IBWTCG Twenty-Six

5.1K 148 16
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 26

Linggo, mabilis ang kilos namin ng anak ko dahil malilate na kami sa misa. Nagtext na din sakin si Cleo na nasa baba na siya at naghihintay.

"Anak ready kana ba?" tanong ko kay Caine habang tinitingnan ang laman ng bag ko.

Mabilis itong lumapit sakin pagkatapos niyang magsuot ng sapatos, "Opo mama, halika na po"

Tumango ako sakanya at nauna naman itong naglakad palabas. Sumunod nalang ako sakanya.

Paglabas namin ng gate ay agad na binuksan ni Cleo ang pinto ng kotse, napaiwas ako ng tingin sakanya, parang bigla akong titiklop kapag naalala ko ang ginawa namin kahapon!

Tahimik akong naupo sa likod at agad namang nagdrive si Cleo, "Nagsisimula na ata ang mass"

Sandali akong sumulyap kay Cleo, "Oo, pero okay lang yan"

Grrrr! Grabe nahihiya parin akooo.

Ganito kasi ang nangyari, diba nga hinalikan niya ko, tapos, tapoooos tumugon akooo. Opo! Haay kahiya, noong narealize ko yung ginawa ko ay agad akong tumakbo pabalik sa kwarto. Gaga talaga ako, gaga parin! Sobrang hiya ang nararamdaman ko dahil dun. Kaya ngayon, eto ako, di mapakali kapag naiisip yun!

Ilang minuto ding walang may nagsalita saming tatlo, inabala ko ang sarili kakatingin sa labas.

"Uh Loisa, andito na tayo" napatigil ako at tumingin sa kaliwa kung saan andoon ang simbahan, oo nga andito na pala kami.

Mabilis kong binuksan ang pinto at lumabas. Hinawakan ko ang kanang kamay ni Caine, at si Cleo naman sa kaliwa, at naglakad kami papasok sa simbahan.

Pagkadating namin ay nagsisimula na nga ang misa, buti nalang at may upuan pa sa likod kaya nakaupo kaming tatlo.

"Ang mga magulang ay ginawa ng Diyos para protektahan at alagaan ang kanilang mga anak--" yan ang naabutan naming sinasabi ng pari, nagpatuloy lang ito sa pagsasalita at nakinig nalang kami. "Ang pagiging magulang ay isang malaking responsibilidad na ibinigay ng Diyos sainyo, at ibinigay niya ito dahil alam niyang kaya niyo"

"Hindi maiiwasang magkaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan, pero wag niyong kalimutan na pinagtagpo kayo ng Diyos, binigyan niya kayo ng mga supling, nakatanggap kayo ng malaking blessing dahil deserve niyo yun, kaya kung may pinagdadaanan man kayo, may hindi pagkakaintindihan, ayusin niyo, sa ngalan ng Diyos at ng inyong pamilya, dahil kahit anong problema pa ang inyong harapin, isipin niyo na kayo ang itinadhana para magsama, para bumuo ng isang masayang pamilya"

Di ko alam pero napalingon ako kay Cleo dahil sa narinig, naabutan ko itong nakatingin sakin pero hindi ito umiwas ng tingin. Napalunok ako at bumaling ulit sa harap.

Parang maganda ata ang timing ng sermon ni Father para samin, swak na swak, tamang tama para sa sitwasyon namin ngayon.

Napabuntong hininga nalang ako. Lord, posible bang maayos kami? Na may matawag na pamilya? Dahil simula palang ang gulo na eh, sobrang gulo na ng sitwasyon namin, palagi kaming pinaghihiwalay, naging masaya man kami noon ay sa maikling panahon lang. Lord, ang hirap atang magsimula ulit, alam mo naman pong si Elo at Caine ang naging pamilya ko sa loob ng ilang taon diba? Posible po ba yun? Na magsimula ulit kami ng pamilya, na kasama na si Cleo? Gabayan mo nalang po kami sa mga desisyon na gagawin namin, nawa'y di na po ito ang maging dahilan ng sakit na mararamdaman namin.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Cleo pagkatapos ng misa. Tiningnan ko naman ang anak ko, "Anak san mo gustong pumunta?"

"I want to go to grandma!" masaya nitong sabi. Nagkatinginan  kami ni Cleo, mataman itong ngumite sa anak namin, "Ah anak, baka gusto mo sa ibang place --"

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang