IBWTCG Thirty-Three

4.3K 120 18
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 33

Life is very surprising, isang araw steady lang ang lahat, tapos biglang, may dadating sa buhay mo na ikasasaya mo ng sobra, meron namang magdudulot ng matinding sakit.

Lahat ng pinagdadaanan natin unexpected, nakakatakot minsan, pero yun ang magpapalakas sayo para harapin ang ilan pang paparating na hamon sa buhay.

Noon kontento na ako sa trabaho ko, ang gusto ko lang ay matapos ang course ko dahil pangako ko yun kay mama.

Dahil na rin sa kahirapan, sa pagiging mag-isa ko ay hindi na naging mataas ang pangarap ko. I don't even remember seeing myself teaching a lot of kids. Hindi naman ako matalino at hindi rin ganoon ka hilig sa mga bata.

Pero sino ba namang mag aakalang aabot ako sa ganito, from being a waitress, to a decent teacher. Proud ako dahil kahit anong pinagdaanan ko ay nakaabot ako sa ganito.

Nakakamangha talaga ang buhay, andaming ibabato sayo, pero kung maging matatag ka, sa huli ay kasiyahan ang makukuha mo.

At yun lang ang isang bagay na importante para sakin ngayon, na maging masaya na ako at ang pamilya ko. Wala na akong ibang mahihiling pa, ang gusto ko nalang ay masaya at peaceful na buhay, dahil masyado nang marami ang pinagdaanan kong hirap, at naniniwala akong happiness lang ang makakapagheal doon.

"Alam kong masyadong mabilis, pero marami nang oras ang nasayang sating dalawa. I waited for so long, gusto ko nang makasama kayong dalawa ng anak natin" maluha luha kong tiningnan ang mukha ni Cleo, nakaluhod ito sa harap ko, hawak ang napakagandang singsing.

"Whoooh! Go na ateee!" rinig kong kantyaw ng isang babae. Maingay na din ang paligid, halos lahat ay nakangite at kinakantyawan kami.

"I want to spend the rest of my life with you. Loisa, will you marry me?" mas lalong umingay ang mga tao sa paligid nang itanong yun ni Cleo.

Nakangite si Cleo pero hindi maitago nun ang emosyon niya, maluha luha ito at halatang kinakabahan.

Sa oras na to, alam kong magbabago na ang lahat. Mamumuhay na kami kasama si Cleo, tatanggapin ko ulit siya at makakasama na namin siya habang buhay.

Sa pagkakataong ito, papayag akong makasama siya sa hirap at ginhawa.

"YES NA YAN!" sigaw ng isang nanonood.

Napatawa ako ng mahina bago tingnan sa mata si Cleo. I smiled at him, gusto kong makita at maramdaman niya na masaya ako ngayon. "Yes Cleo, I will marry you" nakangite kong sambit, puno ng emosyon.

Nagsigawan ang mga nanonood samin, malapad na ngite ang binitiwan ni Cleo bago ito tumayo, "Thank you Loisa" he pulled and hugged me tightly. Niyakap ko siya pabalik, ramdam ko ang bilis ng pagkabog ng dibdib namin.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at kinuha mula sa maliit na box ang singsing na may malaking bato. Nanginginig ang kamay nitong kinuha ang kaliwang kamay ko.

Di mawala ang ngite sa labi ko habang tinitingnan siyang isuot sa daliri ko ang singsing. Parang may humaplos sa puso ko nang tuluyan na itong maisuot.

"Mahal na mahal kita" malambing at puno ng pagmamahal na sambit niya. Nagkatitigan kami, parehong nakaguhit ang ngite sa labi namin, "Mahal din kita Cleo" masaya kong tugon.

Mabilis nitong inilapit ang mukha sakin hanggang sa maramdaman ko ang mainit at malambot niyang labi, kusang loob kong tinugon yun, na naging sanhi ng pag ingay ng paligid.

Mabilis akong bumitaw at ramdam ang init ng mukha ko, nakalimutan kong marami palang nanonood samin!

Tumawa lang si Cleo at niyakap ako.

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon