4.1

179 8 0
                                    


Far away...

So far away...🎶


Nagising ako sa ingay ng ringtone ko. Sa totoo lang nakakaantok nga 'tong ringtone ko kaya ewan ko kung bakit ako nagising. Ginagago ko lang yung sarili ko e.

Sinagot ko ang phone ko na hindi tinitingnan ang caller nito.

"Jess Villamayor, alam mo bang late ka na?"

"Uhmmm Chim?"

"Wag mo kong ma-Chim Chim ngayon, Jessie. Dalian mong pumasok. 10: 14 na kaya."

Napabangon ako agad mula sa pagkakahiga ng sabihin ni Jimin ang oras. Lechugas ni Suga, bakit di man lang ako ginising ng alarm clock ko?

Dali dali dali akong pumasok ng banyo at viola! Tapos na ako, wag na nating pahabain pa 'to dahil alam niyo naman ang ginagawa ng mga babaeng karakter dito sa wattpad kapag late na sila.

Halos ipaharurot na ng driver ng Grab Taxi ang sasakyan para lang mahabol ko ang next class namin. Nagmamadali na rin ako sa pagtakbo at kung minamalas ka nga naman, natapon pa ang laman ng Gucci bag ko na bigay sa akin ni papa nung 19th birthday ko. Share ko lang para mainggit kayo hehez

"Sorry, sorry, nagmamadali ako."

Isa isa kong pinupulot ang nagkalat na gamit ko ng makita ko na isang black shoes ang tumapak sa notebook ko sa Music subject namin.

Dahan dahan kong inangat ang paningin ko mula sa sapatos na nakaapak sa notebook ko hanggang sa mukha ng walang awa na lumapastangan nito.

That smirk. My mind said as I saw his devilish smirk. No other than V, siya lang naman ang mahilig mag smirk sa storyang 'to.

"Stupid as always, huh?" Sabi niya habang pinapagpag ang sapatos niya at naglakad na palayo.

Nagbulung-bulungan naman ang mga chismosang estudyante dito sa university lobby, ang iba nakita kong nakalabas ang mga phone. Sikat nanaman ako nito panigurado.

Nawalan ako ng ganang pumasok dahil sa nangyari, sigurado akong mas nauna pang nakarating ang balita sa classroom kesa sa pagdating ko doon.

Habang naglalakad ako sa hallway ay napansin ko si Chim na palinga linga at tila may hinihintay kaya sinigaw ko ang pangalan niya.

"Jiminie!" Sapat na para marinig niya at hindi mag eskandalo dito.

Hinila na niya ako papasok sa room namin. Naabutan ko naman ang sumunod na klase. Script writing ang subject ngayon at kasalukuyang nanonood lang kami ng documentary. Lumilipad lang ang isipan ko dahil sa nangyari, bumigat din ang pakiramdam ko. Akala ko simula ng makilala ko ang BTS ay magiging okay na lahat, hindi pa rin pala dahil sa isang miyembro nila.

Natapos ang klase pero ang bigat ng loob ko tuloy tuloy pa rin. Hindi ko alam kung saan ako affected, sa pasimpleng pambubully sa akin ng iba o sa ginawa sa akin ni V.

Iginiya ako ni Chim sa cafeteria at naghanap ng mauupuan. Kung minamalas ka nga naman, hinila ako ni Chim palapit sa pwesto nila V kaya hinawakan ko ang braso niya. Chansing na rin, sabi ng maharot kong isipan.

"Chim, please, wag dito."

"Ha, bakit? Wala ng pwesto e."

"Please?" Sabi ko while trying to be cute. Syempre di ko naman alam kung cute ba talaga ako o ano.

"Jiminie!" Tawag ni Hope kay Chim. Napatingin naman ang karamihan sa amin kaya tuluyan na lang akong hinila ni Chim palapit sa mesa ng BTS.

Dahil nadaanan ako kaninang umaga ng itim na pusa, which isa ngayon ko lang sinabi para sumakto sa istoryang 'to, sa tapat ako ni V naupo.

Sobrang awkward, hindi ako makapagsalita. Pati paghinga ko pigil na pigil.

Tumayo si Chim para pumila sa may cashier at maka order na ng pagkain. Ito yung gusto ko sakanya eh, alam niya ang "the usual" ko. Sinundan ko ng tingin si Chim sa pila habang ang BTS ay masayang naguusap usap.

Di sinasadya ay napatingin ako kay V. He's looking at me intently, para bang may gustong sabihin sa akin.

Syempre strong ako, nakipagtitigan lang din ako sakanya. Di ko naman mapigilan ang sarili kong humanga sa taglay niyang itsura. Mukha pala siyang CGV.

"I'm so-"

"Here's your food!"

Bigla akong napatingin sa bagong dating na si Chim na may dala-dalang dalawang tray.

Gusto ko sanang tanungin si V about sa sinabi niya pero naunahan ako ng hiya. Isa pa, baka sungitan niya lang ulit ako.

"Jess, say ahh." Cute na sabi ni Chim sa akin while his mouth hangs open.

Ngumanga na lang ako at kinain ang pagkain na isusubo niya sa akin. Wala ng malisya sa akin ang ganito, sa tatlong buwan ba naman na araw araw kaming magkasama, pati utot niya naging natural na hangin na rin para sakin.

*Blag* Nagulat ang BTS dahil sa biglaang pagbagsak ni V ng chopsticks niya sa lamesa.

"Don't flirt in front of food, and in front of Bangtan, kung may natitira ka pang hiya para sa sarili mo." He said and walked out.

I was about to stop him when Chim held my wrist and stop me instead. Umiling lang siya, a gesture telling me to leave V alone.

"What's with hyung?" Tanong ni JK. Nagkibit balikat naman si Jin. Si Suga at RM naman ay nanatiling tahimik.

"Binata na yata si Tae tae." Saad naman ni Hope.

Tahimik na lang kaming kumain para agad matapos dahil ang ibang member ng BTS ay malayo pa ang building mula sa cafeteria.

Walang imik si Chim habang naglalakad pabalik sa room namin, naninibago din ako na dito kami sa may emergency stairs dumaan imbes na mag elevator na lang.

"Jess, siya na ba?"

Nagulat naman ako sa tanong niya sa akin. Alam ko kung ano ang ibig sabihin niya.

"Okay lang kung hindi mo sagutin. I have no choice but to understand. I'm your friend, right, Jessie?" He said and continued walking.


My heart suddenly felt a pang. Why would Jimin's words have this effect on me? Why would my heart hurt because of him?

Hold Me TightWhere stories live. Discover now