IBWTCG Thirty-One

4.4K 138 19
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 31

(Elo's P.O.V)

Lumabas ako mula sa opisina ni Doctor Chan, it's our daily check up to make sure na walang ibang sakit na kakapit samin.

Sakto namang pagtalikod ko mula sa pinto ang pagdaan ni Ysabel. Ngumite ito sakin, nagbaba at napaiwas naman ako ng tingin.

Ilang araw ko na din siyang iniiwasan mula nong araw na yun, kinakain kasi ng kaba ang dibdib ko pag nakikita ko siya, at mas lalo akong nakokonsensiya, feeling ko hindi ko deserve ang ngiting binibigay niya sakin.

"San punta mo?" tanong nito. Tumikhim ako, umayos ng tayo at humarap sakanya. Tumingala naman ito sakin, hindi na siya nakangite ngayon, pero mababakas mo ang saya sa mga mata niya.

"Magpapahinga lang ako sa kwarto" I answered at umiwas ulit ng tingin. "Palagi ka nalang magpapahinga pag nagkikita tayo, wala kana bang ibang palusot?"

Hinarap ko siya, "Hindi naman kita iniiwasan ah" parang gusto kong mapaface palm nang makita kung pano magbago ang reaksyon niya. Lumawak ang ngite nito na animoy nang aasar. Antanga mo din kasi Elo! "Edi lumabas din" nakanguso niyang sambit.

Huminga ako ng malalim, "Sige mauna na ako" paalam ko sakanya, di ko paman siya nalalampasan ay napahinto ako nang hawakan nito ang braso ko, napunta doon ang paningin ko, at lumipat sa mukha niya.

"Sumama kana muna sakin, parating na kasi si mommy kasama ang mga anak ko, nang maambunan kamanlang ng positivity naming mag iina"

Napatigil ako dahil sa sinabi niya, totoo ba tong naririnig ko? Pupunta dito ang mga anak niya? Ang mga a-anak ko?

Handa na ba akong makita sila?

"Sige naaaa, I'm sure may dalang foods sina mommy" dalawang beses akong napalunok nang magtama ang paningin namin, mababakas mo parin ang saya sa mata niya. Kaya pala, dahil dadating ang dahilan nito.

Huminga ako ng malalim at nagbaba ng tingin, "Sige" mahina kong sabi. Impit naman itong tumili dahil sa saya at lumingkis sa braso ko, kunot noo ko siya tiningnan pero kinindatan lang ako nito.

Di ko nalang yun pinansin, naglakad kami papunta sa  mga benches sa labas, panay naman ang ngite ng ilang nurse habang nakatingin samin, nakakailang, pero itong kasama ko ay parang walang pakialam.

Siguro pag nalaman niyang ako ang dahilan kung bat siya andito, maski paghawak ata sa daliri ko ay pandidirihan niya. Napayuko nalang ako at napangite ng mapait.

"Haay buti nalang vacant dito" komento niya pagkaupo namin sa muchroom-like na tambayan. May circle na table ito, korteng mushroom ang nagsisilbing silungan, at may limang bilog na upuan ding nakapalibot sa table.

Dito madalas tumambay kapag may bisita, pero ako, kapag dumadalaw si Ate ay doon lang kami pumepwesto sa tinatambayan kong bench na natatago.

Tahimik akong naupo at tiningnan siyang abala kakalikot sa cellphone niya. Ang cellphone ko naman ay nasa drawer ko lang sa kwarto, chinicheck ko lang yun kung nagtext o tumawag ba si Ate. Di rin naman ako umaasang kokontakin ako ni Loisa eh.

"Ano ba yan, sabi ni mommy malapit na sila" nakanguso niyang sambit. Nakakunot ang noo nito at nasa cellphone niya ang paningin.

Di ko namalayan na napangite ako, wala, ang cute niya kasi, as soon as I realized it ay umiwas ako ng tingin at binawi ang ngiting binitiwan ko kanina.

"Omg!" gulat akong napatingin sakanya nang bigla siya tumayo at sumigaw. Nakahawak ito sa bibig siya at nakatingin sa bandang likod ko.

"Babieeees!" aniya at naglakad paalis. Para naman akong naestatwa sa inuupuan ko. Nilamon na naman ng kaba ang dibdib ko, parang di ko kayang tumingin sa likod nang marinig ang boses ng mga bata.

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Where stories live. Discover now