13

154 6 0
                                    



It's been a week since Namjoon told me things. I've been declining all their calls.
I'm not responding to their texts either.
Jimin's trying to message me on Messanger.
While Taehyung keeps on bombarding my iMessage.

Hindi ko na alam kung paano ang gagawing pag iwas sakanila.

Sinabi ko din kay papa na kailangan ko ng bodyguard sa school, kaya ng pumasok akong may nakabantay sa akin ay takang taka ang lahat.

Nabulgar sa lahat na anak ako ng isang politician. Pero wala lang iyon sa akin basta kailangan kong makaiwas sakanila.

*1 message received*
V

If you continue running, I'll be the one to run after you, my pabo.

Pinatay ko ang cellphone ko at tinago yon sa kasuluksulukan ng bag ko bago ako lumabas ng kotse.

"Hihintayin po ba namin kayo dito?" Tanong naman ng driver ni papa.

"Wag na, mauna na po kayo. Magtetext po ako pagkatapos ng klase ko."

Tinalikuran ko na sila, hindi ko naman na din kailangan ng bodyguard. Masyado namang OA kung isang buwan pa ang papatagalin ko.

"Look who's here." Mataray na sabi niya sa akin.

"Wag ngayon, please."

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa cafeteria. Naupo kami sa pinakasulok ng lugar kung saan kakaunti lang ang mga tao.

"It's been a week, Jessie! How long do you think you can take this? You've been ignoring my calls too."

Kita ko ang lungkot sa kanyang mukha, more like pagtatampo.

"I'm sorry." Yun lang ang nasabi ko sakanya.

"I bet it was Namjoon who told you things."

Napatingin ako sakanya, gusto ko sanang ipagtanggol si Namjoon pero kita ko ang inis sa kanyang mukha.

"That guy ruins everything. Wala na siyang ginawang tama."

Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya pero nagulat ako ng tumingin siya sa akin. May mga luhang nagbabadyang tumulo sa kanyang mata.

"Megan."

"I hate that guy. I hate Namjoon. And I hate you for not being there when I needed a sister to talk to." She said as her tears run on her cheek.

"What happened, Meg? Nandito ako. Sorry kung umiwas man ako, and also for neglecting you."

Patuloy lang siya sa pag iyak, pinipigilan ang paghagulgol kaya niyakap ko na siya.

"I can't tell you now. But please, wag ka ng umiwas sa Bangtan, pati na rin saakin, ha?" Pakiusap niya.

Wala naman akong nagawa kaya tumango na lang ako habang patuloy na hinahagod ang kanyang likod.

Humiwalay na siya sa akin at nginitian ako ng isang matamis na ngiti.

"Let's go." Hila niya sa akin kaya wala naman na akong nagawa.







********************
Paikot ikot ako dito sa garden nila Meg. Dito niya ako dinala matapos naming mag usap. In short, nag cutting classes kami. Siya na daw bahala kumuha ng excuse slip ko.

"You wanna see my room?" Aya sa akin ni Meg matapos niya makapagpalit ng damit.

Ngumiti lang ako sakanya bilang sagot kaya naman iginiya niya ako paakyat.

Sobrang garbo ng hagdanan sa bahay nila. Makintab, puting puti ang sahig. Puno ng babasagin ang bawat gilid ng bahay.

"We're here." Sabi niya at binuksan ang pintuan. Napatanga naman ako ng makita ang kwarto niya. Walang wala sa kwarto ko sa bahay namin.

"You're welcome." Pumasok naman ako at inilibot ang paningin ko.

Carpeted ang buong floor. Malaki din ang canopy bed niya. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko siyang pumasok sa isang kwarto.

There I saw her walk in closet. Puro sapatos na mamahalin ang makikita. Sa gitna ay nakadisplay ang koleksyon na mga relo.

"This looks cute, right?" Sabi niya sabay pakita ng isang baby-G na may puting strap.

Nginitian ko naman siya bilang sagot. Masaya siyang nakatingin sa relo pero unti unting nawala ang ngiti niya at napalitan ito ng buntong hininga.

"This one came from a very special friend when I was in Seoul." Panimula niya at ibinalik ang relo sa lalagyanan.

"I met him when I was 13. We became friends. Almost lovers. Then he left without a word." Ngumiti ng mapait sa akin si Megan.

"Hi. Hello. Goodbye lang. At a young age, I experienced losing a loved one. Pero hindi ako tumigil para mahanap siya." Lumabas siya ng walk in closet niya at umupo sa kama.

"I transferred from Seoul to Philippines kasi sabi ni Dad nandito raw siya pero wala akong naabutan sa school na yon. I've searched other prestigious schools here, pero nandito lang pala siya sa Big Hit U."

Kinuha niya ang isang picture frame sa tabi ng bed side table. Nilapitan ko naman siya at bahagya akong nagulat ng makita ang litrato.

It was Megan. With Jungkook and Namjoon. Bakas pa sa mukha nila sa litrato ang kabataan, nakikinita kong nasa edad 12 to 15 lang sila dito.

Tumingin si Megan sa akin at nginitian ako.

"It was hi-."

*tok tok tok*

Sabay kaming napatingin ni Megan sa pintuan. Nagmadali naman siyang lumapit at pinagbuksan ang sinumang kumatok.

"Kooki-." Hindi na natapos ni Meg ang sasabihin dahil bigla siyang niyakap ni Jungkook. Kitang kita ko ang pagpikit ng mata ni Jungkook habang hinahaplos ang likuran ni Megan.

"I won't loose you, Megan. Not this time." Sabi ni Kookie habang hinihingal marahil sa pagod.

"Ehem." A fake cough interrupted Meg and Jungkook's moment.

It was Taehyung.

Napatingin naman si Megan kay Taehyung at nginitian ito. Nakita ko naman na papalapit ng papalapit sa akin si Taehyung kaya tumingin ako kay Meg na tila humihingi ng tulong pero kinindatan niya lang ako at lumabas sa kwarto niya kasama si Jungkook.

"I told you I'll run after you." He said at tuluyan na niya akong niyakap.

Pilit akong kumakalas sa yakap niya pero malakas siya.

"Take a risk on me, Jessie. And I'll make you the happiest."

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon