6

171 7 1
                                    


"I like you"

Natulala ako sa sinabi niya. Walang bahid ng pagbibiro ang mukha niya. Si Chim? Park Jimin ng BTS, top of our modern dance class, gusto ako?

"Hahahaha Jimin, next time na lang wala akong pera ngayon. Hahahaha"

"Seryoso ako, Jessie. I want to protect you, kung pwede nga lang na oras oras kasama kita gagawin ko. If I can put you inside my pocket so you won't get out of my sight gagawin ko."

"Park Chim Chim."

"I just want you to know how I feel, hindi kita pinepressure. We're still friends, right?" He said happily to me as if he didn't confessed.

I smiled as an answer. Being the gentleman as always, inalalayan ako ni Chim na makapasok sa ngayo'y maayos na niyang sasakyan.

He was so ready to start the car engine when someone knocked on the window. Napailing si Chim at binaba ang bintana.

"What is it this time, Tae?"

Imbes na sumagot ay inabot ni V ang isang maliit na papel na hanggang ngayon ay hawak hawak niya.

"Take it, my arm's starting to hurt." Walang gana niyang sagot.

Binuksan ko ang inabot niyang papel sa akin kasabay ang marahang pag igting ng panga ko sa inis. Pagbalik ng tingin ko kay V ay nakita ko itong nalalakad na palayo at papunta sa gawi ng elevator.

"Don't be stupid." -Taehyung

Nilukot ko ang papel at iniyukom ito sa palad ko. Wala talagang magawang maganda ang V na yon!

"You okay?"

Pinikit ko na lang ang mga mata ko at tumango bilang sagot kay Chim. "Uhm yung gamit ko pala." Paalala ko habang nananatiling nakapikit at nakasandal ang ulo sa headrest.

"Nasa likod, everything's fine. Just take a rest now." Napanatag ang loob ko sa sinabi ni Jimin kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong magpatangay sa antok na nararamdaman ko. Baka bukas, o sa mga susunod na araw maging okay din lahat.

Pagkarating namin sa dorm ay nagmamadali kong inayos ang aking sarili mula sa mahimbing na pagkakatulog. Akmang bubuksan ko ang pintuan ng sasakyan ni Chim ng pigilan niya ako at ipaharap sakanya.

Tila slow motion ang lahat, hinila niya ako palapit sa katawan niya at niyakap.

Hindi ako makahinga sa kaba. Ang bilis ng tambol ng puso ko, parang may mga kabayong nag uunahan sa pagtakbo.

"Please take care" Bulong niya sa tenga ko na nakapagpatayo ng balahibo ko sa batok.

Tangina Jimin. Mura ko sa aking isipan.

Kumalas siya sa yakap at bago pa man ako makalayo ay naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.
"Goodnight, Jessie Villamayor. Sleep well, baby." He said and get off his car. Pinagbuksan niya ako ng pintuan habang ako ay hindi pa rin maabsorb ang kahibangang ginawa sa akin ni Jimin.

"Baba na, baka hindi na kita pauwiin sige ka." Jimin said with a hint of playfullness in his voice.

Baliw talaga. Sabi ko sa isip isip ko.

May ngiti at pailing iling akong umakyat sa floor ng unit ko. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng dorm ko dahil sa sobrang antok. Nagprisinta pa si Chim na iaakyat ako rito pero may hiya pa naman akong tinatago sa katawan ko.

Ibinagsak ko ang bag ko sa sofa at tuluyang nahiga sa kama. Naalala ko bigla na hindi pa pala ako naghahapunan pero masyado akong pagod sa mga kaganapan ngayong araw na 'to.

Nagtungo ako sa banyo para gawin ang mga ritwal ko bago matulog, habang sinusuklay ang buhok ko ay narinig kong tumunog ang aking cellphone.

Hinanap ko sa bag ko ang cellphone at tiningnan ang bagong dating na notification.

*1 message received*
0927xxxxxxx

Yah!

Napakunot ang noo ko sa mensahe. Sino ba 'to? Kung maka Yah akala mo kung sino.

Sa inis ay inihagis ko sa kama ang cellphone at naupo sa tapat ng salamin para ipagpatuloy ang pag aayos ng aking buhok.

Napatitig ako sa salamin. Inaalala ang mga nangyari sa maghapon.

Bakit, Chim? Bakit ginusto mo ako?

Sa totoo lang, masaya naman ako sa naging pag amin niya sa akin. Ngayon ko lang naramdaman na may tao din palang magkakagusto sa akin sa kabila ng itsura ko. Babaeng nerd. Yan ang sabi nila sa akin dahil sa salamin kong halos kasing laki na ng mukha ko, braces na hanggang ngayon ay nakakabit pa rin sa ngipin ko mula highschool at buhok na hindi ko malugay lugay dahil sa kapal. Hindi ko naman ginayuma si Jimin pero ano kayang nakain nya?

Nagising ang diwa ko sa biglang pagtunog muli ng cellphone ko.

Nakanang! Sino ba 'to? Natapos tuloy agad yung kilig ko.

Binuksan ko ang inbox at muling nakita ang unknown number na nagtext din kanina.

*1 message received*
0927xxxxxxx

Sleep tight, my pabo.

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon