IBWTCG Fifteen

9.7K 315 210
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 15

After 4 years....

"Diba sabi ko sayo wag kang lalabas? Ang dilim-dilim na sa labas! Pano kung may kumuha sayo?" Sermon ko sakanya.

Nakabusangot lang itong umupo sa sofa habang yakap yakap ang laruan niyang kotse.

"Anong nangyayari dito? Rinig na rinig ko sa labas ang sigaw ng napakaganda kong asawa ah?" Napabaling ako kay Elo na kakapasok lang sa bahay.

"Papa!" masayang sigaw ni Caine na tila'y nakahanap ng kakampi.

Inirapan ko lang siya at itinuro si Caine na unti unting bumababa sa sofa.

"Kausapin mo yang anak mo!" Sabi ko sakanya at dumeritso sa kusina para magluto ng ulam namin.

Rinig ko naman ang tawa ni Elo at ang pag bungisngis ni Caine.

Di ko namalayan na napapangite nalang ako.

Sa apat na taong pagsasama namin ni Elo ay nakontento na ako sa buhay ko, lalo nat kasama namin si Caine na bumubuo ng mga araw namin.

Sobrang daming nangyari sa apat na taon na yun.

4 years ago, nalaman kong buntis ako kay Caine. Sa mga panahong yun, kasama ko sina Elo at Mirasol na palaging nandiyan para tulungan ako..

Umamin narin si Elo na may nararamdaman siya para sakin, kaya noong sinabi niyang liligawan niya ako, binigyan ko siya ng chance.

Di naman ako nagkamali sa pagbibigay ko ng chance sakanya dahil nainlove na din naman ako.

Hanggang sa ngayon nakatira na kami sa iisang bahay, malayo sa apartment na tinirhan namin noon. Kasama ang anak ko kay Cleo na parang isang perpekto at masayang pamilya.

"Ang lalim naman ng iniisip ng baby koo" halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko sa biglaang pagbulong ni Elo sakin.

Napabungisngis naman si Caine na karga ni Elo, marahil ay natawa ang anak ko sa naging reaksyon ko.

"Magbihis kana muna love" nakangiti kong sabi kay Elo at nagsimula nang maghanda ng lulutuin ko.

"Teka lang mahal kong asawa, may sasabihin ang gwapo nating anak oh" aniya kaya napatingin ako kay Caine.

"Ano yun anak?" Malambing kong tanong sabay halik sa pisngi niya.

"Sowwiiee  mama, I love you po" malambing nitong sabi dahilan para pugpugin  ko ng halik ang mukha niya.

"Gusto niya lang naman palang maglaro sa labas, wala naman kasi siyang kalaro dito" ani Elo at  ginulo ang buhok ni Caine.

Parang may humaplos sa puso ko, wala man ang totoong tatay ni Caine, andiyan naman si Elo para tumayong tatay para sa anak ko.

Kaya nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ibinigay niya sakin si Elo.

"Eh pwede namang ako na muna ang kalaro niya" sabi ko at hinaplos ang pisngi ni Caine.

"Pero iba parin kung bata ang kalaro niya" tugon naman niya.

Yumakap naman si Caine sakanya.

"Sundan na kaya natin si Caine?" Dugtong niya.

Bahagya akong kinabahan sa sinabi niya. Seryoso at may halong lungkot ang mukha niya.

Alam kong gustong gusto niya nang magkaanak kami, pero hindi ko siya mapagbigyan.

Hindi ko alam sa sarili ko, alam ko namang mahal ko siya pero hindi ko maibigay ang sarili ko sakanya.

Nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan siya na hindi ko maibigay ang gusto niya..

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Where stories live. Discover now