4.2

164 8 0
                                    


Lumipas ang hapon pero si Jimin madalang lang akong pansinin.

Nakakabother, sa totoo lang.

"Uy Chim.

"Hmm?" Tanging hmm lang ang itinugon niya sa akin. Patuloy pa rin siya sa pangongopya ng notes  sa board.

"Galit ka ba sakin? Sorry na, Chim. Huuuy." Nagsusumamo kong sabi. Tumuwid na rin ako ng upo at nagpacute sakanya.

In an instant, humarap siya sa akin.

Dapat lang! Inipon ko ang kapal ng mukha ko para gawin 'to noh.

Napansin ko naman ang tingin sa akin ni Chim, malamig kagaya ng kay V. Seryoso.

"Bakit hindi na lang ako?"

Naguhuluhan ako sakanya ngayon. Kunot noo ko siyang tinanong ng "Ano bang sinasa-"

Pero sakto namang bumalik ang prof namin kaya napatahimik ako. Ayoko namang mahuli kami at sabihing nagdadaldalan lang.

Naguguluhan na ako sa inaasal ni Chim, never naman siya naging cold sa akin. Ngayon lang. Kaya hindi ko tuloy alam ang gagawing pangaalo sakanya.

Natapos ang huling klase namin nang walang imikan sa pagitan naming dalawa. Paano kaya kami mamaya? May practice pa naman kami. Yung sinasabi ni Chim na presentation sa Youth Dance Troupe hindi na natuloy tuloy, sa end of the sem na lang daw. Jusko, drawing.

Nagmamadaling nagligpit ng gamit si Chim kaya binilisan ko na lang din ang pagpasok ng mga gamit ko sa bag. Nang makita ko na siyang tumayo ay tumayo na rin ako, hinabol ko ang mabilis niyang paglakad.

Sa ikli ng legs ni Jimin, nakakagulat lang na ang bilis niya makalayo sa akin.

"Chim, hey!" Tawag pansin ko sakanya, pero ni isang lingon ay di niya nagawa. Ni huminto nga rin hindi eh.

"Jiminie, hoy cutie." Tuloy pa din ako sa pag tawag sakanya. Hindi man siya huminto, bumagal naman ang paglakad niya.

"Park Jimin, please talk to me." Halos magsumamo kong tawag sakanya. Wala na akong pakialam kung pagtinginan man kami ng ibang estudyante, labas na sila sa landi life ko.

Este sa friend life (whaaat?) ko.

This time, huminto na siya sa paglalakad. Sinamantala ko iyon at tinakbo ang natitirang espasyo sa pagitan naming dalawa. Tinitigan ko siya, inaalam kung nandun pa rin yung lamig sa bawat tingin niya pero wala na. Isang cute na Mochi ulit ang nakatingin sa akin altho may bahid ng pagkaseryoso.

"Jimin, bakit ka ba ganyan?"

"Ikaw, Jessie, bakit ka din ganyan?"

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "Bakit ako? Wala naman akong ginagawa ha?"



"Bakit ba hindi mo maramdaman? Jess, ako na lang, please?"

Hold Me TightWhere stories live. Discover now