5.1

157 7 0
                                    


"Chim.." Alanganing sagot ko sakanya.

"Jess, hindi ko na kayang itago pa 'to."

Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Bakit bigla akong kinabahan. Gulong gulo na din ang utak ko.

"Jimin."

"Jess..."












"Najejebs ata ako." Pag amin sa akin ni Chim habang hinihimas ang kanyang tyan.

Napahalakhak naman ako sa sinabi niyang iyon. Akala ko mauuwi ang usapan namin sa heart to heart talk pero pati ata ako majejebs na sa kakatawa dahil sa sinabi ni Chim.

"Hahahahahahah Chim hahahahaha bakit hahaha di mo sinabi agad? Hahahah"

"Jess, una na ko. Kita na lang tayo sa baba." Sabi niya at dali daling tumakbo papunta sa gawi ng Men's CR.

Napailing na lang akong tumatawa. Katakawan kasi niya eh, kundi sa cheeks ang punta ng pagkain, jinijebs niya.

Lima. Limang minuto pa ang hihintayin ko dahil napasarap si Chim sa pag upo sa trono. Kaya naman naisipan kong pumunta sa CR para makapag ayos bago kami pumunta sa practice building. Dali dali kong tinakbo ang daan papunta sa Women's CR at dali dali din akong natumba at lumagapak sa sahig. Blag. Plakda, una ang mukha.

Bullies.

Sabi ng isipan ko. Hindi pa ako nakakatayo at isang bote ng orange juice ang ibinuhos pa sa ulunan ko.

Basa ang uniform ko, nanghihina na rin ako. Dumadami ang mga estudyante sa paligid. Gustuhin ko mang tumayo ay di ko kaya. Pati salamin ko nagkaroon ng lamat, maswerte na lang ako at di 'to nabasag.

"That's what you deserve, nerd."

"First, Jimin. Ngayon may balak ka pang isunod ang buong BTS."

"Dont you dare snatch Taehyung away from us!"

Sunod sunod na birada ng mga echoserang estudyante sa akin. Kundi lang dahil sa juice na tinapon sa akin at sa may lamat kong salamin, masasapak ko na sila. Ito na yata ang worst bullying act sa akin ng mga estudyante dito. Hindi ko alam kung bakit ako pa rin ang paulit ulit na pinagdidiskitahan nila.

"No, bitch. Don't you dare talk to this Pabo like that. I'm not yours."

Napabangon ako ng marinig ko ang boses na iyon.

Iginiya niya ako patayo at walang habas na hinila palayo sa mga tao. I'm too weak to protest, and too shy to utter a word.

Namalayan ko na lang na papunta kaming parking lot kaya hinila ko ang braso ko palayo sakanya. Napatingin naman siya sa akin dahil sa ginawa ko.

Nakakunot ang noo at matalim ang tingin sa akin ng mga mata niya. Tila ba naiinis sa ginawa ko.

"What now?" Pagalit na tanong niya sa akin.

"Sorry, Taehyu-"

"V. It's V, don't call me Taehyung. We're not close."

Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, si Chim naman talaga ang pinakamalapit sakin. Hindi si V, o sinuman sa BTS.

"Thank you for saving me."

"I didn't save you. I just saw them bullying a weakling like you."

Oo o hindi man, gumaan pa rin ang loob ko sa ginawa ni V. Iwas pahiya na rin masyado sa mga tao.

"V, sal-"



"What the hell, Jessie?"

Hold Me TightWhere stories live. Discover now