14

166 7 3
                                    



Take a risk on me, Jessie. And I'll make you the happiest.

Naramdaman ko ang dahan dahang pagluwag ng pagkakayakap ni Taehyung sa akin.

Hindi pa man ako nakakabawi ay naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo.

"Come with me, my pabo." At inilahad ang kamay niya sa akin.

Ako naman si tanga ay hinawakan ang kanyang kamay at nagpatiaanod sakanya.

Narealize ko lang ang nangyari ng pababa na kami sa hagdanan nila Meg.

"Sandali. Si Meg-."

"She'll understand." Sabay hila ng kamay ko.

Sinakay niya ako sa kanyang sasakyan. Hindi ko man alam kung saan kami pupunta ay hindi na ako nag abala pang magtanong. Ang mahalaga ay kasama ko siya.

Makalipas ang isang oras ay inihinto ni Taehyung ang sasakyan niya sa tapat ng isang mataas na gate. Inalalayan niya akong makalabas at binigay ang susi ng kotse niya sa isang vallet.

"Welcome to my house, my pabo."

"Good morning, sir." Sabay na bati ng isang guard at isang kasambahay.

"Wala po si Mr. Kim." Sabi ng kasambahay nila habang nakasunod sa amin.

"Don't tell him that I'm here." Sabi niya at tuluyan na akong hinila.

Pagpasok namin sa kwartong pinagdalhan niya sa akin ay binuksan niya ang TV.

"Laro tayo ng Wii?" Cute at nakangiti na alok saakin ni Taehyung.

Napanganga lang ako dahil ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Labas ang buong ngipin at nakangiti pati ang mga mata. Natauhan lang ako ng batuhin niya ako ng unan.

"Huy, sabi ko laro tayo e. Pabo."

Umirap naman siya at sinet-up ang game console. Napili naming parehas na boxing ang laruin.

Tuwang tuwa si gago kakasuntok sa hangin. Tawa lang siya ng tawa kaya natalo ko siya. Humirit naman ng ikalawang round si Taehyung at pinagbigyan siya.

Nangangawit na ang mga braso ko pero matagal pa bago matapos ang laro kaya binaba ko na ang controler dahil sa ngawit.

"Pagod na ko. Ayoko na."

Nagpout naman si V at lumapit sa akin. Tinalikuran ko lang siya at nagpunta ko sa sofa pero hindi pa man ako tuluyang nakakaupo ay niyakap na niya ako.

"Aww. Ang bilis naman mapagod ng baby ko. Paano pala pag ano..." bakas ang lambing at pang aasar sa boses niya.

"Kim Taehyung!" Pinalo ko ang braso niya na siya namang ikinatawa niya.

I love hearing his laugh, it brings joy to my heart. His eye smile makes me happy too.

"Joke lang hahaha You want anything to eat?" Sabi niya at iniharap ako sakanya.

"Hindi pa ako gutom, mamaya na lang."

"Pero gutom na ko." Naka pout na pagmamaktol naman niya.

"Bakit, ako ba ang may hawak ng kitchen nyo? Kaninong bahay ba 'to???"

Napakamot naman ng ulo si Taehyung sa sagot ko. "Heheh. Let's go."

Bago pa kita makain. Dagdag pa niya.

"Taehyung-ah!"

"Hahahahahaha dalian mo ang mahuli pangit hahahahah."

Hold Me TightWhere stories live. Discover now