IBWTCG Seventeen

9.3K 255 161
                                    

IN BED WITH THE CAMPUS GAY

CHAPTER 17

"I have something to tell you" bungad na sabi ni Misty pagkapasok niya sa condo ko.

Pakanta-kanta at pasway-sway pa ito hanggang sa pumunta na siya sa harap ko.

Nakaupo ako sa couch habang nanonood ng TV na hindi ko na nagawa dahil natabunan na niya.

"What is it Misty?" Naiirita kong tanong  at pinatay ang TV.

Lumaki naman ang ngite nito.

"I'm pretty sure you'll be happy with my chismis today" nakangise niyang sabi pero kinunutan ko lang siya ng noo at umiwas ng tingin.

My heart beat so fast. Di ko alam pero umaasa ako na tungkol sakanya ang chismis na sasabihin ni Misty.

"Ehem.. Just tell me" kunyari ay hindi ako interesado pero hindi na ako mapakali sa lakas ng tibok ng puso ko.

"I just saw hmmm" pabitin niyang sabi kaya huminga nalang ako ng malalim.

Baka matadyakan ko to eh. Di nalang sabihin..

"Who?" Tanong ko.

"I saw heeeer" nakangise niyang sabi.

Pinagpawisan ako ng malamig habang dinadama ang mabilis na tibok ng puso ko.

I don't want to assume na SIYA ang tinutukoy niya.

Ilang taon ko na siyang hinahanap at sanay na ako sa mga fake news na dumadating sakin.

I will surely slap this bitch pag fake news ang sabihin nito!

"Sino ba? Sabihin mo na nga lang ng diretso!"

"Guess whooo?" Natatawa niyang sabi.

Tiningnan ko nalang siya ng masama dahil napipikon na ako.

"Okay fine haha. I saw Loisa" seryoso niyang sabi.

Napatitig naman ako sakanya. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko.

"W-when? Where?" Naluluha kong tanong.

I waited for so long to find her. Nagsisisi na ako sa mga nasabi ko sakanya.

Dapat ay sakanya ako naniwala. Sa babaeng mahal ko dapat ako naniwala noon, baka hanggang ngayon ay hawak ko parin siya.

4 years ago, umamin si Camille na set up lang ang nangyari kay Loisa. Siya ang may pakana ng lahat, desperada na daw siyang makuha ako.

But my brother Clawjo came back to get her. Di ko na sila pinakailamanan dahil hindi ko naman mahal si Camille.

Pero napakalaking pagsisisi ang naiwan sakin. Hinanap ko si Loisa pero hindi ko alam kung nasan siya.

Nagpakalalaki na ako't lahat lahat pero walang makulit na Loisa ang bumalik dito sa condo ko.

"Hey Cleo! Are you with me?" Napabalik ako sa wisyo nang biglang sumigaw si Misty.

"I'm sorry, what is it again?" mahina kong tanong sakanya.

Nag roll eyes naman ito at nameywang sa harap ko.

"I saw her kanina, akala ko nga hindi niya na ako makikilala but I'm wrong! But sadly, she's with her boyfriend and their son"

Parang tinusok ng karayom ang puso ko. Agad na nag init ang gilid ng mata ko.

Pilit ko mang pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo pero hindi ko ito nagawa. Hinayaan ko lang itong tumulo sa pisngi ko.

In Bed With The Campus Gay (COMPLETED) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt