IBWTCG One

18.4K 353 75
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 1

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Sobrang sakit ng ulo ko at ng nasa pagitan ng hita ko kaya nahihirapan akong imulat ang mga mata ko.

Nasobrahan nga ata ako sa alak
kagabe, kung hindi lang kasama sa trabaho ko ang pagsama sa mga lalaki naming costumer ay hinding hindi ko pag iinteresan ang mga yun.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay agad kong nasilayan ang hindi pamilyar  na kwarto. Mariin akong pumikit at pinakiramdaman ang paligid. Kaya pala ang lambot lambot ng kamang to kumpara sa higaan ko sa apartment ay dahil nasa ibang lugar ako!

Mabilis na sumilay ang kaba sa dibdib ko nang makaramdam ulit ako ng hapdi sa pagitan ng hita ko.

Omygasssh! May naka one night stand ba ako?

Pano kung isa sa mga chakang
costumer ko ang pinagsamantalahan ang  kalasingan ko? Waaaahhh!

Hindi pwedeng
mangyari yu---- naputol ang pag iisip ko tungkol sa nangyari kagabi nang maramdaman kong gumalaw ang katabi ko.

Marahan kong iminulat ang mga
mata ko upang tingnan kung sino ang katabi ko.

Halos mawala ako sa katinuan nang mapagtanto ko kung sino ito...

Si Cleo Azul, ang  binansagang campus gay ang nakaone night stand ko? Waaah!

Pero wait... Okay na ata siguro to, atleast wala sa mga naging costumer ko ang nakasiping ko kagabi.

Gwapo naman ito at matangkad, matalino at mayaman pa pero ang problema eh mas babae pa ata itong gumalaw kaysa sakin.

Nailayo ko ang mukha ko dito nang imulat ni Cleo ang mga mata niya, infairness brown eyes pala to.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko habang nakatitig sa mga mata niya. 

Ano ba tong nararamdaman ko? Bat parang bumibilis ata ang tibok ng puso ko? Unti-unting kong inilapit ang mukha ko sakanya.

Hehe parang sa romantic movie lang, then magkikiss kami at mauulit uli ang
nangyari samin kaga---

"Ahhhh!!"

Oppss!! Hindi ako iyon!

"Omygasshh! Huhuhu totoo nga,
pinagsamantalahan mo ko! Huhuhu" iyak pa niya.

Napaismid nalang ako sa reaksyon niya.

Ang oa naman nito. Sinundan ko lang ang lalaking.. I mean ang baklang tili ng tili na tumatakbo papuntang banyo. Kahit
nahihirapan ay naghanap ako ng
pwedeng masuot at pilit ko itong
sinundan.

Bumungad sakin ang gagang akala mo naman ay siya ang mabubuntis sa nangyaring one night stand na iyon!

"Bwaak! Bwaak! Huhuhu pinagsamantalahan
mo ko!" iyak nito habang nasa harap ng iniduro.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"Tumigil ka nga! Makaarte to. Akala mo naman ikaw ang babae! Kung may iiyak sating dalawa ako dapat iyon! Kaya tumigil kana!" Mataray na singhal ko sakanya.

Tumingin ito sakin at inirapan lang ako bago nagmartsa papuntang kwarto niya. 

--------------------------------------------
Pumunta ako sa kusina kahit walang permiso sa baklang iyon. Gutom na gutom na kasi ako dahil wala pa akong kain simula kagabi.

Binuksan ko ang ref
niya at wow! Ang daming laman, pang isang buwan ko na atang pagkain to eh..

Kumuha ako ng bacon, hotdog at itlog. Natatakam tuloy ako sa bacon, hindi pa kasi ako nakatikim nun,  kaya kahit wala siya Ay nagsimula na akong magluto.

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Where stories live. Discover now