5.2

166 5 1
                                    


"What the hell, Jessie?"

Jimin suddenly appears out of nowhere.

He scanned my look, checking if I'm okay.

"Bakit may juice? Did they bully you again?" He asked me with a hint of seriousness and anger in his voice.

"Hindi ah, nadulas lang ako kasi may spilled juice." Pagsisinungaling ko.

Ayaw ko namang lalong mag-alala sa akin si Chim. Isa pa, nakakatakot na rin ang sobrang pag-aalala niya para sa akin.

Akma namang yayakapin ako ni Chim ng bigla akong hilain ni V.

"Can't you see? She's dripping wet, why don't you make her change her clothes first instead of hugging her?"

"I'm just worried, Tae. You know she's a friend."

Napa smirk naman si V sa sinabi ni Chim. "If you're worried, you should've followed her and never leave her out of your sight. Do your role as her friend, Jimin." He said then walked away.

Nakita ko kung paano iyukom ni Chim ang mga kamao niya. Nagpipigil lang siya ng galit, siguro dahil kaibigan niya din naman si V.

I held his hand to make him relaxed. I heard his deep breath as he looked at me. I smiled at him, telling him that I am okay. Hindi na ako nag abala pang ayusin ang sarili ko, magpapauwi na lang ako agad sa dorm ko dahil nanlalagkit na talaga ako.

Pero siguro nung nagsabog ng kamalasan sa mundong 'to, gising na gising ako. May mga dala pang pangsahod.

Pano ba naman sumaktong sira ang sasakyan ni Chim. Nag over heat.

Nagpahatid na lang ako sakanya sa waiting shed para maghintay ng taxi. Kahit na nag iinsist siya na ihatid ako sa dorm ay hindi ako pumayag, mag practice na lang kako siya.

Halos isang oras na ay wala pa ring taxi na humihinto sa harapan ko. Malas ko lang talaga at wala akong data para sana makapagbook sa Grab Taxi app ko.

Sinimulan ko na ang paglakad papuntang kanto para more chances of winning, nang may humintong asul na BMW sa gilid ko. Binilisan ko ang paglalakad pero sunod lang ng sunod ang sasakyan. Syempre mamaya nangunguha ng kidney yung sakay nito, gusto ko pang mabuhay no!

Binaba ng driver ang bintana. Hindi na ko nagulat na siya ang may ari ng sasakyang 'to. Kasing angas ng dating niya ang sasakyan niya.

"Hop in, ill take you home"

"No thanks. I can take care of myself" Mamaya pabayarin niya pa ako tapos mas mahal pa sa Grab ang bayad.

"Don't be such a hard headed pabo. Get in before I change my mind."

Ilang segundo din akong nag isip kung tatanggapin ko ang alok niya. Sa totoo lang nahihiya talaga ako sakanya ngayon, dahil sa dinanas ko. Nakita niya ng harap harapan ang ginawang pambubully sa akin.

Di nagtagal ay binuksan ko ang passenger's seat at naupo. Bahala na kung lumagkit man dito, siya naman nag alok na iuwi ako. Sa tagal ng byahe ay nakaidlip ako. Kung tutuusin nga dapat within 15 minutes ay nasa dorm na ako pero heto kami ngayon, nasa parking...

Wait nga! Hindi rin naman dito ang parking lot ng dorm ko e.

"V, nasan ako?"

"What do you think?"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Alam kong parking lot to jusmiyo.

"I don't know your address, it's better than to leave you on the road side sleeping, right?" He smirked and get off the car.

Hold Me TightWhere stories live. Discover now