3

215 6 3
                                    


"Do you know that it's rude to invade someone's privacy?"

"V, let me explain for Jess."

"Shut your mouth, Jimin. I'm talking to this nerd."

This good looking guy is rude, he smirks like a devil, and looks at me like a prey.

"Chill your ass, V! She's my friend. If you have any issues about it, talk to me tomorrow instead. Alis na kami." Sunod sunod na sabi ni Chim.

Kita ko na rin ang pagdilim ng kanyang mukha. Minsan ko lang makita ang expression niya na ganito, kapag gutom siya at nasisingitan sa pila sa cafeteria.

V, so that's his name. Beautiful. I remember his eyes. Full of anger with a bit of softness. He has this thin pinkish lips and pointed nose. He is actually beyond beautiful.

"Hey, Jess! Kanina pa ko nagsasalita dito." Nakabusangot at nakapout na saad ni Chim.

Kinurot ko ang pisngi niya bilang tugon. Ang cute cute talaga ng mochi na 'to.

Inalis niya ang kamay ko sa magkabila niyang pisngi at tiningnan ako ng mapang asar.

"Crush mo si V noh?"

"Ha ahh gago ka ba?"

"Crush mo siya, minura mo pa ako oh. Hahahaha"

"Hindi kaya."

"Wag mo nang ideny, Jess."

Natapos ang practice namin at hindi pa rin ako tinatantanan ni Jimin sa pang aasar sa akin sa kaibigan niya.

Pati sa pagkain ng Mochi, sa paglalakad namin pauwi ng dorm ko, hindi ko makalimutan ang lalaking iyon.

Kinabukasan, bangag akong pumasok sa university. Nalimutan ko tuloy kunin yung baon kong pera. Dumiretso na lang ako sa ATM booth ng school para magwithdraw, 50 pesos lang naman ang nasa wallet ko at hindi naman kasya 'to sa isang araw. Yung cafeteria namin ginto kasi ang binibenta!

Pinasok ko ang card ko pero ayaw pa rin tanggapin ng machine. Pinagtitinginan na rin ako ng ibang estudyante.

"Langya naman oh!" Sabi ko sabay sipa sa ATM machine.

"Kawawa naman yung machine sayo."

Isang cute na nakangiting mochi ang nakita ko.

"Wala na kong pera, itong atm card ko ayaw tanggapin."

Hinawakan ni Jimin ang pulsuhan ko, at kinilig ako ng kaunti dahil doon. Hindi na nga ako nakatulog dahil sa kakaisip sa kaibigan niya, pati ba naman siya papakiligin ako?

"Paano tatanggapin itong card mo? Credit card 'to, Jess." Umiiling na sabi ni Chim sa akin.

Napanganga na lang ako ng mapagtanto ko na credit card nga ang nasa kamay ko. Dali dali akong tumalikod kay Chim para magwithdraw na ng pera. Napahiya ako ng bongga doon!

Iginiya ako ni Jimin papuntang cafeteria at pinaupo ako sa stool sa pinakagilid ng lugar. Napaisip naman ako sa katangahang ginawa ko kanina ng biglang may isang cup ng coffee jelly frappe ang bumungad sa paningin ko.

"Coffee jelly. Your favourite."

Nagliwanag ang mukha ko sa ginawa ni Chim. Sobrang ginanahan ako dahil dito. Kaya kong mabuhay ng Coffee jelly frappe lang ang pagkain pero syempre joke lang, baka magkatotoo. Hehez

Lumabas na kami ni Chim sa cafeteria at naglakad. Sabi niya samahan ko daw siya at pupunta kami sa practice building ng university, buti na lang mamaya pang 10 ang klase namin.

"Jess, yung totoo, bakit bangag ka kanina?"

"Si ghhhv-"

"Ano?"

Nak ng teteng! Muntik ko na masabi pangalan ng kaibigan niya.

"Wala wala, naiyak kasi ako sa Hwarang kagabi. Namatay kasi si Hansung."

Napairap na lang si Chim sa sinabi ko. I bet he didn't know who Hansung is. Hahaha

"Alam mo wala namang masama kung aaminin mong ako ang dahilan ng pagka bangag mo." Sabi niya while wiggling his eyebrows.

Parang buong hangin ng Pilipinas ay napunta sa paligid ni Jimin ng oras na 'to. Di ko kinaya mga b3h.

"KIM TAEHYUNG!!!" tilian ng mga babae sa building.

Lahat nagmamadaling umakyat, tumatakbo, yung iba halos mangudngod na.

Pagtingin ko sa tabi ko wala na si Jimin, dali dali akong umakyat at nakipagsiksikan sa mga estudyanteng nagmamadali hanggang mapadpad ako sa pinagkakaguluhan nila.

Nakakumpol ang mga estudyante kaya nakisingit ako. Kakasingit ko ay naitulak ako ng naitulak hanggang sa makarating ako sa tapat ng gitna ng isang classroom. Kitang kita ko ang mga nangyayari.

Sumasayaw siya, si V. Malamig ang tingin sa lahat, tila walang pakialam sa mga taong pinagkakaguluhan siya. Nanlamig ako ng magtama ang mga tingin namin.

"Okay, cut!" Sigaw ng lalaking matangkad na may makapal na labi at unti unting humangos ang mga tao at nagsilabasan na ng room.

"Jess!" I heard Chim's voice pero yung tingin ko na kay V pa rin.

"So that's your friend, Jimin? Hey there, beautiful. I'm Kim Namjoon." Sabi ng lalaking tinukoy ko kanina at unti unting naglakad palapit samin pero napatid niya ang nakasaksak na light stand sa gilid.

"Suga. I got swag." Sabi naman ng lalaking mukhang lumaklak ng 1 year supply ng gluta.

"I'm your Hope, J-hope." Sabi ng lalaking cute ngunit kinindatan lang ako. Hele enebe.

"I'm worldwide handsome. I'm Jin." Singit ng lalaking may malapad na balikat at biglang nag blow pa ng kiss. Napatawa ako ng bahagya dahil doon.

"International playboy, Jungkook." Sabi ng cute na lalaki na fitted ang jeans. Pwede pala mag leggings mga lalaki dito sa school? Bakat na bakat muscles ng legs niya. Yummy! hehez

"Mga baliw. Uhm Jess sila ang mga kaibigan ko, kasama si Taehyung. V. Kami ang-"

"BTS." Sabay sabay na pakilala nila sa akin maliban kay Tae- V. So Taehyung talaga pangalan niya?

Pero saglit lang, BTS? Sa apat na taon ko sa univ na 'to, ngayon ko lang narinig ang pangalan na yon.

Napatulala lang ako sakanila. Kaibigan ni Chim ang mga 'to? Bakit lahat sila gwapo? Feeling ko tuloy nagform ng heart shape yung mga mata ko.

Nabalik lang ako sa ulirat ng marinig ko ang isang malalim at malamig na boses.


"Wipe your drool, pabo."

Sabi niya at nagdirediretso na palabas ng room.

Hold Me TightWhere stories live. Discover now