IBWTCG Six

13.1K 320 23
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 6

Nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo at mabigat ang pakiramdam.

Hang over ugh!

Napatingin ako sa wall clock dito sa kwarto ko. 9 am na pala. Pero tinatamad parin akong bumangod.  May pasok ako ngayon pero ayaw makisama ng katawan ko.

Huminga ako ng malalim at muli ay pumikit.

Huhu bahala na, hindi ako papasok. Tatambay nalang ako dito kasama si bakla.

Bigla ay sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi.

Napatawa nalang ako ng palihim.

Grabe ansakit ng pagkakahulog ko sa kama niya. Parang gumawa ng paraan ang mga guardian angels ni bakla para mapigilan ang isang dyosang tulad ko na makascore sakanya ah? 

Tumagilid ako ng higa at niyakap ng mahigpit ang unan ko.

Ansarap ng ganitong buhay. Nakahiga sa mamahalin at malambot na kama habang naka aircon. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong kagaang buhay. Mukhang blessing in disguise din tong si bakla eh, kung hindi ko siya nakilala tiyak na pagala-gala ako sa syudad ngayon at walang matuluyan.

Di mawala ang ngite sa labi ko habang yakap yakap ang mabango at malambot na unan.

Ilang minuto din akong nanatili sa kama hanggang sa mapagpasyahan kong bumangon na.

Dumeritso ako sa banyo para maligo. Mabilis akong natapos maligo at magbihis kaya lumabas na ako sa kwarto ko.

Isang napakatahimik na sala ang bumulaga sakin. Walang gwapong mukha ng bakla ang nakita ko. Hays. Baka pumasok na yun huhu sayang naman akala ko naman matutuloy ko na ang plano ko.

Hmp! Anong plano? Edi akitin si bakla bwahaha! Ang naughty naughty ko ba? Ewan, enjoy na enjoy kasi ako kapag nakikita siyang namumula sa mga pinaggagawa ko. Hmm. Halatang apektado si bakla sa mga ginagawa ko sakanya. Ano kayang nasa isip niya tuwing inaakit ko siya? Siguro sobra-sobra ang pandidire nun! Syempre kahit dyosa ako ng kagandahan, hindi parin niya type ang mani. Makasausage ang bakla eh!

"May balak ka bang magflag ceremony diyan?" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang may magsalita sa likod ko.

Mataray at husky pa ang boses! Syempre sino paba? Edi ang gwapong baklang bida ng kwentong to!

Dahan dahan akong humarap sakanya na may kasamang matamis na ngiti, isang nakakaakit at nagpapatindig sausage na ngiti na saakin lang makikita.

Kitang kita ko ang makinis, gwapo at perpektong mukha ni bakla na bahagyang nakataas ang kaliwang kilay sakin. Huhu ang aga aga, mainit na agad ang ulo ng baklang to sa dyosa!

"Oo bakla magpaflag ceremony ako, ikaw ang maglead ng panatang makabayan ha?" Nakangise kong sabi sakanya.

Agad namang pumaikot ang eye balls niya at nilampasan ako.

Naglakad siya papuntang kusina kaya nagkaroon ako ng chance na titigan ang matambok niyang pwet. Grabe! Gifted si bakla, ansarap  e'squeeze ng matambok niyang pwet! Hihi

"What are you staring at?" Bahagya akong napakurap nang nawala sa paningin ko ang matambok niyang pwet at napalitan ng malaking umbok sa boxers niya. Omg! Biyaya sa umaga! Waaah!

"Stop it Loisa" nabaling ang atensyon ko sa mukha ni bakla.

Sobrang seryoso ng boses at mukha niya, halatang hindi niya nagugustuhan ang pagtitig ko sa precious organs niya. Hays! Parang yun lang naman eh! Huhu

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Kde žijí příběhy. Začni objevovat