9

166 6 3
                                    



Bakit ba ako nagpapaapekto ng ganito kay V? Oo kaibigan siya ni Jimin, nila Meg at Jungkook, ng Bangtan. Pero ano ba siya saakin?

Napatingin ako sa orasan. Halos limang oras na ang nakalipas pero yung ginawa ni V kanina paulit ulit pa rin sa isipan ko.

Sa limang oras na kakaisip ko kay V ay limang oras lang din ang naitulog ko dahil sa ingay ng cellphone ko. Kinusot kusot ko ang mga mata kong nakapikit at nag inat ng katawan, sinagot ang caller ng cellphone kong maingay.

"Wake up, pabo."

Napamulat bigla ang mga mata ko at tiningnan ang caller.

Itong unknown number na 'to ay si V? As in Kim Taehyung???

"I'll fetch you in 30 minutes. No questions asked." He said and ended the call.

Napamura ako sa isiping 30 minutes lang ang binigay niya saaking sandali para makapag ayos. Ako naman si tanga sumunod agad sa sinabi ni V ng hindi alam ang dahilan.

Naglalagay na ako ng contact lens ng marinig ko ang mini doorbell ng dorm room ko. Nagtataka din ako kung bakit basta basta siyang pinapasok ng guard at nakarating pa sa floor na tinutuluyan ko.

*Ding dong ding* sabi ng doorbell, binuksan ko ang pintuan ko at nakita si V na nakatayo sa labas, suot ang isang Gucci na long sleeved polo, eyeglasses, black slacks at black shoes.

"Uhm ano hi, hintayin mo ako dito magsasapatos lang ako." Bilin ko sakanya at akmang isasara na ang pintuan ng pigilan niya iyon at nagtuloy tuloy sa loob.

Naupo siya sa kama ko at palinga linga. Ang dalawang kamay ay magkasakop at ang siko ay nakapako sa kanyang binti.

Dahil hihintayin naman ako ni V ay naisipan kong ayusin pa ang aking buhok. Tinitirintas ko ito at naglagay naman ako ng kaunting lip tint

"Stop making yourself prettier and let's go." Sabi niya at dali daling lumabas ng kwarto.

Nagmadali naman akong naglagay ng pabango at isuot ang aking sandals. Napagpasyahan kong isuot ito dahil semi formal ang outfit niya ngayon.

Pagdating namin sa parking lot ay pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayan papasok. Nagtataka pa ako nung una dahil ang gentleman niya ngayon. Gusto ko sanang sipatin ang kanyang noo dahil baka kako may sakit lang pero hindi ko na ito itinuloy dahil baka mainis siya.

Matapos ang halos kalahating oras na byahe ay nakarating kami sa tapat ng simbahan.

May ikakasal ba?

"It's Sunday, what do you expect?" Balik pagtataray niya at lumabas na ng sasakyan.

Minsan talaga nagtataka ako kung bakit alam niya ang takbo ng isip ko.

Hinabol ko naman siya para makasabay sakanya sa pagpasok. Marami rami ang tao sa simbahan kaya sa may bandang dulo na kami nakaupo.

Sa totoo lang ay naiilang ako dahil katabi ko si V ngayon. Magkadikit ang mga braso namin at rinig na rinig ko ang paghinga niya.

Lalong naging awkward ng magsimula na ang tugtog ng Ama Namin. Dali dali niyang hinawakan ang kanang kamay ko habang kumakanta ng nakapikit.

Sa buong Ama Namin ay nakatingin lang ako sakanya. I like seeing this kind of V, hopeful, gentleman and God fearing.

Matapos ang misa ay dumiretso kami sa beach front restaurant. Akala ko ay magddate kami kung hindi ko lang nakita ang BTS at si Meg.

"Hey there, CEO's son." Bati ni Namjoon

"Pretty!" Tawag naman ni Megan sa akin.

Nginitian ko silang lahat. Si Jungkook ay binati si V ng kanilang kakaibang friendship handshake. Si Jin ay walang pakialam dahil namimili sa menu. Si Suga ay poker faced lang na nakatingin sa amin at si Hobi naman ay masayang niyakap yakap si V. Naupo ako sa tabi ni Jimin at si V naman ay sa bakanteng upuan na katabi ko naman.

"Wait, hyung. Baby, your usual?" Pigil ni Jimin kay Jin at ibinaling ang atensyon sa akin para tanungin.

"BABY?!" Sabay sabay na reaksyon nila maliban kay V.

"Ano ba, she's my future baby girl naman." Jimin told everyone and smiled at me.

Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko dahil sa hiya. Walanjo ka Jimin!!!

Nagulat na lang kami ng biglang tumayo si V sa kanyang kinauupuan habang hawak ang kanyang cellphone na nakatapat sa kanyang tainga.

"Stay where you are. I'm coming to get you." He said and stormed off.

Nagkatinginan ang buong Bangtan pati si Meg. Mukhang ako lang ako clueless sa aming lahat.

"Don't mind, Tae Tae. Let's order na." Megan said and rolled her eyes.

Tinawag naman ni Hobi ang waiter at sinabi ang aming order. Makalipas ang sampung minuto ay dumating na ang mga pagkain.

"Try this seafood paella." Namjoon said and brought the plate of food in front of Meg.

"No, hyung! Allergic si Meg dyan." He said. "Try this Sweet and sour pork instead." Dagdag pa niya.

Bakas naman ang inis ni Megan sa kanyang magandang mukha kaya ng mahuli niya akong nakatingin sakanila ay ngitian niya na lang ako ng mapait.

Dalawang oras bago matapos ang lunch namin ay biglang nagsalita si Jin.

"I'm sure it's the same old reason why V left."

"You know that guy still hasn't forget what happened, hyung. Alam mong ubos na ubos siya that time." Sabi naman ni Suga kay Jin.

Nanatiling tahimik sila Hobi, Namjoon at RM habang inuubos ang ice cream nila. Ng matapos sila ay binayaran na ito ni Jin at dumiretso na kaming lahat sa parking lot.

"I'm worried about Taehyung hyung. Sino magddrive para sakanya?"

"Lasing nanaman si Tae Tae mamaya." Pailing iling na sabi ni Hobi.

Nablangko ako sa narinig. Ano ba ang problema ni Taehyung at nagkakaganito siya?

Inalalayan naman ako ni Jimin na makapasok sa kotse niya.

"What's wrong, baby?" Jimin asked. "Kanina ka pa balisa."

Nginitian ko siya ng mapait at umiling. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa headrest at ipinikit ang mga mata ko.

Nasa kalagitnaan kami ng mabigat na traffic ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.



*1 message received from V*

I need you.

Hold Me TightWhere stories live. Discover now