8

179 6 1
                                    



Nakaupo kami ni Chim dito sa Starkooks. This time, kakaunti na lang ang tao dahil karamihan ay malamang nagdidinner na. Samantalang ako isang frappe pa lang ang laman ng tiyan. Wala din namang effect ang happy pill ko na coffee jelly frappe.


Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nag iinarte. Ano ba siya sa akin? At ano din ba ako sakanya?


"Jessie." Malambing na tawag sa akin ni Jimin.

Ibinaling ko ang atensyon ko sakanya at matama siyang tiningnan.

"I'm sorry."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit siya humihingi ng tawad sa akin?


"I'm sorry for not protecting you, Jessie. Alam ko na, kahit hindi mo sabihin. But I want you to know na hindi ako titigil. Hindi kita susukuan."


Tila ba mayroong sumabog sa kalooban ko. Huminto ang sarili kong mundo. Nakakagulat na kaya niyang magtiis, maghintay para sa akin.

Chim, what did I do to deserve you?

Nabasag ang katahimikan sa aming dalawa ni Jimin ng marinig ko pag tawag sakanyang pangalan.

"Hyung!" Sigaw ni Jungkook. Nabaling ang pansin ko sa babaeng nakasunod sakanya, ang babaeng tinitingnan ko kanina sa pilahan.

Yung chiks, international playboy nga 'to.

"Hey, jessie. Nandito ka din pala."


Tinanguan ko lang si Jungkook bilang pagbati. Medyo nahihiya din kasi ako sakanya, at sa babaeng maganda na kasama niya. Gusto kong lumubog sa kinauupuan dahil sa sobrang ganda ng kasama niya, gaya ng kausap ni V kanina.


Napailing ako ng maala ko ulit si V. Bakit ba hindi maalis sa isip ko ang lalaking yon?


"Hey there, pretty. I'm Megan Buenaventura, Meg will do. Kookie's gorgeous childhood friend." Inoffer niya ang kamay niya at malugod ko naman itong tinanggap. Hindi ko lang inaasahan na hihilain niya ako palapit sakanya it bineso beso pa.


Nakatulala ako sa gulat matapos niyang gawin yon. Ang sosyal naman nitong si Meg, tapos ang ganda ganda pa. Bineso niya pa ako eh ang oily ko na, wala pa naman akong baon na baby powder ngayon.

"Uhm are you Chimie's girlfriend?"

Lalong nanglaki ang mga mata ko sa tinanong niya. Ako, girlfriend ni Jimin? Hindi pa nga nagtatanong sakin e hehez

"Soon to be." Jimin answered ang smiled sweetly at me.

"Meg, I'll get you your usual. Wait for me, punta lang ako sa office." Pagsingit ni Jungkook at iniwan na kami.

"You want frappe?" Jimin asked. Sinabi ko na lang sakanya na nakaorder na ako dito kanina ng frappe at okay na ako sa isang slice blueberry cheesecake. Dali dali namang tumayo si Chim at iniwan kami ni Megan.

"Saang office sinasabi ni Jungkook?"

"Dito, Starkooks. His family owns the label." Nanglaki ulit ang mga mata ko.

Totoo ba? Ang Starkooks coffeeshop na nagkalat sa buong Pilipinas ay pagmamayari ng pamilya ni Jungkook?

"Don't be too shocked, Jess. Bangtan boys may look crazy but each member's family owns huge businesses not just here in PH. Even in Asia." Dagdag pa niya sabay ng matamis niyang ngiti.


Halos masamid ako sa sarili kong laway sa nalaman ko.  Hindi ko naman alam na may tinatago pala talagang yaman ang mga abnoy. Tinawanan lang ako ni Meg sa naging reaksyon ko.

Hold Me TightTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang