" Bakit ganon? Nasaktan ako sa salitang lumabas mismo sa sarili kong bibig. I felt used.

"What? No, Jess!" Nalukot ang mukha niya, kitang kita ang hindi pagsangayon sa sinabi ko.

"Eh ano?"

"Because I like you."

My heart skipped a beat. Lecheng Jimin 'to pinapakilig agad ako. Galawang fuckboi e.

"I like you, Jess, to be my partner."

"I can't. Parehong kaliwa ang paa ako, mapapahiya ka lang." Usad ko sabay yuko.

Nahihiya ako, sa 19 years ko sa mundong 'to, hanggang ngayon wala pa rin akong talent na nadidiscover. O baka talaga namang wala akong talent? Kaya nagtataka ako na nakapasok ako dito sa Big Hit U eh school of arts 'to.

"You can, Jess. I'll teach you how. Just dance your heart out. Dance it with me."

And with that, I found comfort in his words.

Hold Me TightWhere stories live. Discover now